Chapter 24

4.6K 69 12
                                    


(ERIS)

Limang buwan na rin pala simula ng umalis kami kila Judy at lumipat na kami sa maliit na kwartong inuupahan namin. Matatagpuan ito sa isang compound. Para itong isang pahabang bahay na nahahati sa limang kwarto, ang pang limang kwarto ang sa amin. Hindi ko akalain na mararanasan kong tumira sa ganito, ngayon ko napagtanto na napaswerto ko sa buhay na mayroon ako dati.

Maiinit at masikip pero okay na din, wala naman kaming choice, dahil wala naman kaming pera, at kailangan magtipid at mag-ipon. Ligtas naman daw dito, kahit maraming nag iinuman sa mga kanto. May mga rumorondang mga tanod din sa gabi. Ang daan din papasok sa inuupahan namin ay masikip, hindi nga kasya ang isang kotse, motor lang nga ata. Kailangan pang maglakad ng dalawang kanto para makarating na main road.

Laging bumibisita si Judy dito para samahan ako lalo na kapag wala siyang klase. Sila Kiel, Jonas and the girls ay never pumunta dito, kay Kiel at Jonas na lang kami may komonikasyon kila Abee, Lyn at Rhian ay wala na.

Amin na buwan na akong buntis, at maayos naman ang lagay ko at ni baby. Masarap sa pakiramdam na may isang buhay na nasa loob, kahit nahihirap kami ni Jez, masasabi ko namang masaya naman kami. Lalo kapag kinakausap namin si Baby tapos sumisipa ito.

Mag-isa na naman ako, wala naman akong mapagka-abalahan kundi ang magbasa tungkol sa pagbubuntis at maglaro sa cellphone. Wala rin naman kaming TV.


Si Jez, umalis para maghanap ng trabaho. Alam kong nahihirapan na siya kaya gusto ko rin sanang tumulong noong maliit pa ang tiyan ko pero hindi sya pumayag. Iniisip ko  na naman kung saan kami kukuha ng pera para sa budget bukas, wala paring mahanap si Jez na matinong trabaho, dahil minor de edad pa siya.

Alam kong hirap na hirap na siya, kapag-uuwi siya halata ang sobrang pagod pero nakangiti pa din. Kapag iniisip ko ang sitwasyon namin ngayon hindi ko mapigilang maiyak. Katulad ngayon, umiiyak na naman ako, kahit ayaw ko kusang tumutulo ang mga luha ko, napa emotional ko dahil na din sa pagbubuntis ko. Kahit isang beses hindi ko ipinakita sa kanya na umiiyak ako, dahil lalo siyang mahihirapan, sabi niya ayaw niya akong umiiyak.

Tahimik lang akong umiiyak, inilalabas ko lahat ng frustrations ko, awa sa amin, lalo na kay Jez. Hindi man siya nagsasabi, lagi man siyang nakangiti alam kong kinakaya niya, pinipilit niya, at ginagawa niya lahat para sa amin ni Baby.

Kapag ganitong sitwasyon na mag-isa lang ako, hindi ko mapigilang isipin lahat ng pinagdadaan namin.

Sa loob ng limang na buwan, sobra kaming naghihirap, hirap mag adjust, pero kailangan naming tanggapin na ito na ang buhay namin. Kapos sa pera, walang pambayad ng upa at pambili ng mga kailangan namin, pero heto pa din kami, kumakapit para sa anak namin.

Sa umaga sumasama siya kay Mang Kaloy sa palengke para magbuhat ng mga bundle ng gulay na inaangkat, minsan naman ay mga banyera ng isda. Nag-aalala na ako sa kanya, kitang kita kong malaki ang nabawas sa timbang niya dahil sa pagtratrabaho. Hindi din naman siya sanay sa mabibigat na trabaho, isa pa may sakit noon si Jez sa puso, kahit sabihing magaling na ito, nag-aalala pa din ako.

Nasubukang maging kargador ni Jez ng kung ano-ano sa palengke para may pambili kami ng pagkain. Pumasok na din siya sa construction pero pinatigil ko siya dahil hindi naman niya kaya. Pumasok din siya bilang taga linis ng sasakyan sa may car wash malapit dito pero hindi sapat ang kita. Puro na din kami utang kila Judy, Kiel at Jonas. Sila ang takbuhan namin kapag walang-wala na talaga kami. Mahaba na din ang listahan naming sa tindhan ni Aling Pepay.

Sa loob ng limang buwan, naranasan naming maputulan ng tubig at kuryente, walang maisaing na bigas at walang pabimili ng ulam. Sobrang pagtitipid ang ginagawa niya para may maibili kami ng vitamins para kay baby. Sa center na lang din ako nagpapacheck-up para libre. Kahit may cravings ako, hindi na ako nagsasabi dahil alam kong bibilhin ni Jez kung ano man ang gusto kong kainin.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant