Pagkalito

197 23 10
                                    


JAEGER'S POV

BIGLANG namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Pangit. Hindi na siya kumibo pa.

"About dun sa offer mo na tutulungan mo ako na hanapin ang mga nagpakalat ng mga pictures ko," basag ko sa katahimikan namin habang nakatuon pa din sa kalsada ang aking tingin. "I really don't think it's necessary na hanapin pa ang nagpakalat nun."

"Ikaw bahala," sabi niya pero nasa labas pa din ng bintana ang kanyang tingin.

"Nagkaayos naman na kami ni Maia," kibit balikat na sabi ko.

"Okay," tipid na namang tugon niya.

Tinatamad na naman siya magsalita.
Ganyan siya, ang tipid tipid niya magsalita.

"Tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa'kin?" bigla ko na lang nasabi. Umiral na naman yung pagiging gago ko.

Her head whirled toward me. "Ano kamo?!"

"Jeezz, alam ko may gusto ka sa'kin dahil hindi ka naman mag aaksaya ng oras na tulungan ako kung wala kang gusto sa'kin," I immediately replied.

Yun talaga ang conclusion ko dahil lagi niya akong tinutulungan. Kahit ang sama ng ipinapakita ko sa kanya, lagi siyang nandyan. Kasi kung wala siyang gusto sa'kin dapat wala siyang pakialam sa'kin.

Eh bakit kanina, ipinatanggol mo siya kay
Mr. Apable at kay Shinee? Ano tawag mo dun? Tanong ng isip ko.

Nagkataon lang yun.

Tinalo ko pa tuloy, ang isang possessive na boyfriend dahil sa mga ikinilos ko kanina. Sakto naman na nag red ang traffic light. Nag stop kami, kaya natuon ang tingin ko sa kanya.

"Subukan mo kaya magkape para naman kabahan ka," naiiling na sabi niya.

I snorted. "Hindi ako nagkakape. Okay lang naman kung may gusto ka sa'kin... it's no biggie."

Hindi ko man lang siya nakitaan na nailang siya sa'kin or nag blush man lang. Yung normal na reaksyon ng isang tao kapag may gusto sila sa isang tao. Kaya nalito ako, pero yung kilos niya kasi iba sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. O baka naman sadyang napaparanoid lang talaga ako.

"Hoy, kung iniisip mo na may gusto ako sa'yo dahil tinulungan kita kanina kay Maia, nagkakamali ka. Huwag mo nga akong pangunahan dyan sa kadumihan ng isip mo," inis na pahayag niya.

Tumawa ako ng sarkastiko. "Mag ayos ka naman kasi baka sakaling magustuhan kita."

Ang baduy niya kasi kung hindi naka ponytail yung buhok, nakapusod naman. Pero ang ganda niya nung party ni Tessa. Doon ko siya nakitang maganda.

She grimaced. "Good on you. At kung sakali man na mag ayos ako, yun ay para sa sarili ko at hindi para sa'yo o kung kaninuman.

Napataas ang labi ko. "Ayan, kaya walang may nagkakagusto sa'yo dahil masyado kang mapride. Buti na lang talaga at nagustuhan ka ng Close na yun."

"Jaeger..." she warned in a cold icy voice. It was the second time she said my name.

I totally ignored her. "Kung sinuman yung lalaking yun wala siyang standards."

She slammed her palms on the dashboard at biglang nagdilim ang mga tingin niya nung sulyapan ko siya. Ibinuka ko ang aking bibig pero itinikom din yun agad at hindi na umimik pa.

Alam ko kasing galit na siya at ayaw ko na dagdagan pa yun. Hindi na ako nagsalita pa baka kung ano na naman ang masabi ko, itinuon ko na lang sa kalsada ang aking tingin at nagconcentrate sa pagda drive ng mag green ang light.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now