Show Time

351 48 134
                                    


JAEGER'S POV

UMAYOS ako ng upo dahil sa nakita ko. Si Pangit at ang isa sa mga terror teacher namin dito sa school si
Mr. Apable kaya may back subject ako dahil hindi nga kami magkasundo kaya hindi ako pumapasok sa klase niya noon, ayun ibinagsak niya ako. Wala siyang sinasanto. Ganun siya katindi.

Napaigtad ako sa kalagitnaan ng pag iisip nung ihampas ni sir ang hawak na pointer stick sa board.

"Give me two examples of the most dangerous cities in the world and explain, why? Miss Araneta, stand up!"

Natuon ang atensyon ko kay Tessa. Dahan dahang siyang tumayo, panigurado natatakot siya. Matalino si Tessa pero masyado siyang mahiyain at mabilis matakot.

Tahimik lang kaming lahat, walang may sinumang naglakas ng loob gumawa ng ingay. Kahit kaluskos wala.  Napayuko pa yung iba dahil sa takot na matawag ni sir. Nakaupo lang ako habang nakikiramdam sa mga nangyayari at sa mga mangyayari pa.

"Aba naman, bakit ang bagal bagal mong tumayo Miss Araneta? Masyado ka na bang mabigat? Magdieta ka naman, ang lalaki laki mo na oh!" pang iinsulto ni sir sa kapatid ko, nakayuko lang si Tessa.

Tarantado talagang teacher 'to.
Kung hindi lang ako graduating babanatan ko talaga 'to.

"Sir, mali naman yata na ipinapahiya niyo ang estudyante niyo sa harap ng buong klase," sabat bigla ng isang pamilyar na boses.

Tinignan ko agad ang pinagmulan ng boses. Natuon din sa kanya ang tingin ng iba naming mga kaklase.
Si Pangit. May hawak siyang black ink pen na nasa ibabaw ng kanyang desk habang nilalaro yun sa mga daliri. Doon din naka-pokus ang buo niyang atensyon.

"Well, well, well, what do we have here?" nang aasar na tanong ni Sir at pinasadahan ng tingin si Pangit sa kinauupuan nito. "A boy? Wearing a girl uniform?"

Napuno bigla ng tawanan ang buong classroom pati ako natawa ng sobra mukhang ako pa nga yata ang may pinakalakas na tawa sa aming lahat. I was laughing so hard I had to hold my sides and keeping my voice down was an absolute effort.

"Tunog cliché ka masyado, Mr. Apacible." Napasinghap ang ibang mga kaklase namin dahil sa sinabing yun ni Pangit. Habang ako pilit na bumabawi sa sobrang pagtawa.

Ayan na naman yung cliché niya.

"Mr. Apable, hangal!" pagtatama ni sir. Pero sa tingin ko sadyang minali talaga ni Pangit ang pagkakabigkas ng apelyedo ni sir para mas lalo itong asarin. "Mukhang may bagong sulpot na Cassidy the second ah. Pero boy version nga lang."

Tawanan ulit. Si Cassidy ang girlfriend ni Reid na madalas makasagutan ni sir noon sa room namin. Palaban din kasi yun at hindi basta basta nagpapatalo. Kaso nag migrate na sila ng pamilya niya Switzerland.

"I'm Kaizeyn MacKenzie De Ayala, isang transferred student, sir. Hindi ako lalaki. Gupit lalaki, oo. Ako din ang babago sa boring mong mundo, Mr. Imposible."

Sabi na nga ba nang aasar talaga ang babaeng ito.

"Stupida!" bulyaw ni sir. "or should I say stupido?! Sino ka sa tingin mo aber? At paano ka nakakasiguro na boring ang buhay ko?!"

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now