How Dare You

208 27 10
                                    


JAEGER'S POV

MAAGA akong gumising, nagbihis ng sportwear at agad pumunta sa gym ng bahay namin. Ang sakit sakit ng katawan ko dahil sa naging work out kahapon pero hindi ko na ininda yun.

Naiinis na naman kasi ako, gusto kong uminom pero mas gusto kong manuntok, kaya ang punching bag ang pinag iinitan ko ngayon. Gusto ko sana pumunta sa UNDERGROUND. Pero hindi enough ang strength ko para lumaban dun baka matalo lang ulit ako.

Pagkatapos ko sa gym, nagpahinga muna ako saglit bago naligo . Habang tinutuyo ng towel yung buhok ko.  Biglang nag beep yung cellphone ko na nasa ibabaw ng night stand, kaya natigil ako sa ginagawa at dinampot yun saka binasa ang text.

1 message received;
❤️Babes❤️

'Babes wag mo na ako susunduin sa bahay, nagpahatid na ako sa driver ni Mommy sa school dahil maaga practice ko sa cheer dance. Love you 😘

Nag type din ako agad ng reply.

1 message sent;
❤️Babes❤️

'Ok see you later. Love you.

Nahiga ako ulit sa kama, matapos ko basahin ang text niya. Kulang na kulang yung tulog ko kagabi.
Hindi din na ako nag breakfast pa dahil wala akong gana kumain.

Pakiramdam ko para akong busog pero wala namang laman yung tiyan ko. Bumangon ako sa pagkakahiga at agad nagbihis. Nung matapos akong magready for school, lumabas na ako agad sa kwarto.

Nagkasalubong pa kami ni Tessa sa hallway, mukhang kakagaling niya lang sa dining.

Tinignan niya ako agad ng masama at naghalukipkip pa sa harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"You're a maniac driver kuya, never again," nakataas ang labi na sabi niya.

''You're just a weakling Tessa, hard the fuck up!" I snapped.

''Hey, it's too early for swearing kuya," saway niya.

"Jeezz, who cares?" singhal na tanong ko.

''Why are you so grumpy? Kagabi kapang ganyan sa parking lot kuya.''

''It's none of your precious business, my little sis. Hindi ka na ba galit kay Maia?" Pag iiba ko sa usapan.

'Not really, kinalimutan ko na yun.' Bakas ang lungkot sa boses niya, nag iwas din siya agad ng tingin sa'kin.

"Gusto mo bang sumabay sa akin?" alok ko.

"No way, just go to hell all alone."

Nagkatawanan naman kaming dalawa sa sinabi niyang yun. Pupuntahan ko na sana si Mommy sa kwarto nila. Nung bigla siyang magsalita.

"Nakaalis na si Mommy kuya, may business meeting siyang aattenand today.'

'Okay, thanks for letting me know, mauna na ako," paalam ko sabay ginulo ang buhok niya. "Magpahatid ka na lang sa driver ni Daddy, total he's not here at naka on stand by yung driver niya.'

''Yeah," nakangiting sabi niya pero halata sa mga mata niya ang lungkot. Napako kasi ang tingin ko dun dahil inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang salamin sa mata.

"Wait, sino ba yang madalas mo kausap sa phone? Lagi ko kasi nadidinig na may kausap ka kapag napapadaan ako sa room mo?" sunod sunod kong tanong.

Namula bigla ang magkabilaan niyang pisngi dahil sa naging tanong ko. "That's none of your precious business, kuya.''

Panggagaya niya din sa sinabi ko at nginisihan ako bago ako tuluyang tinalikuran at pumasok sa kwato niya. Nasisiguro ko na lalaki ang kausap niya dahil namumula siya agad. Naiiling na lang akong na sinundan siya ng tingin, pagkatapos nagpasya na akong bumaba.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon