More Revelation

220 25 23
                                    


JAEGER POV

HER palm felt so clammy and wet against my own palm. I didn't mind, though, not at all. I loved holding her hand. I even gave her hand a squeeze. Dahil gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako sa tabi niya, na nandito ang presensiya ko at tanging ako lang, wala nang iba pa.

She took a deep breath, closed her eyes for a minute, and kept going. "Dahil pinugutan ng ulo yong nanay ko ng mga hindi nakilalang tao. Yung iniyakan ng tatay ko sa plastic bag, ulo ng nanay ko ang laman nun at nung makita ang mga bangkay nila ay nasa loob pa din mismo ng sasakyan namin. Natagpuan yun ng mga naghahanap sa paanan ng bangin. Kaya agad yung ipina autopsy ng tatay ko at," she paused. "Nakita sa resulta na... na ni rape yong nanay ko." Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya, hindi niya ako tinignan. Inabot niya ang isang baso ng tubig sa ibabaw ng coffee table, she drained her glass and continued. "Tapos yong kapatid ko naman, may tama ng bala sa kaliwang dibdib niya. Pati na yong lolo ko sa side ng nanay ko may tama sa ulo at yung iba pang mga sumundo sa kanila sa airport pinatay din silang lahat." Para akong binuhusan ng isang drum ng purong nagyeyelong tubig dahil sa mga narinig ko. Ang brutal masyado nung ginawa sa kanila, kung sino man ang mga walang puso na gumawa nun.

"Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko. Siguro kong hindi ko siya pinilit na pumunta ng Disneyland para bilhin yun. Baka hanggang ngayon buhay pa siya, sila ng kapatid ko. Kaya sobrang iniingatan ko yung bag na yun at lagi kong dala kahit saan ako magpunta, dahil yun ang naging kapalit ng mga buhay nila." I felt the sadness in her voice and saw it in her eyes and it crept to my skin through my heart. Gusto ko siyang yakapain. Gusto ko siyang protekthan sa lahat, pakiramdam ko bigla na lang  umiral sa kalooban ko ang pagka masochistic.

Kaya pala ganun na lang ang pagmamakaawa niya at
yung iyak niya sa bag dahil sobra pala talaga ang halaga nun. I could tell her I was sorry, but it wouldn't change the fact that I had made her beg and cried that day. Pakiramdam ko nilamon ako ng guilt ng buong buo. Dahil ang kaisa isang bagay na mahalaga sa kanya, nagawa kong sirain dahil lang sa walang kwenta kong galit nung araw na yun.

"I'm sorry Pangit, I know huli na ang lahat para humingi ako ng despensa but still I'm really," buong loob kung sinabi.

"Wala, nangyari na ang lahat," she said with a blank look on her face I didn't like one bit. So I changed the subject quickly to divert her thoughts.

"May lolo ka din?" It was a stupid question, but I asked anyway.

Agad niya akong tinignan na para bang ang tanga kong klase ng kausap. "Geezz, malamang lahat naman tayo may lolo at lola. Kaso yong lola ko hindi ko na naabutang buhay. Ikaw ba nasaan lolo at lola mo?"

"Oo, nasa Batangas sa side yun ng Mommy ko. Pero hindi kami magkasundo. Ayaw nila sa'kin dahil barumbado daw ako, mas gusto nila si Reid dahil good boy," kwento ko. "Yung lolo ko naman sa side ng Daddy ko, yun lang ang naabutan ko at yun din ang nagbigay sa'kin ng pangalang..."

"Jaeggy boy," she interrupted. "Oo alam ko yun. Sinabi ni Tessa nung gumawa kami ng report dito sa bahay niyo." Tinanguan ko siya bilang pag sang ayon.

"You're right, mas mahalaga pa nga yung bag sa buhay ko Pangit. Dahil tatlong mahal mo sa buhay ang naging kapalit ng bag na yun." Pakiramdam ko para akong nakalutang habang sinasabi ko yun. Hindi ko alam kung paano ko ipa- process sa utak ko ang mga narinig mula sa kanya.

"Ayos lang yun, naka move on na ako dun sa ginawa mo sa bag. Pina frame ko na lang yun para ma save."

"Teka, sino naman ang mga heartless na may gawa nun?" Hindi ko na napigilan pang itanong.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now