Chapter 12

6.8K 71 4
                                    

ENJOY!

(Eris)

I'm on my way to meet Rhian and Judy. Si Lyn at Abee ay hindi makakapunta sa hindi ko alam na dahilan.

Pumasok ako sa loob ng Jollibee. Ito ang pinaka paborito naming kainan kahit afford namin ang mamahaling restaurant mas gusto naman namin dito, mas masarap pa ang pagkain lalo na yung peach mango pie.

I saw Rhian and Judy sitting at the corner. I smile and wave at them habang naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. Umupo ako sa tabi ni Judy. 

"Oh sige ako na o-order, ano gusto niyo?" Sabi ni Rhian, ayun oh libre, kapag kasi siya ang umoorder ng pagkain, aasahan na naming libre.

"Super Meal A ako sis" sabi ni Judy.

"Ikaw Eris?" tanong nito sa akin. Parang gusto ko lahat, para naman akong patay gutom nito. Napapansin ko parang dumadami ang kain ko nitong nakaraang araw. Stress lang siguro dahil na rin sa problema ko kay Daniel. Isama pa na hindi pa din ako pinapansin nila Dad.

"Gusto ko din ng Supermeal tapos large fries, sundae at 3 pcs ng peach mango pie, pwede din ba ako magpatake out ng isang order ng spaghetti?"

Napatitig naman sa akin yung dalawa na para bang may sinabi akong nakakamatay.

"Ay gutom na gutom lang sis?" sabi ni Judy na hindi makapaniwala. Eh gusto ko kainin yung mga iyon eh.

"Ang dami mo namang order, kaya mo bang ubusin iyon?" tanong naman ni Rhian na nakunot ang nuo.

"Grabe naman kayo sa akin, babayaran ko na lang" sabi ko kay Rhian at nag pout.

"Oh God! and you're pouting now, I can't believe this!" Eksaheradang sabi ni bakla.

Well, I don't like pouting in front of other people except sa harap ni Bestfriend.

"Are you okay Eris? Hindi ko natatandaan na malakas kang kumain" sabi naman ni Rhian na puno ng pagtataka. Kahit ako din nagtataka na pero wala akong paki-alam basta kakainin ko ang gusto kong kainin.

"Okay ako! Kung ayaw mo akong orderan, ako na lang" sabi ko sabay tayo na.

"hey, nagtataka lang kami, bakit nagagalit ka na" sabi naman ni Judy.

I don't know, pero bigla akong nairita sa dalawang ito.

"okay, okay, umupo ko na ako na mag-oorder" sabi ni Rhian at naglakad na patungo sa counter.

"Ikaw bruha ka! Bakit ang sungit mo? " tanong ni Judy na nakatingin doon sa lalaking crew na nagpupunas sa kabilang table.

"Hays, ewan ko ba, stress lang siguro ako" sabi ko na lang dahil iyon lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ako nagkaka ganito.

Nang dumating iyong mga pagkain naming, para akong batang excited na first time makakakain sa Jollibee. Nilantakan ko na ang mga pagkain. Ang sarap talaga.

"Oy dahan-dahan naman hindi ka namin aagawan diyan" sabi Rhian habang kumakain din.

"Nasabi mo pala kanina sa akin Rhi na may sasabihin ka, ano iyon?" tanong naman ni Judy. Hindi ko sila muna sila bati lalamon muna ako kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap.

"Ay oo nga pala, well matagal na ito pero kasi nahihiya naman akong umamin" sabi nito na kinikilig-kilig pa nang mapatingin ako sa kanya.

Hindi ko na lang sila pinansin. Kain lang ako ng kain pero nang uminom ako sakto namang nagsalita si Rhian na ikinabigla ko kaya naibuga ko yung ininom ko.

"Ay! ano ba yan sis! Dugyot lang" maarteng sabi ni Judy.

Hindi ko siya panansi, ang tingin ko na lang ay na kay Rhian dahil sa sinabi niya.

"A-anong sabi mo?" tanong ko kay Rhi. Napansin kong biglang namula yung mukha niya.

"Sabi ko may gusto ako kay Jez matagal na. Mahal ko na siya" sabi nito pagkatapos sumubo ng isang fries. Napatanga na lang ako sa kinauupuan ko. Mahal niya si Jez?

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ko naman siya masisisi. Total package nga naman si Jez. Hindi rin ako nahirapan mahalin ang bestfriend ko- What?!! Mahal? Siyempre mahal ko siya bilang kaibigan, tama, kaibigan ko siya kaya tama lang na mahalin ang kaibigan.

"WOW!, landi kang babae ka! bakit ngayon mo lang sinabi iyan?" sabi ni Judy.

"Eh basta, hindi ko na kayang pigilan eh, saka napagdesisyunan ko na aminin na sa kanya sa graduation" kinikilig-kilig na turan nito.

Hindi pa din ako makapagsalita dahil sa inamin ni Rhi. Hindi naman mahirap magustuhan si Rhi, maganda, mabait din, mayaman, at matalino din naman. Dapat ba akong maging masaya? Dapat nga siguro dahil kaibigan ko silang dalawa at may chance na maging sila. Pero bakit ang bigat naman ng dibdib ko? bakit may kirot akong nararamdaman?

"Hoy! Inugat ka na diyan, earth to Eris" sabi ni Judy sabay kaway ng kamay niya sa mukha ko. Doon pa lang ako nabalik sa paglalakbay ng isip ko.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko HAHA" sabi ko kahit pilit na pilit ang mahinang tawa ko. Nawala na ako sa mood.

"Isip na lang tayo ng paraan kung paano ka aamin Rhi kay Jez, mag suggest ka naman Eris, ikaw ang bestfriend kaya alam mo kung ano ang mga gusto ni Jez" sani ni Judy.

"ummm hindi naman siya materialistic"

"Gusto ba niya ng pagkain ganun?, ibibigay ko sa kanya pagbaba niya ng stage sa graduation, OMG!, I'm so excited, pero kinakabahan din ako." sabi ni Rhi at parang nag puso-puso na yung mga mata.

Tuloy-tuloy lang nag-usap yung dawala, hindi na din ako umimik, sumasagot na lang ako kapag may tinatanong sila. Pagkatapos naming kumain, nag-aya pa sila para magpa mani-pedi pa daw kami kaso umayaw na ako. Nawalan na ako ng gana. Naiinis din ako kay Rhi, na hindi naman dapat.

Umuwi na lang ako sa bahay dala yung take out ko at nagkulong sa kwarto, nanood ako ng movie at nilantakan yung take out ko. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako at nagising lang ako ng may narinig akong katok.

"Eris, bumaba ka na at nang makapaghapunan na" It was Nana Ester.

"Sige po Nana" sagot ko naman at tinignan ang phone ko kung anong oras na. Mag-aalas-siyete na pala, kaya pala gutom na naman ako. Nakita kong may isang message galing sa unregistered number. Binukasn ko iyon at binasa, para akong nanghina, hindi ko pa alam ang gagawin ko tapos gusto niya bukas na.

Hi Eris, btw this is Daniel. Gusto ko lang sabihin na hanggang bukas na lang pala ang ibibigay kong palugit sayo. Hindi na ako makapag hintay eh, gusto na kitang tikman. HAHA Alam mo ang mangyayari kapag hindi ka sumunod sa kundisyon ko. Nacompose ko na pala ang email, ready to send na kay Mom with proof pa. See u tom

Gusto kong umiyak dahil sa kinalalagyan kong sitwasyion pero wala namang magagawa ang luha, hindi nito kayang pagtakpan ang mga maling nagawa ko.

 Ang kailangan ko ay tatagan ang loob ko, para wala ng maperwisyong tao. Kailagan ko lang naman hubarina ng dignidad ko at magpagalaw sa lalaking hindi ko naman gustong pagbigyan ng katawan ko. Isang beses lang Eris, kailangan mong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Malaking gulo ang mangyayari kapag lumabas ang sirkretong ititinatago mo.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Sana nandito si Jez, para yakapin ako tapos sasabihin niya magiging okay din ang sitwasyon. Sana nandito siya sa tabi ko para masabi ko itong mga dinadala ko dibdib ko. 

I feel so helpless! tapos iniisip ko pa si Rhian, ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya? Ano mangyayari sa pagkakaibigan namin ngayong kitang-kita ko sa mata niya kanina na mahal niya si Jez? Ano magiging reaksyion ng lahat ng makakaalam?

-----

S.B. Notes

Please comment and vote!

I need motivation.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon