Selos Ka?

343 47 46
                                    


JAEGER'S P.O.V

NAPUNO ng labis na pagtataka ang buong isipan ko nung mapagtanto ko na pinuntahan ni Reid si Pangit sa kinuupuan nito. Wala akong makapang ideya sa isipan ko. Hindi naman kasi sila personally na magkakilala.

"Akala ko ba pupunta sa cafeteria yun? Bakit nandoon?" tanong ko at inginuso ulit ang pwesto na kinaroroonan nilang dalawa. Sinundan din yun ng tingin nila Brannie at Wynston.

"Bakit nagseselos ka?" panunudyo na tanong ni Brannie sabay bato sa'kin ng sweat towel na ginamit niya.

"Itsurang yan pagseselosan, nakakababa ng standards ah," mahinang saad ko at ibinato kopabalik sa kanya ang sweat towel.

"Asuuus, standards, standards. Taas masyado niyang standards mo ah, virgin ka ba?"

Nagtawanan silang dalawa ni Wynston.

"It doesn't matter kung virgin ako o hindi," I retorted.

"Of course it does, everything in this world matters." Binilatan niya ako. "Crush ko si Crush at wala kang magagawa kung magselos ka man hindi ko na kasalanan yun." Gusto ko siyang sapakin dahil sa pagiging sarkastiko niya.

"Baka ikaw dyan ang nagseselos, di ba crush mo yun?" I asked, smirking now.

"Hindi ako nagseselos, crush ko lang naman," nakangusong sagot niya. "Baka ikaw, sa kakaaway mo sa kanya eh, magkagusto ka.'

"He's right," sabat agad ni Wynston. "Kaya kung ako sayo iwasan mo na siya and magfocus ka kay Maia at kay Maia lang par."  Tumungga siya sa bottled water niya, habang na kila Reid pa din ang kanyang tingin.

"Jeezz... tigilan niyo nga akong dalawa, nakakabadtrip na kayo!" singhal ko sa kanila.

Wala kasi silang alam na cool off kami ni Maia ngayon, ayaw ko din ipaalam sa kanila dahil nakakahiya sa part ko na ang isang bad boy na tulad ko ay sobrang walang panama sa girlfriend niya. Baka pagtawanan lang nila ako kapag nagkataon.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinwagan yung number ni Maia, naka tatlong subok pa muna ako bago niya sinagot. Hindi ko siya tinantanan hangga't hindi niya sinasagot ang tawag ko. Napangiti ako bigla. Syempre natuwa ako, ano pa?
Tumayo ako at bahagyang lumayo sa dalawa. Habang abot langit ang aking ngiti.

"Hello, do you miss me?" bungad na sagot niya.

"O-of course babes i miss you, it's all I do."

"Napatawag ka? Di ba cool off tayo?" Natigilan ako bigla sa naging tanong niyang yun hindi kasi iyon ang ine-expect ko na magiging reaksiyon mula sa kanya. Kaya naman hindi ako agad nakasagot.

"Hey, are you still there?" tanong niya nung hindi ako sumagot.

"H-huh? ah, yeah, I'm still here."

Napako bigla ang tingin ko kila Reid, nagtatawanan sila. Ngayon ko lang nakitang tumawa si Pangit at medyo nainis ako sa naging itsura niya.

"Hindi mo sinasagot yong tanong ko," Halata ang iritasyon sa tono ng boses niya.

"O-oo nga cool off tayo, pero gusto pa din kita kumustahin babes at gusto ko marinig boses mo.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now