Wala Sa Ayos

253 41 21
                                    


JAEGER'S POV

PAGDATING ko sa classroom galing sa bahay, sakto wala pa rin yung teacher namin para sa fourth period na pang umaga kaya may 30mins.pa. kaming vacant.

Ngingiti ngiti pa akong pumasok sa loob ng room habang nakapamulsa sa pants ko. Ewan ko, kung bakit. Basta pakiramdam ko best feeling ever, ang saya ko. Siguro dahil okay na kami ng girlfriend ko.

Bigla akong natigil sa paghakbang nung may humarang sa daraanan ko. Nung tignan ko yun.

Si Shinee.

"Hi Babe, I already know the girl who slapped you last time." Salubong niya sa'kin sabay sampay ng mga braso niya sa leeg ko, agad naman kong napaatras dahil sa gulat. "Lagot siya sa'kin. I'll slap that whore twice as hard as she slapped you!" maarte at pasigaw niyang sinabi.

Did she just call Pangit a whore?

Patulak ko siyang binitawan sa inis ko dahil sa sinabi niyang yun ay agad kumulo ang dugo ko.

"Who the f*ck do you think you are, to call Pangit like that?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sabihin yun. "She slapped me at hindi ikaw sinampal, so stay the fuck out, I have enough of your shit Shinee!" tiim bagang na sabi ko dahil sa inis ko. I lost myself and shit completely.

Bakit nga ba?
Basta nainis na lang ako bigla dahil sa narinig ko.

Tinalikuran ko siya at hindi na hinintay pa yung magiging sagot niya tsaka naupo na sa desk ko.
Wala pa din ang tatlo, naunahan ko pa silang makabalik sa room namin.

Itinuon ko na lang muna sa labas ng bintana ang aking tingin. Napabuntong hininga pa ako sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Ako lang dapat ang tatawag sa kanya ng mga names.

Bigla naman pumasok ulit sa isip ko yung mga nangyari sa pool kanina. Pero agad kong kinastigo ang sarili ko.

Erase! Erase!
What the fuck is happening to me now?
Bipolar na yata ako ah.

Napakapa ako sa bulsa nung biglang nagvibrate yung phone ko, agad ko naman yung tinignan at binasa.

1 message received;
❤️Babes❤️

Babes, I'm so excited for our lunch mamaya. xx

Nireplayan ko na lang siya ng "me too" at ibinalik ulit sa bulsa ng pants yung phone ko. Itinuon ko ulit yung tingin ko sa labas ng bintana at napaisip ulit.

Wala naman talaga akong balak halikan si Pangit medyo natukso lang ako.

"Hoy!" dinig kong sigaw ni Brannie kaya bigla akong nabalik sa ulirat ko.

Nandito na pala sila.

"Are you crazy bro?" manghang tanong niya.

Nangunot agad yung noo ko dahil sa naging tanong at itsura niya. "Anong crazy?"

"Gago ngiti ka ng ngiti dyan mukha kang tanga, sinasabunutan mo pa nga yang sarili mo habang nakangiti!"

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now