Chapter 21

4.8K 78 8
                                    

**oh aasahan ko comment at votes niyo HAHA*

(ERIS)

Pagpasok pa lang namin ng auditorium, nasa amin na ni Jez ang tingin nila. Mga tinging mapanghusga. Sari-sari ring bulungan ang naririnig ko. Mga masasakit na salita na galing sa mga taong hindi naman kami totoong kilala. Kilala lang nila kami sa pagkakamali naming dalawa.

"Shet, ang kapal naman ng mukha nilang umattend, hindi ba sila nahihiya"

"Pare, tignan mo si Eris kung titignan nga naman ang ganda at sexy niya, masarap kaya siya?"

"Nakakahiya mga anak pa naman ng sikat at nirerspetong mga tao"

"Pinaka matalino sa batch natin na laging magkakompetensya, natitikiman pala"

"Nakakahiya, Anak pa man din ni Congressman si Eris"

Gusto kong tumakbo palayo sa mga taong kung manghusga parang kilalang-kilala nila ako. Ang sakit ng mga salitang binibitawan nila. Parang paulit-ulit akong sinasaksak. I feel so ashamed. Sana lamunin na lang ako ng luma para hindi ko na sila marinig at makita.

Yumuko na lang ako hanbang naglalakad papunta sa pwesto namin ni Jez. Hindi ko mapigilang mapaluha. Kinakain ako ng kahihiyan.

Hinawaka ni Jez ang kamay ko at iginaya paupo.

"Okay lang naman huwag na tayong umattend, kunin na lang natin yung diploma natin saka tayo umalis" sabi Jez.

"No, kailangan umakyat ka sa stage para tanggapin iyon" sabi ko at nag-angat ng tingin kay Jez. Mukhang wala naman sa kanya ang mga sinasabi ng mga tao sa paligid namin.

"Kung iyon lang ang iniisip mo, ayos lang sa akin. Ayoko ng mga sinasabi nila sa atin at alam ko nasasaktan ka, kaya tara na umuwi na lang tayo" sabi nito at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.

"Pero pangarap mo maging top diba, eto na iyon, kukuhanin mo na ang diploma mo sa stage" sabi ko at tumingin sa mga kamay namin.

"Wala na akong paki-alam doon, gusto ko lang naman iyon dahil gusto kong ma please ang parents ko, pero wala naman na silang paki eh, kaya tara na" sabi nito at hinila ako patayo.

"Sapag kakakilala ko diyan sa babae, mahinhin daw iyan, mahinhidutin pala"

"Akala mo kung sinong santa, nasa loob naman pala ang kulo"

"Kung ako iyan, hindi na ako lalabas ng bahay dahil sa kahihiyan"

"Sayang si Jez, boyfriend material na kaso, tanga din minsan, pumatol ba naman sa babaeng malandi"

Dumilim ang mukha ni Jez dahil sa sinabi ng isang babae, lalapitan sana ito ni Jez, pero pinigilan ko na lang siya. Naglakad na kami papunta kay Mrs. Fining Garcia para kunin ang mga diploma namin.

"Class adviser niyo ako, gusto ko kayong pagalitan pero hindi ko gagawin dahil wala naman akong karapatan dahil personal na buhay niyo na iyan. Ang gusto ko lang sabihin sa inyo ay huwag kayong susuko, tatagan niyo ang loob niyo, pagsubok lang ito. Go on with your life, alam ko magiging mahirap pero lilipas din yan" sabi nito tipid na ngumiti sa amin.

"Hindi na ba talaga kayo aattend, nandito na rin lang naman kayo" sabi pa nito pero sabay lang kaming umiling ni Jez.

Alam kong nagkamali kami, tanggap na naming na itong nangyayari sa amin ay dahil din sa kagagwan namin kaya wala kaming masisisi kundi ang mga sarili namin.

Iniabot ni Mrs. Fining Garcia (Basahin niyo ng pauli-ulit ng mabilis) ang mga diploma namin. Isinauli na din naming ang mga toga at naglakad na palabras ng auditorium.

Nakasalubong namin sina Kiel, nagkamustahan lang ang mga boys at ang mga girls naman ay walang kibo. Tinignan ko si Rhian pero inirapan ako nito. Tumingin ako kay Abee at Lyn pero yumuko lang ang mga ito.

"Rhian" mahinang sabit ko

"I'm sorry" sabi ko at tinangka ko siyang hawakan sa kamay per inilayo niya iyon sa akin.

"Alam mo, dapat lang sa iyo yang nangyayari sayo. Ano masaya ka? Nagkwekwento ako sayo tungkol sa pagkagusto ko kay Jez tapos kinakalantari mo naman pala. Malandi!"

"Rhi, stop!!" sabi ni Judy dahil sa sinabi nito. Ang sakit, hindi ko man siya sobrang close na parang kay Jez, itinuturing ko naman siyang kaibigan. Mukhang nagulat si Jez dahil sa sinabi Rhian na may gusto siya sa binata.

"Wala nga kayong label eh, tapos may nangyayari sa inyo. Ang bababoy niyo! Pinagmukha mo akong tanga!" sabi nito at binangga ako para pumasok sa auditorium. Nasalo ako ni Jez ng muntik na akong matumba. Tinignan ko sila Abee at Lyn pero hindi sila tumingin sa amin at naglakad na papasok. Sumunod naman sina Kiel at Jonas.

"Sige, umuwi na muna kayo sa bahay, tatawagan ko si Nanay Dede" sabi ni Judy sa amin.

"Sige, salamat Judy" sabi ni Jez at hinawakan ang kamay ko. Bako pa ako makahakbang bigla na lang akong nakaramdam ng sobrang sakit sa may bandang puson ko.

"J-Jez! Ang sakit, ang sakit- Ahhhhhh" hindi ko na pigilang mapasigaw ng sumidhi ang sobang sakit at kasabay noon ay may naramdaman akong likido na lumabas sa pagkababae ko.

"A-anong nangyayari sayo? Saan masakit?" tarantang tanong ni Jez sa akin habang nagpapalit-palit ang tingin nito sa mukha kong nalamukos na dahil sa sakit at sa tiyan kong hawak ko.

"OMG! M-may dugo" sabi ni Judy at itinuro ang pagitan ng mga hita ko.

Sabay kaming napatingin doon ni Jez at nanlalaki ang mga mata. Tama, may dugo ngang umaagos at kitang-kita iyon dahil naka dress ako ng kulay puti.

Naluluhang napatingin ako kay Jez, nang kumabog ang dibdib ko dahil sa matinding kaba.

Agad naman akong binuhat ni Jez habang nakasunod naman sa amin si Judy.

"Ahhhhh ang sa-sakit!!" daing ko habang lumuluha, alam ko ang ibig sabihin nito. Ngayon ko lang rin naalala na hindi pa ako nagkakaroon ng dalaw.

"You will be okay! Dadalhin ka namin sa ospital. Relax lang" sabi nito pero sa nakikita ko, natataranta na din siya at alam kong alam niya rin kung anong nangyayari sa akin.

Parang namanhid na ang buong katawan ko dahil sa sakit. Ang huli ko na ang narinig ay ang mga boses ng doctor at Nurse. 

____

S.B. Notes

Kamusta ang Update mga Babes?

Gusto ko kayong paiyakin kaso mukhang mission failed HAHA. Bawi ako sa susunod na mga chapter.

Comments and Votes naman kayo HAHA

 
FB: ERISHA LLARENAS
FB PAGE: Sarang Babe WP
FB GROUP: Wattpad SarangBabe Official
Twitter: SarangBabe_WP

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now