Judgemental

205 34 5
                                    


JAEGER'S POV

MARAHAN kong isinara ang pintuan ng front door.
Dahil sigurado akong tulog na sila mommy, ayaw ko din makita niya na may dala akong bote ng inumin sa isa kong kamay.

"Where have you been, son?" usisa ni Mommy sa'kin. Mukhang kakalabas niya lang sa dining area at may bitbit na isang baso ng tubig. Agad kong isinalaksak sa waistband ng pants ko sa likuran ang bote ng vodka.

"Dyan lang mom sa labas nagdinner kaming dalawa ni Maia," I responded, trying to look nonchalant.

"That sounds good. I'm so happy for both of you. I can't wait to meet her again," magiliw na sabi niya. Tinanguan ko naman siya bilang tugon.

Matapos namin mag usap, nauna na siya umakyat sa taas. Hinubad ko pa kasi ang sapatos ko. Bago ako tuluyang umakyat sa taas.

🌞KINABUKASAN🌞

Sobrang sakit ng ulo ko, nung magising ako kinabukasan napadami ata ang inom ko kagabi matapos naming mag dinner ni Maia. I stared at the ceiling, at hinayaan kong maglakbay ang isip ko sa kawalan.

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa resto kagabi pati na yung conversation namin ni Maia about kay Pangit at dun sa kadate niya.

FLASHBACK!

"Babes?!" bigla akong napakurap sa pagtawag ni Maia sa endearment naming dalawa.

"W-what babes?" I stuttered.

"I said, how was your day?" nakasimangot na tanong niya. "Sino ba kasi yang pinagmamasdan mo?" sabay tingin sa gawi nila Pangit. "OMG! is that Zeyn? Who's with her?"
gulat na tanong niya at ibinalik ang tingin sa'kin habang hinahampas hampas yung kamay ko. Namilog pa ang mga mata niya sa pagkagulat.

"Babes, it's none of our business, okay?"
Kumain na lang tayo," saway ko naman sa kanya.

Hindi niya ako pinakinggan bagkus tumingin ulit siya sa kinaroroonan nila Pangit.

"No babes, look at them they look cozy together," pangungulit niya pa.

Tumingin din ako ulit sa gawi nila Pangit, nakaakbay na yung lalaki sa kanya ngayon.

Akbay talaga? Di ba pwedeng hawak sa beywang? Ibang klase talaga!

"Not really," sagot ko at itinuon ang atensyon ko sa pagkain.

"Are they in a relationship?"

"No, definitely not," agad na sagot ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot agad ng sagot.

"How do you know?" naniniguradong tanong niya.

"I just know dahil sa itsurang yan ni Pangit, magkaka boyfriend?!" I finally snapped.

Maia rolled her eyes. "Babes, are you blind? She's not pangit, maganda siya. She's just annoying and I hate her so much," she argued.

"So, stop talking about them and focus on us." Naiinis na talaga dahil sa kakulitan niya. Napapayuko din ako dahil hindi naman ganoon kalayo ang table nila Pangit sa table namin.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon