Information

230 27 63
                                    


ZEYN'S POV

PAGKATAPOS namin tignan ang mga pictures sa Facebook ng anonymous uploader at makipagtalo kay Shinee. Umakyat na kami sa taas. Nabanggit pa ni Summer na nag viral na daw yun sa lahat. Hindi ko alam yun dahil wala naman akong Facebook at hindi ako updated.

"I'm so proud of you dahil dun sa pagtulong mo sa mag ama," sabi ni Reid nung harapin ako, pagkaakyat sa floor namin.

"Wala lang naman yun, tumulong kami sa abot ng makakaya namin," sabi ko. Hindi lang naman kasi ako ang tumulong sa mag ama pati na din si Luna.

"See you at the gym later," sabi niya sabay tapik sa ulo ko.

"She's not a fucking dog!" asik ni Totoy Bibo. Agad kaming napatingin sa kanya.

Bakit ba masyado siyang nagiging dominante at possessive nitong mga nakaraan?
Lumuwag na naman siguro ang mga turnilyo niya sa kukote dahil sa pag aaway nila ng girlfriend niya.

Bigla namang tumawa ng malakas si Luna sa tagiliran ko. "That's my boy!" papuri niya kay Totoy Bibo.

"Reid just kiss her already," kantiyaw naman ni Summer. Kinunutan ko agad siya ng noo pero tanging kibit balikat lang ang naging tugon niya.

"Bakit tapik sa ulo? Kung pwede namang kiss na Reid? Pareho naman kayong single kaya okay lang yan," segunda ni Wynston habang na kay Totoy Bibo ang kanyang tingin.

Nasa akin naman nakatuon ang tingin ni Totoy Bibo, siguro kung nakakamatay lang ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon, baka kalansay na ako.
Sobrang sama niya makatitig para bang lalamunin niya ako ng buhay habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso.

Nagulat naman ako nung biglang hawakan ni Reid ang magkabilaan kong leeg at halikan ako sa tungkil ng ilong ko. Sa mismong harapan pa nilang lahat. Napatunganga ang mga kasamahan namin. Kung dati sa noo lang, ngayon sa may ilong na talaga. Napakurap ako nung tingalain ko siya, nakatunghay siya sa akin habang hindi inaalis ang mga ngiti niya sa labi.

"Where is Jaeger?" takang tanong ni Brannie, nagpalinga linga pa sa paligid nung ibaling ko ang tingin sa gawi niya. Nawala na nga si Totoy Bibo sa kinatatayuan niya kanina.

"Must be somewhere, crying his eyes out or punching some walls," nagpipigil ng tawa na sagot ni Wynston. Kinawayan pa niya ng bahagya ang walang imik na si Tessa bago tuluyang umalis.

"Ang bilis naman nawala, nag ninja moves yata!'' bulalas ni Luna.

Hinila ko agad si Reid sa may di kalayuan, hinarap ko siya para komprontahin dahil sa naging pagkilos niya. "Hindi ko nagustuhan yung ginawa mong paghalik sa ilong ko."

"I'm sorry Zeyn, nadala lang ako ng pambubuyo nila," paumanhin niya. Bakas pa sa itsura ang labis na guilty na nararamdaman sa kalooban. "Alam ko maling mali yung ginawa ko, please patawarin mo na ako." Nagsusumamo ang tinig na dagdag pa niya.

"Basta wag mo na uulitin yun."

Napayuko siya nung sinabi ko yun. Ayaw niya yata makita ang determinasyon sa mga mata ko na seryoso talaga ako sa mga sinabi ko.

"Alam mo naman na gusto kita di ba? Kaya hindi mo din ako masisisi kung bakit ko nagawa yun." Bakas sa mga mata niya na nasasaktan siya nung sabihin ang mga katagang yun sa mismong mukha ko.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now