Chapter 31

4.5K 68 8
                                    


(JEZ)

Nakatingin ako sa kabaong ni Kuya na ibinababa sa kanyang huling hantungan. Gustong-gusto kong lumapit pero mamaya na lang kapag nakaalis na ang lahat ng tao. Kita-kita ko kung paano umiyak si Mom at Dad. Nalulugkot ako sa pagkawala ni Kuya, at alam kong nalulungkot din sila at nasasaktan. 

Sino ba namang magulang ang hindi masasaktan kung silang magulang ang maglilibing sa anak. Masakit ito para sa mga magulang, magulang na din ako, at kung ako man ay hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala si AJ.

Nang umalis ang mga nakipag libing, hindi pa din umaalis sila Mom at Dad, mukhang magtatagal pa sila, kaya naman naisipan ko na lang bumalik sa susunod para dalawin si kuya. 

Bumalik na ako sa ospital, na discharge na si Eris, at hindi ko pa siya sana mailalabas kung hindi binayaran ni Tita Jenny ang hospital bill ni Eris. Nadagdagan na naman ang utang namin sa kanila pero, okay na din kaysa lumaki pa ang bayarin.

Hindi kasali ang bayarin para sa anak ko. Ito naman ang problema namin ngayon, isang linggo na siyang nasa NICU at palaki ng palaki ang bayarin namin at sabi ng doctor ay maaaring umabot siya ng isang buwan doon at higit pa. Hindi na namin alam kung saan kukuha ng pera para lay Baby AJ.


Nakatingin kami ngayon kay Baby AJ mula dito sa labas. Stable naman na daw siya ngayon pero minsan hindi, dahil sa puso niya. Nagawa na naming ang kangaroo care noong isang araw at sabi ng doctor ay sa susunod na araw ulit.

Hinawakan ko ang kamay ni Eris habang tinitignan namin ang aming anak, tumigni ito sa akin at tipid ko naman itong nginitian. Nang matapos ang pagbisita namin kay Baby ay uuwi na kami at babalik na lang bukas.

Bago kami makaalis sa labas ng NICU at may lumabas doong nurse.

"Excuse me po, kayo po ang parents ni Baby Gallevo?" tanong ng nurse

"Opo" sagot ko naman

"Ammmm Sir, may notice po kasing dumating regarding sa bill po ni Baby, kailangan niyo na pong bayaran ang 1-week bill para po tuloy-tuloy po ang treatment kay Baby, sa cashier na lang po salamat" sabi ng nurse at bumalik na sa loob

"Jez, anong gagawin natin, wala tayong pambabayad, paano ang anak natin?" nag-aalalang sabi nito. Kita ko rin ang luhang nagbabadya ng pumatak.

Napabuntong hininga ako bago siya niyakap. "Hindi ko din alam kung saan tayo kukuha ng pera, nakakahiya na kila Judy" sabi ko naman.

Humiwalay ito sa aming yakap "Kung h-humingi kaya tayo ng tulong sa parents natin" sabi nito at tumingin sa akin.

"Naiisip ko na din iyan, pero malabo na tulungan nila tayo eh" sabi ko na ikinatahimik niya. Naisip niya rin sigurong malaba nga.

Totoo naman kasi, Malaki ang galit sa amin ng mga parents namin. Siguradong masasakit na salita lang ang matatanggap naming imbis na tulong.


Dumaan ang dalawa pang linggo, binugbog ko ang sarili ko sa pagtratrabaho para magkapera pero kulang na kulang pa din, napakaliit naman kasi ng sahod ko bilang dishwasher, kargador at waiter sa gabi. Miss na miss ko na si AJ, hindi na ako masyadong nakakadalaw sa kanya, si Eris na lang na minsan sinasamahan ni Eros o kaya ni Jusy.

Nabayaran naming ang naunang dalawang linggo, nanghiram na kami kila Kiel at sa iba naming kaibigan. Binigay na din ni Eros ang allowance niya, sabi niya magbabaon na lang siya ng mga pagkain galing sa bahay nila.

Bukas kailangan ulit magbayad para sa ikatlong linggo ni Baby, pero wala kaming ipangbabayad.


Nang dumating ako sa iuupahan namin ay naroon na si Eris, naghahain ng hapunan. Kakain muna ako bago dumiretso sa isang resto bar kung saan waiter ako.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Parang lahat ng pagod ko ay nawala dahil lang sa yakap niya niya.

Hinalikan ako nito sa pisngi at matamis ng ngumti. Napangiti na lang din ako.

"Maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo Baby, huwag ka mag-alala kapag ayos na ang tahi ko maghahanap na din ako ng trabaho para makatulong sayo" sabi nito at hinila ako paupo.

"Ano ka ba, ginagawa ko naman lahat ito para sa pamiya natin, para sa inyo ng anak natin. Lagi mong tatandaan mahal na mahal kita, kayo ni Baby" sabi ko at marahan siyang hinalikan sa labi.

"Salamat, alam ko kaya natin ito basta nasa tabi natin ang isa't-isa. I love you too"

Lumipat ang tingin nito sa mesa.

"Pasensya ka na sa ulam ha itlog lang pinautang sa tindahan eh, sige kain ka na nilagyan ko na din ng kanin ang plato mo, kain kang marami para bumalik lakas mo" sabi nito at ikinuha ako ng tubig.

"Eh ikaw, bakit ako lang ang kakain?" takang tanong ko.

"Kumain na ako, sige kain ka na, mag titiklop lang ako ng damit sa sala, tapos pag tapos mo iwan mo lang diyan sa lababo, ako na ang maghuhugas" sabi nito at tumungo na sa sala matapos akong bigyan ng isang basong tubig.


(ERIS)

Sa oras na tumalikod ako papuntang sala. Nag-uunahang tumulo ang mga luha ka kanina ko pa pinipigilan ng makita kong dumating siya.

Napakalayo na ng itsura niya sa Jez na bestfriend ko, sa lalaking mahal ko. He looks wasted. Wala na ang awra ng isang anak mayaman. Ang laki na ng ipinayat niya pero nagkaroon naman ng mga masel dahil sa pagtratrabaho. Kita sa kanyang hirap na hirap na siya at pagod na pagod na.

Ang sakit at bigat sa pakiramdam na nahihirapan ang taong mahal ko pero wala akong magawa.

Sa totoo lang hindi pa talaga ako kumakain, palusot ko lang iyon para marami siyang makain dahil kailangan niya ng lakas, isang gatang lang kasi ng bigas ang naisaing ko dahil iyong na lang ang natitira sa amin, ako naman pwedeng tubig na lang at itulog na lang.

Agad kong inayos ang sarili ko ng marinig kong palapit na si Jez.

"Magbibihis lang ako, para makapasok na, kamusta pala si Baby?" tanong nito

Nakikita kong gustong-gusto niyang makita ang anak namin pero hindi niya magawa dahil kailangan niyang magtrabaho.

"Okay naman si Baby AJ, okay din daw ang development niya saka tinitignan na siya ng doctor na ang espesyalista ay sa puso, baka daw 3 linggo pa siya sa NICU, dahil under observation pa din siya dahil sa puso niya" sabi ko.

Kapag nagpupunta ako sa ospital, minsan hindi ko na tinatapos ang viewing time kay Baby. Nasasaktan at naaawa lang ako sa anak ko na nahihirapan. Hindi ko siya kayang tignan ng matagal dahil napakahirap.

Tumago lang si Jez at dumiretso kung nasaan ang kanyang mga damit.

"Sabi din pala ng doctor na pwedeng medication muna hanggang kaya na ni Baby ang operasyon. Sa tingin naman nila kakayanin na daw ni Baby after 1 month, after nya makalabas sa NICU so baka kulang dalawang buwan pa bago ang operasyon." Tumango-tango lang siya ulit.

"Kapag ba na operehan na si Baby, magiging okay na siya, wala ng kailangan pagkatapos?" tanong nito

"Sabi ng doctor, kung magiging successful daw ay wala na, kailangan nya lang ng regular check-up" sagot ko at inayos lahat ng tiniklop ko

"Mga magkano daw ang kakailanganin sa operasyon ni Baby?"

Oo nga, sinabi ni Doctor kakailanganin namin ng malaking halaga para sa opersyon.

"Malaking halaga eh, tinanong ko ang doctor kung pwede I-postpone kahit ilang buwan lang para sure din na kakayanin ni AJ pero hindi daw, kailangan daw as soon as possible dahil nahihirapanan anak natin" sabi ko at tumulo na naman ang luha

Pakiramdam ko napaka walang kuwenta kong ina at girlfriend. Wala akong magawa para sa anak ko tapos hindi ko matulungan si Jez para sa mga kailangan namin at kailangan ng anak namin.

Niyakap niya ako ng mahigpit. 

Sa mga yakap at halik niya, doon ko kinukuha ang lakas ko. Nagbibigay ito ng pag-asa sa akin na magiging okay din ang lahat. 

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon