Epilogue

7K 81 30
                                    

Imperfectly Perfect

EPILOGUE

Napupuno ng paru-paro ang tyan ko. Gawa na rin siguro ng mga ilang pares ng mata na nakatingin sakin.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Nakasuot ako ng puting gown na may belo. May hawak rin akong bouquet.

Naglakad pa ako hanggang sa marating ko na ang dulo. Kung saan naghihintay sakin ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko.

"You're beautiful," bulong nya sa tenga ko.

Ngumiti ako.

Inilahad nya ang kamay nya na agad ko rin namang kinuha.

Kapwa kami humarap sa pari.

At sinimulan na nya ang seremonya.

Matapos ang ilang litanya na puno ng sermon, tinanong na kami ng pari.

"Seichelle Donnovan," panimula ng pari. "Do you take this man, Xy Anthony Soriano to be your wedded husband. For richer and for poorer. In sickness and in health?"

Tiningnan ko sya saglit.

Huminga muna ako ng malalim.

"I do."

Sunod naman nyang tinanong si Xy.

"I do." Sagot nya.

"And by the power vested upon me..."

"I may now pronounce you.. ah... ....ano nga bang sunod dun?" Bulong ng Pari.

"Man and wife..!" Narinig kong bulong ni Xy.

"... Man and wife," gaya ng pari.

"You may now kiss the bride," dagdag pa ng pari.

Mas dumoble pa ang kaba ko nang iharap ako ni Xy sa kanya.

Napraktis na namin to kanina eh..

Dahan dahan nyang itinaas ang belong nakatakip sa mukha ko.

Matapos ay unti unti syang lumapit at hinawakan nya ang mukha ko ng dalawang kamay.

Hindi ako makakurap.

Nginitian nya ako sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Ng magkalapit ang mukha namin pareho... inilagay nya ang isa nyang kamay sa bibig ko upang takpan at iyon ang hinalikan nya.

Lumukso naman ang dibdib ko nang magpalakpakan ang mga tao.

"....and CUT!! Nice one Sister Sei-yzz and Xy!" sigaw ng direktor na si Joem. Itong si Joem, gwapong bading pa rin. Hahaha! Sana naging lalaki na lang sya, nang may mapasaya naman syang babae.

"Oy, pinsang Cedric! Yun na nga lang ang linya mo, nakalimutan mo pa?" Puna ni Dom sa pinsan nya na nagpanggap na pari. Si Dom, gaya pa rin ng dati. GWAPONG GWAPO pa rin sya sa sarili nya. At hanggang ngayon, wala pa ring sineseryoso! Babaero pa rin! Tss.

~oo. Isang palabas lang to. Kapwa kami umarte na kinakasal ni Xy.

At ito ay para sa project ng kapatid nya na si Anya.

Nilapitan ako nila Krish at ni Anya

"Bessy! Ang ganda mo! Sana tinotoo na lang natin na kasal nyo nga ni Xy! Haha," bungad ni Krish.

Ang bessy ko, ayun.. feeling ko she is secretly inlove kay Gary!

Shh.. secret lang natin yun ah?

Si Gary kasi eh, tahimik. Ewan, parang torpe din!..

Ngumiti na lang ako.

"Ate Seichelle..." tawag ni Anya. "Salamat po ng marami sa pagpayag nyo pong gumanap na bride.."

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now