Clueless

217 25 113
                                    


ZEYN'S POV

NAUPO ako sa pwesto namin habang nakayuko pa din. Para wag lang ako mapansin ng mommy ni Totoy Bibo, mabuti na lang at wala siya dito sa may lanai ngayon. Habang humihigop ako ng tsaa biglang nagsalita si Luna sa may malapit sa punong tainga ko.

"Bobo, sa heritage ka ba pumunta kagabi?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa naging tanong niya. Epekto marahil sa naging tagpo kanina sa labas ng gate nila Totoy Bibo. Isang tagpo na ayaw ko na ulit gunutain pa dahil masasaktan lang ako.

Hindi ko sinagot si Luna sa naging tanong niya, nagtuloy lang ako sa paghigop ng tsaa at inisip ang mga nangyari kagabi.

💭FLASHBACK💭

PAGKAALIS ni Reid sa heritage cemetery sa may Taguig. Nagpasya akong magpasundo kay Frankie. Late na din kasi kaya panigurado mahihirapan na akong mag abang ng masasakyan pauwi. Wala pang limang minuto akong naghihintay, dumating na agad siya.

"Frankie daan tayong D'vour," sabi ko agad, pagkaupo ko pa lang sa passenger seat.

"Si Reid ba yung kasama mo kanina?" usisa niya. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na bahagya niya akong sinulyapan.

"Tama ka," kaswal na sagot ko habang nakatuon ang tingin ko sa kalsada.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam ni Frankie dahil alam kong nakaantabay at nakabantay siya sa akin buong araw.

"Kumakapit ba?" nagpipigil ng tawa na tanong niya.

"Makulit kamo," pagtatama ko. Humandal ako sa headrest. "Pagising ako pagdating doon."

Tumango naman siya at tsaka ako umidlip.

Pagkapasok ko sa D'vour patisserie shop. Binati ako agad ng manager doon na si Suzzana ang asawa ni Frankie. Nagpaiwan naman si Frankie sa sasakyan.
Kailangan ko kasi humiram ng recipe ng baker dito para gumawa ng cupcakes dahil gusto kong may dalhin ako mamaya sa morning tea. Ayaw kong pumunta doon na wala man lang akong dala kahit na ano.

Habang nagbubuklat ako ng recipe book sa may kitchen area, napasulyap ako sa salamin at sa mga pumasok na customers. Nahagip ng tingin ko ang huling pumasok at si Wynston ang nakita ko, may bangas siya sa mukha. Dali dali kong itinabi ang recipe book at patakbong lumabas sa kitchen area upang puntahan siya.

"Wynston?" tawag ko agad sa pangalan niya nung makapit ako sa kanyang table.

"Yeah," sagot niya pero nasa mga kamay lang niya ang kanyang tingin. "Bakit nandito ka? Are you working here?" kunot noong tanong niya nung mag angat siya ng tingin.

"Pag aari ng Tatay at step mother ko ang shop na ito," amin ko. Biglang namilog sa pagkagulat ang mga mata at bibig niya dahil sa sinabi ko. Napakislot at napahawak pa siya sa bangas niya. "May bangas ka," puna ko at naupo sa upuan na nasa harapan niya.

"M-My idiot of a friend punched me," nauutal na tugon niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Tapos ay hinugot ang cellphone mula sa bulsa ng kanyang jeans at itinuon ang tingin doon.

Totoo nga ang sabi ni Totoy Bibo na nagagawi si Wynston dito sa D'vour. Pero bakit hindi niya kasama yong Mommy niya?

Bigla akong napaigtad nung magring ang cellphone sa bulsa ng aking skirt, kaya agad ko yong tinignan. Si Reid ang tumatawag. Tumayo ako, at sinagot yun, bahagya din akong tumalikod at lumayo kay Wynston.

Ipinaalam niya lang naman na nakauwi na siya. Matapos ko kausapin si Reid, lumingon ako sa kinauupuan ni Wynston. Pero sa gulat ko wala na siya sa pwesto niya.  Nagpalinga linga ako at hinahanap siya sa paligid ng shop.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now