Libre lait

370 52 86
                                    

A/N: Good day mga friendships sorry wala talaga sa hulog ang gawa ko pero sana mag share din kayo ng mga thoughts niyo para naman masaya hehehe
Pasensiya na sa way ng pagsulat ko newbie eh, ganon talaga ano pa bang aasahan niyo? God Bless us all

JAEGER'S POV

NAPATIIM BAGANG ako agad nung mapagtanto ko kung sino ang mga bagong dating. Pakiramdam ko din parang masisira na naman yata ang araw ko dahil nakita ko na naman ang babaeng kinaiinisan ko.

Si Pangit ay parang kabute pasulpot supot kung saan.

Gusto ko nang umalis sa kinauupuan ko pero hindi ko gagawin yun. I will not give her the satisfaction. Kaya naman bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Ang galing mo pala Summer, pasado ka agad sa audition mo," saad nung cute na nakasalaming babae sa maganda nilang kasamahan.

Alam kong maganda yun kahit na nakatalikod sa'kin.
Hindi din nila napansin na nandito ako sa likuran nila.

"Of course, ginalingan ko," pabulong na sagot nung Summer.

Isa ding mayabang, magkaibigan nga sila.
Parang bubuyog pa bubulong bulong.

"Baka ikaw ang maging Cheer Captain niyan next year. Ikaw ang papalit kay ate Maia, magready kana," pabirong sabi nung maliit na babae.

Hell, NO! Walang wala kayo sa girlfriend ko.

"Who's Maia?" takang tanong ni Summer habang nakikinig lang si Pangit at nginangatngat na naman ang kuko niya sa kamay.

"Siya ang Captain ng cheer dance, ang ganda nun at ang galing sumayaw, miss campus din yun at tsaka campus crush ng mga boys dito," kwento ni maliit. Para bang ang dami niyang alam sa school na 'to.

Syempre girlfriend ko ata yun.

"She wasn't there kanina?" tanong ulit ni Summer.

"Baka may klase na, kaya hindi nakapunta." sagot naman nung nakasalamin.

Baka nga naman.

"Okay." Binalingan nito si Pangit. "Are you ready for your audition Zeyn?" tanong ni Summer sa kanya.

So, Zeyn pangalan niya, what an ugly name.
Ano yun sane? Insane?
Tunog baliw nga, bagay sa kanya... hahaha.

"Umm... kinakabahan ako, wag na lang kaya," sagot naman ni Pangit habang may kinakalikot na ngayon sa kanyang kamay.

"Try lang naman eh, natanggap kana sa Swimming. Kaya dapat confident ka na matatanggap ka din sa Music. Just believe in yourself Zeyn," pagpapalakas pa ng loob sa kaniya nung maliit na nakasalamin.

Mmm... interesting ito.

Dumating din si Coach Gibbs at tinawag niya na nga isa isa ang mag aaudition upang mag perform sa harapan.

"Number 5, Kaizeyn Mackenzie I. De Ayala?"
tawag ni coach, ikinagulat ko naman yun dahil siya yung tumayo.

Kaizeyn Mackenzie De Ayala, pangit nga ang pangalan.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now