Chapter 6

9.6K 96 9
                                    


(ERIS)

After dinner nagsipag shower na muna kami. Kaming mga girls ay mag stay sa room ni Rhian kasama namin si Judy at ang mga boys naman ay sa guest room.

May 2 pa kaming topic sa Math na kailangan i-review.

Ako ang huling nag shower sa amin at kalalabas ko lang ng banyo. Si Abee ay naka-pajama at t-shirt, same with Judy. Kami nila Lyn at Rhian ay naka-pajama din pero naka sando sa pang itaas. Kamamadali ko kanina sando pala ang nahugot kong pantulog.

Nakatali ang buhok ko sa bun kaya kitang-kita ang leeg ko at mga braso ko.

"Okay na? Lets go, naghihintay na yung mga boys sa may sala." Sabi ni Rhian at nauna nang nagtungo sa pinto para lumbas.

Sumunod naman kami sa kanya at nagtungo na sa salas. Nandoon na ang mga boys pero wala si Jonas

"Nasaan na si Jonas?" tanong ni Lyn

"Inutusan ko guys na bumili ng iinumin natin mamaya, kaya bilisan na natin mag review para party-party na" Excited na sabi ni Rhian at nag-umpisa ng magbuklat ng libro.

After we finished reviewing, we went to the pool. Ang ganda, may mga iba't-ibang kulay ng ilaw ang paligid. Nakahanda na din ang speaker na may nakakaindak sa tugtog at ang alak na iinumin namin.

Second year ako noong natuto akong uminom. Sinubukan ko lang naman pantanggal ng stress. Sobra akong na stress noon dahil naging second place ako kaya napagalitan ako nila Dad dahil nagpabaya daw ako. Baka lunurin ako ni Dad sa alak kapag nalaman niyang nag-iinom na ako.

"Mukha tayong tanga, nag review pa tayo tapos iinom lang din pala pagkatapos, ano pa silbi ng nireview natin, baka makalimutan lang nating ang mga yon bukas HAHA" It was Kiel na nag bubukas ng alak.

"Gago, ikaw lang yung makakalimot" Sabi naman ni Rhian

Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa na maging kaibigan ko ang mga ito. Pero si Jez pa din ang pinaka close ko. As in close.

Nag-umpisa na kami mag-inuman. Konti lang pala binili ni Jonas. Tig dadalawang redhorse lang pala kami.

Lagi kaming nag-lalabasan ng sama ng loob kapag ganitong nag-numan kami. Kahit galing kami sa mga kilala at mayamang pamilya, pareparehas naman kaming hindi masaya.

"Nakakainis, lagi na lang si Kuya Jeff ang magaling sa paningin nila Dad, hindi man lang nila makita na binibigay ko din yung best ko" Sabi ni Jez sabay inom ng beer.

Alam kong laging nakukumpara si Jez sa Kuya niya. Ang gusto lang naman niya ay ma-appreciate siya ng Dad niya, at maging proud sa kanya.

"Hay naku! ako nga ikinakahiya ng Tatay ko, kailan kaya nya ako matatanggap. Eto na ako eh Bading. Naalala ko pa noong nahuli ako ni Dad na nakasuot ng palda sa kwarto ko, tang'ina sapak at puro mura inabot ko" Napapailing na sabi ni Judy at uminom din ng alak.

Sundalo kasi ang Tatay niya at General naman ang Lolo.

"Ako naman, ayaw ko na dito sa amin, sawa na ako, alam nyo naman diba, hindi talaga maayos ang pamilya namin puro pag-papanggap lang ang lahat dahil masisira bilang Mayor si Daddy" Naiiyak sa sabi ni Rhian.

"Well same as mine, ayaw ko rin sa amin, hirap na hirap na akong manatili sa standard ni Mommy, kesyo dapat ganito ka, ganyan ka. Potek eh kung sila kaya manduhan ko" Kita ko sa mata ni Kiel na nahihirapan nga siya.

Ganun lang ang ginawa namin naglalabasan ng hinaing at nag-iinuman. Nagkwentuhan na din.

"Ikaw Eris, kamusta namam?" Tanong sa akin ni Abee

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now