Chapter 34- I miss her...

7.1K 98 10
                                    

Imperfectly Perfect

SEICHELLE's POV

Sighed.

It has been two days after kong malaman ang nangyari sakanya.

Two long days nang pagiyak.

Two days na rin akong absent. Di ko kasi alam ang gagawin ko kapag nakita ko si Daniel sa school eh.

Nakakatawa ngang isipin na magkaparehas sila ng mata.

Ano bang magagawa ko ngayon? Ano bang dapat kong gawin?

Hayy. Ang hirap naman ng sitwasyon ko ngayon.

Ni hindi ko nga kinakausap sila Krish. Nalaman kasi nilang dalawang araw na akong absent.

Sa ngayon, ayoko munang magpakita sa kanila.

Gusto kong mapagisa.

Si Prof. Delicio pala ang naghatid sakin dito sa bahay noong nahimatay ako sa puntod 'niya'...

At naikwento rin pala nya kay manang Tipas ang lahat.

Alam kong nalulungkot din si manang sa kalagayan ko ngayon. Kilala rin kasi nya 'siya'.. si manang kasi ang kakontsaba namin kapag magkikita kami.

Maraming tanong ang gusto kong mabigyan kasagutan. At alam kong sya lang ang makakapagbigay kaliwanagan sa lahat...

"Ms. Seichelle, papasok ka na?" Tanong ni manang. Nakaayos na kasi ako nang pamasok.

Tumango na lang ako.

She hugged me. Hayy. Kung nandito lang siguro si mama ngayon...

"Kayanin mo anak ha? Alam kong malakas ka," manang.

I hold myself back. Ayokong umiyak.

I forced a smile. Then went off.

Hindi na ako nag bike, baka mabangga ko pa eh. Kaya nagcommute na lang ako.

The class started.

I may be physically present but mentally absent.

Lumulutang ang isip ko ngayon.

Baka nga mamaya di ko na mapagilan at umiyak na ako rito sa loob ng classroom. Lalo pa't katabi ko lang si Daniel. Katabi ko lang ang kapatid 'nya'.

Hanggang ngayon hindi nya pa rin ako kinakausap. Tama siguro yon. Hindi ko rin naman sya makakayang kausapin eh, matapos kong malaman ang koneksyon nya sa 'kanya'..

I closed my eyes. Feeling ko tutulo nanaman ang luha ko.

Pero kapag pinipikit ko ang mga mata ko, sya lang ang nakikita ko. Ang isang masayahing tao..

Yung panaginip ko, kahit paano nakatulong sakin. Kahit pa nagpapaalam na 'sya'.

Gosh...

Naiiyak nanaman ako.

"Ms. Amaro!!" Tawag pala ako ng teacher ko.

Patay.

I stood up.

"I've been calling you several times but you seemed not listening. Are you alright?" My teacher asked me.

Pss. Kapag sinabi ko bang hindi eh ano kayang gagawin ng teacher ko? Natural hindi ako okay, sya kaya sa pwesto ko ngayon ewan ko lang kung magiging okay sya.

So I nodded na lang.

I could see them staring at me. Scrutinizing every move I make. But the heck I care.

But a pair of eyes stood out from the rest. Nakatingin si Daniel sakin ngayon. Pero ayokong lumingon sa kanya. Kasi kapag nakikita ko sya, nakikita ko sa mata nya ang mata ng kapatid nya.

"So what is the answer Ms. Amaro? Graded recitation tayo ngayon," my teacher said.

Shocks. Graded recitation pala ngayon?? Eh bakit di ko alam? Ay absent nga pala ako.

Ano ba ang tanong?? Wala akong narinig. Gosh..

"Kuiper belt," Daniel whispered softly.

"Kuiper belt ma'am," ginaya ko na lang ang sinabi nya. Wala na akong choice eh.

"You may sit now," the teacher motioned me to sit down.

Pshhhh. Buti na lang.. recitation din yun.

"Thanks," I hissed without bothering to look at him.

Natapos ang class hours... at ito na ata ang pinaka mahabang araw sa buhay ko.

Inayos ko na ang gamit ko. May kailangan pa akong puntahan. I need to know everything.

"Seichelle," a familiar voice said.

Crap.

"Daniel?" Why now?? Pwede bang bukas na lang nya ako kausapin??

I tried not to look at his eyes as much as possible.

"Is anything wrong? You were absent for two days and now you're spacing out," why did you have to be so obserbvant Dan??

"No. Nothing. I am fine. Gotta go, bye!" Then I hurridly grab my things and run to the nearest rest room.

Nagsisimula nanaman tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Nakakainis bakit kasi kailangan pang may luha? Ayan tuloy mukha na akong tanga sa pagiyak.

Pero sabi nga nila tears are relevant because it is the only liquid ever made to express the unexplainable emotions of one being.

Hindi ito ang oras para maging mahina. May kailangan pa akong malaman. At alam kong mas dobleng sakit ang makukuha ko mula sa mga kasagutang hinihingi ko.

Pero ito ang tama. Kailangan kong gawin to.

Kaya napagpasyahan kong lumabas na ng cr at pumunta sa taong nakakaalam ng sagot.

Si Prof. Delicio.

DANIEL's POV

I miss her.

Ilang araw na rin ang lumipas at di pa rin kami nagkakausap.

Well it's my fault. Since the class was resumed di ko sya pinapansin. Ewan ko ba kung bakit eh. Nagseselos na yata ako.

Hindi nga rin natuloy ang outing namin sa Bataan. Actually, nawalan narin ako ng gana. Naiisip ko pa lang na magsasama sina Xy at Seichelle naiinis agad ako.

Crap that Xy. Ang lakas ng loob para hamunin ako.

Kaya nagpasya na lang ako na i-spend ang bakasyon sa Taiwan loaded with paper works. Hindi naman ako nahirapan sa mga pinagagawa ng dad ko sakin dun, mas nahirapan akong di makita si Seichelle.

And now..

I miss her, really.

Pero..

Nakakapanibago si Seichelle ngayon. Umabsent sya ng dalawang araw tapos ngayon wala sya sa sarili.

Ano kayang problema nya? Hindi naman sya ganyan eh. Isa syang masayahing babae. Kaya nakakapanibago ang mga kinikilos nya. Pati nga sina Krish nagtataka na rin eh.

I know there was something bothering her.

I tried to talk to her a while ago. Pero mukhang ayaw nya ng kausap eh. She just ran away.

Sighed.

Seichelle, ano bang problema mo? You can tell me everything. I can't let you look miserable like that. It kills me more.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥

Nakakailang chapter na ako pero di kayo nagccomment T___T

Waaah!!

I can accept constructive criticisms

But I will love more sweet comments!! ^__^V

Ahehehe..

Namaste.

LadyOnTheStaircase

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon