He's Smitten

226 27 30
                                    


JAEGER'S POV

                    🌞 2 DAYS LATER 🌞

Two days had passed, as bad days do, pakiramdam ko ang bagal ng araw. I massaged my head, sumasakit na naman kasi yun. I stood up, at nagpalit ng gym short. I came downstairs with a massive headache. I had barely slept the night before, turning over and over in my bed like a lunatic I was.

Siguro may taong nag iisip sa'kin kaya hindi ako nakatulog.

"Jaeggy boy, napapansin ko napapadalas na ulit ang pag uwi mo ng maaga ngayon at ang aga mong gumising sa umaga? Umaalis ka ng gabi tapos umuuwi pero umaalis din naman ulit," puna ni manang Nimfa sa'kin habang inaayos ko ang pagkakatali ng running shoes sa step ng hagdanan.

'Nag wowork out na kasi ako ulit manang tapos sa hapon nagjojogging ako," sagot ko at nginitian siya.

Pagkatapos ko kasi magising sa pagkaka coma,
4 months ago, nag quit muna akong mag work out pansamantala. Ipinagbawal kasi yun ng doctor.
Pero matigas ang ulo ko kasi nag gygym pa din ako paminsan minsan. As of now, I'd shaken up my routine quite a bit. I'd added morning kickboxing at the gym sa bahay and spent my afternoon running in the park.

"Dito ka ba sa park ng village nagtatatakbo?"

"Hindi manang, dyan lang sa may Ayala Triangle Gardens, mas malawak kasi dun at mas madaming mga chicks," biro ko sa kanya.

"Ang batang ito may gelpren na't lahat nang chi-chicks pa," sermon niya.

Tumawa ako. "Biro lang kasi yun manang.''

"Kilala kita Jaeggy boy, alam kong madami kang dinadalang babae sa garahe mo.'

'Noon lang yun manang."

Si manang Nimfa lang ang nakakaalam sa bahay na nagdadala ako ng mga babae sa garahe. Siya lang din ang may alam na nagpupunta ako sa fighting club. Siya kasi ang madalas magbukas ng front door sa tuwing nakakalimutan kong dalhin ang susi ng bahay. Mas higit pa nga akong kilala ni manang kesa kay mommy.

'Hindi ako ipinanganak kahapon Jaeggy boy.'

''Manang lalaki ako at may mga pangangailangan. Isa pa, halikan lang naman. Nasa first base and second base pa nga lang ako at wala pa ako sa home base," I responded while grinning at her. Nakakailang man ang ganitong usapan pero kilala ako ni manang.

''Sino bang pinagloloko mong bata ka?"

'Wag kang maingay manang baka marinig ni mommy," mariin kong sinabi at tinawanan siya.

'Siya sige umalis kana at maghahanda na ako ng agahan mo. Para kakain ka na lang pagkatapos mo sa gym," pagtataboy niya.

I nodded and took off to the gym. I kept it up until sweat was dripping off of me and every muscle in my body ached. I was glad I had been spending some time at the gym lately. Pagkatapos ko sa gym, naligo ako at nagbihis. I ate in the dining area, not meeting manang Nimfa's judgement gaze. She sat across from me, her hands on top of the table habang nakasalikop. Pakiramdam ko para akong nakasalang sa hukuman.

"Bumalik ka na naman sa pakikipagsuntukan ano? Nag gygym gym kana naman ulit, kaya pakiwari ko talaga nakikipagsuntukan ka na naman Jaeggy boy."

'Hindi manang," pagsisinungaling ko.

Pinagmasdan niya akong maigi na para bang sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Hindi ka makakapagsinungaling sa kin. Nakita kitang may pasa sa mukha, isang buwan na ang nakakalipas.'

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now