Chapter 2

14.8K 125 6
                                    


Miss Llarenas and Mr. Gallevo I need to talk to you two. Class dismissed.” Agad na nagpaalam ang mga kaklase ni Eris at naiwan nga sila ni Jez tulad ng gusto ng kanilang guro. She’s the President at si Jez naman ang Vice Pres.

Mawawala ako ng tatlong araw dahil sa seminar na aattendan ko. Inaasahan ko na kayo na ang bahala sa klase natin at ibibilin ko naman kayo kay Ms. Guevara at ang mga activities na gagawin nyo. Maliwanag ba?” Mrs. Fining Garcia, siya yung adviser naming malibog. Charought!!. Pero toto din.

“Yes ma’am” sabay naming sagot ni Jez.
“You may go. Bye” Binitbit na ni Mrs. Fining Garcia ang librong dala nya at naglakad na palabras ng room.

Lumapit si Jez kay Eris at bumulong.
“I’ll go to your room later Babe. Ingat sa pag-uwi” Kumawala ang pilya at mapang-akit na ngiti sa labi ni Eris dahil sa narinig.

“Ok, I’ll be waiting Baby” hinalikan ni Eris ang gilid ng labi ni Jez bago dinampot ang bag at naglakad palabas ng room. Malakas ang loob nyang akitin si Jez kahit nasa school pa wala naman kasing makakakita dahil sila na lang ang tao sa room.

Walang alam ang mga taong nakapaligid sa kanila, magulang nila, kaibigan, kaklase at mga guro sa kung anong namamagitan sa kanila ni Jez. Ang alam lang ng lahat ay mag bestfriend lang sila. Matalik na magkaibigan simula pa ng bata sila.

Sa mata ng mga magulang nila sila ay matalik na magkaibigan, sa school, sila ay butihing mag-aaral na hindi mo akalaing may malaking sekretong itinatago na kapag nalaman ng iba, ikasisira nilang dalawa.

****
Pagkapasok ni Eris, sumalubong sa kanya ang mga magulang na nag-uusap sa sala.

“I’m home” Humalik siya sa pisngi ng mga magulang at nakipag apir naman sa bunsong kapatid na lalaki.

Ang pamilya nila ay kilala sa mundo ng politiko dahil ang kanyang ama ay isang congressman. Ang laging paalala sa kanilang magkakapatid ng ama ay huwag na huwag gagawa ng ikasisira ng kanilang pangalan. Kaya naman isa siyang masunuring anak at hindi makabasag pinggang babae. Kung alam lang ng kanyang ama ang mga pinag-gagagawa nya, baka itakwil sya nito bilang anak.

Tatlo silang magkakapatid ang panganay ay si Eron, sya at ang bunso ay si Eros.
Umakayat na sya sa kwarto at diretso banyo para makapag shower bago sila maghapunan.

Habang nasa hapag kainan tinanong ng kanyang ama kung kamusta ang pag-aaral nila.

“Ok naman po Dad, medyo busy lang dahil malapit na ang finals.”

Mabuti naman, sana lang tularan ka nitong kapatid mo na puro basketball at video games ang alam”
Matalim ang tingin ng kanilang ama kay Eros.

“Dad! Nag-aaral ako no, pasado naman ako sa mga subjects ko, iyon ang mahalaga”

“Pasado ka jan, pasang awa kamo”

“Hayaan mo na Hon, nasa hapag kainan tayo” sabat ng kanilang ina.

Piangpatuloy nila ang pagkain ng magsalita ulit ang kanilang ama

“Dalaga ka na Eris, may nanliligaw na ba sayo”
Natigilan si Eris at sumagot

Dad, wala po”

“Mabuti naman, wag ka muna mag bo-boyfriend, may tamang panahon para jan, mamaya pag-nagka boyfriend ka matukso kayong dalawa at gawin ang hindi nyo dapat pang gawin. Malaki ka na alam mo na ang tama sa mali. Naiintindihan mo ba ako Eris?"

Yes Dad, naintindihan ko po” Sorry Dad, pero nagawa ko na ang hindi dapat. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon nyo kapag nalaman nyo ang sikretong tinatago ko pero gagawin ko ang lahat huwag nyo lang malaman.

Natapos silang maghapunan ay bumalik na si Eris sa kanyang kwarto at natagpuaan si Jez na nakahiga sa kama nito. Isinara nito ang pinto at inilock.

“Alas siyete pa lang bakit nandito ka na?” Nagulat si Eris dahil ang ineexpect nya mamaya pang alas-dose ang punta ni Jez sa kwarto nya

“Bakit ayaw mo?” Tumayo ito sa kama at lumapit sa kanya saks yumakap.

“Hindi naman nagtaka lang ako” yumakap na din si Eris, bakit sya tatanggi, gustong-gusto niya ang yakap nito dahil sa init na dala nito sa katawan nya.

“Gusto na kitang mayakap eh. I miss you already” Mas humigpit pa ang yakap nito kay Eris.

Mahigpit na niyakap ni Eris ang kaibigan at paminsan-minsan naman ay hinahalikan siya ni Jez na ulo.
Dinadama pa nila ang init ng isa’t-isa ng kumatok ang kanyang ina.

“Anak, may pinadalang regalo ang ninang mo” sabi ng ina sa labas ng kanyang kwarto

“Sandali lang ma, andiyan na po”
Agad niyang iginaya si Jez sa loob ng walk-in closet nya at sinenyasan na huwag maingay. Agad namang sumunod si Jez dahil lagot sila kapag nakita siya doon sa kwarto ng dalaga.

Binuksan ni Eris ang pinto at pinapasok ang kanyang ina na may dalang maliit na box.

“Dumating ito kanina, galing sa ninag Alice mo” inabot sa kanya ng kanyang ina ang box at akmang aalis na sana ito nang mapalingon sa set ng drums na nasa sulok ng kanyang kwarto at ay agad itong lumingon sa kanya.

“I hope hindi mo mapabayaan ang pag-aaral mo dahil diyan sa hilig mo sa  pag dru-drums”

“Hindhi po Ma, pantanggal stress lang po yan”

“Good, Sige tapusin mo na ang mga schools works mo then go to sleep. GoodNight”

“GoodNight din Ma”

Nang lumabas ang kanyang ina sa kanyang kwarto, agad siyang napabuga ng malakas na hininga at nilock ang pinto. Malakas ang kabog ng dibdib nya dahil baka mahuli sila Jez, hindi niya alam ang gagawin nya pag nagkataon.

Napatingin siya sa drum set na nasa sulok ng kanyang silid. Hindi naman talaga niya gusto ang pagdru-drum pero yoon lang ang naisip nila ni Jez na solusyon para mapa soundproof ang kwarto niya, pinilit pa niya ang kanyang parents para dito kaya kahit hindi namn niya gusto pinaghirapan niyang mag-aral magdrums.

Pumasok siya sa walk-in closet niya at nakita si Jez na kinakalkal ang drawer na kinalalagyan ng mga undies niya.

-------
S.B. NOTES

FOLLOW ME BEFORE ADDING THE STORY TO YOUR LIBRARY
PARA WALANG PROBLEMA SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER.
THANKS

FB: ERISHA LLARENAS
FB PAGE: Sarang Babe WP
FB GROUP: Wattpad SarangBabe Official
Twitter: SarangBabe_WP

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now