Busted

210 33 6
                                    


JAEGER'S POV

NOONG narinig ko ang sigaw at boses ni Pangit sabay kami ni Maia na nilingon namin yun. She leaned against the wall, one foot bent while biting her fingernail as she glared at us very badly. Agad akong hinila ni Maia upang makalapit kami sa kinaroroonan ni Pangit.

"What now, call girl?" mataray na tanong ni Maia kay Pangit sabay sulyap sa mga kuko niya. Pero nakahawak pa din ang isang kamay sa'kin. "Narinig mo na ba ang balita sa buong campus?" nang aasar na dagdag niya pa.

"Babes, don't waste your time on her." Pigil ko sa kanya at hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Deserves niyang makilala sa buong school bilang isang escort girl, babes." Habang pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko.

"Babes, please tama na," awat ko pa.

"Nag usap na tayo about this and pumayag ka naman di ba? Bakit ngayon naduduwag ka?!
sigaw ni Maia, napahilot na lang ako sa sintido ko.

Ayaw ko lang kasi na mag away kami kaya pinagbigyan ko siya. Hindi ko naman kasi akalain na magiging big deal pala yun kay Pangit at susugurin niya si Maia.

"Pangit umalis kana," pagtataboy ko sa kanya, pero nanatili lang siya nakatayo doon at binigyan kami ng nagyeyelong tingin. "Ang lakas din ng loob mong sugurin si Maia. Baka nakakalimutan mo na nandito ako?!" singhal ko kanya.

Pinagtitinginan na din kami ng ibang mga estudyante dun na napapadaan. Yung umiba nakinood pa.

"Baka nakakalimutan mo din na hindi ako natatakot sa'yo," taas noong sabi niya. Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niyang yun.

"Pangit alalahanin mo babae ka lang at kaya kitang saktan ng paulit ulit at wala akong pakialam!"

Itinagilid niya ang kanyang ulo at binigyan ako ng malamig na titig. "Eh di magsapakan tayong dalawa, hindi din naman kita uurungan," nanghahamon pang sabi niya.

"Umalis kana Pangit at wag mo na hintayin na mag init pa lalo ang ulo ko!" Nanggagalaiti na talaga ako. Pero nginisihan niya lang ako.

"Isang tanong, isang sagot. Paano niyo nasabing cool girl ako?" sobrang seryoso ang mukha na tanong niya. Tumayo siya ng ayos habang nakahalukipkip pa din sa harapan namin.

"Dahil nakita ka namin, kaya pala nakikipag kaibigan ka kila Wynston dahil gusto mo silang mapasali sa list mo, ano?" naka arko ang kilay na tanong pa ni Maia. "Pati itong boyfriend ko sinampal mo, para lang mapansin ka niya dahil may kalandian ka pa lang itinatago."

Yan babes matuto kang lumaban!

Humagalpak bigla ng tawa si Pangit sa sinabing yun ni Maia. Yung tipong pilit na tawa, ganun ang klase ng pagkakatawa niya.

"Saan mo bang lupalop napagkukukuha yang mga sinasabi mo, Maia girl?" tanong ni Pangit sabay sapo sa mismong noo niya. "Bagay nga kayo niyang boyfriend mo, pareho kayong wala sa hulog."

Gago, anong wala sa hulog?

"Wag mo pagsasalitaan ng ganyan yong boyfriend ko. Ako lang dapat ang nagsasalita sa kanya ng mga ganyan at ako lang dapat ang nanakit sa kanya, dahil may karapatan ako at ikaw wala!"

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now