Chapter 33

4.5K 75 25
                                    

(ERIS)

Nandito kami ni Judy sa ospital para bisitahin si Baby AJ. Awang-awa na ako sa anak ko.

Hindi namin alam kung anong nangyari bigla na lang nagkagulo ang mga nurse at kinuha si Baby sa incubator. Nagsidatingan din ang mga doctor. Lahat sila mabibilis ang kilos. Isinara ng nurse ang kurtina kaya hindi na namin makita ang nangyayari sa loob. Anong nangyayari sa anak ko?

Oh Lord, please iligtas mo po ang anak ko. Nagmamakaawa po ako.

Taimtim akong nagdadasal habang lumuluha.

Lumabas ang nurse at isang doctor.

"Kayo po ba ng guardian ni Baby Gallevo?" tanong ng doctor. Tumango na lang ako dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa takot at kaba.

"Kailangan na ni Baby ng operasyon masayado ng masikip ang valve ni Baby, so the blood can't get through. Sa ngayon stable na siya at under intensive observation siya"

"S-sige po, gawin niyo po lahat ng k-kailangang gawin. N-nagmamakaawa po ako, iligtas n-niyo po ang anak ko" hindi ko na napigilan humagulgol na naman ako. Yumakap ako kay Judy dahil sobra akong nanghihina.

"Before we start the operation, you need to pay first, 50% of the fee or else we cannot do the operation" sabi ng doctor.

Lalo akong nataranta dahil sa sinabi ng doctor, saan kami kukuha ng pera para sa operasyon ni Baby.

"D-doc hindi po bang operahan niyo na ang anak ko ngayon, promise po hahanap po ako ng pera"

"I'm sorry iha, it's the hospitals' policy, sige mauna na kami" sabi ng doctor at tumalikod na.

Napaupo dahil sa frustrations. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Gusto kong ma-operahan na si Baby dahil sobra na siyang nahihirapan.

Agad kong inilabas ang phone ko para sa tawagan si Jez. Nakita kong may text din siya kaya binasa ko muna.

From: Baby

Go home. I want us to talk.

Iyon lang ang nasa text pero bakit sobra akong kinakabahan. Sabi niya mag-uusap lang naman kami. Bakit walang I love you ang text niya, dati naman meron.

Inipon ko ang natitira ko pang lakas para tumayo, kailangan nga naming mag-usap para kay Baby.

"Uuwi na muna ako, kakausapin ko si Jez kung paano kami makakahanap ng pera para sa operasyon ni Baby" sabi ko kay Judy.

"Sige, ihahatid na kita sa inyo, nasa parking ang driver namin at ang sasakyan." Sabi ni Judy

Umiiyak lang ako pauwi, hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin.

"Eris, may tumatawag sayo" sabi ni Judy kaya naman napatingin ako sa phone ko. Hindi ko man lang napansin dahil sa dami ng iniisip at prino-problema ko.

Si ninang Alice ang tumatawag. Ang tagal na simula ng huli ko siyang naka-usap. Kaibigan siya ni Mom at siya ang pinaka-close ko sa mga ninang ko, para ko na rin siyang ina. Si ninang Alice ay nakatira sa America kasama ang pamilya nito. Ang asawa nito na si Ninong Robert ay isang lawyer at mayroon silang anak na dalawa, si Alicia na kaedaran ko at ang bunso na si Aries.

Pinunas ko muna ang mga luha ko at tumikhim bago ko sinagot ang tawag. Ayaw kong malaman niya ang pinagdadaan ko ngayon.

"Hello Eris! Thanks God na-contact na din kita, nandito ako sa Pilipinas, gusto kitang makita" masayang sabi nito.

"H-hello Nang. Kamusta po?" tanong ko. Pinipilit kong huwag umiyak.

"Maayos naman ako, ikaw bata ka! Alam ko kung anong nangyari sayo, bakit hindi ka nagsasabi sa akin! nasaan ka pupuntahan kita" sabi ni ninang, medyo nakasigaw siya pero alam kong hindi siya galit more on nag-aalala lang.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETEWhere stories live. Discover now