Chapter 82- The Art of Parting Ways

5.1K 46 10
                                    

Imperfectly Perfect

If we're meant to be, we're meant to be.

And if not,

The hell I care! I'll make my own fate... with you.

-LOTS

----.

Ito na yung kinatatakutan ko. Ang oras na aalis na kami.

Ang oras na magkakahiwalay kami ni Daniel.

At ang mas nakakatakot pa, hindi namin alam kung hanggang kailan ulit kami magkakasama.

"Tahimik ka nanaman," puna ni Daniel.

Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. "May iniisip lang."

"Ano naman yun?"

"Kung ano bang nauna, itlog o manok?" Sagot ko. Pero ang totoo nyan, di naman talaga yun yung nasa isip ko.

Bahagya syang tumawa at nagulat naman ako nang ikinulong nya ako sa braso nya. "Hay! Mamimiss ko ang girlfriend ko."

Ngumisi ako. "Girlfriend? Ako? Eh di mo pa nga ako nililigawan eh!"

-__- "Niligawan na kita dati ah? Tss. Naghiwalay lang tayo dati. Pero, tayo pa rin!" Sagot nya.

"Ligawan mo muna ulit ako!" Pagpupumilit ko.

Hehe. Mukhang tanga lang ako no? Maghihiwalay na nga kami, magpapaligaw pa ako? >:)

Niyakap nya naman ako nang mas mahigpit. Naiipit na nga yung ilong ko sa>//< dibdib nya. Omo! >//< ang bango nya!

"Bakit? Pwede naman kitang ligawan kahit tayo na ah?" Sabi nya.

Yumakap na rin ako. "Haha! Sabi ko nga po, Mr. P,"

Humiwalay sya sakin ng unti. "Mr. P?"

Tumango ako. "Mr. Papa Dan for short!"

Hinalikan nya ako sa noo.

Omo. Bakit ba masyado kang nagpapamiss Daniel? Baka wala pang isang araw eh sundan kita sa Amerika.

"Basta, mag-iingat ka dun ah? Wag kang sasama sa ibang lalaki ah?" Parang bata lang kung pagbilinan ako ni Daniel.

"Opo! Basta wag kang titingin sa mga Amerikana ah? Naku! (//_\\) marami pa namang mga naka bikini dun!"

This time, tumawa na talaga sya.

"Sei, sa ospital ako pupunta hindi sa beach,"

"Okay..."

"Ah, Sei , Dan?" Biglang dumating si Prof. Delicio.

Gosh. Bigla na lang akong kinabahan.

"Aalis na tayo. Pasok na tayo sa loob," sabi ni Prof.

Nagkatinginan kami pareho ni Daniel

He gave me an encouraging smile. And I felt like being dazzled.

Hayy bakit ba nya kailangan magpa opera kung sobrang gwapo nya pa rin. Para ngang nakakadagdag pa sa kagwapuhan nya yung peklat eh..

Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit at kapwa na kami naglakad papasok sa Airport.

Pagkapasok namin sa loob ng paliparan, nadatnan namin sina Lolo na naghihintay samin.

"You ready?" Tanong samin ni Lolo Thomas.

Nagkatinginan ulit kami ni Daniel. At naramdaman ko na humigpit ang hawak nya sakin.

Mukha namang nakahalata si Lolo Thom at sinabing, "Sige, mauna na ako sa plane Sei. I'll wait for you there. And you Dan, good luck."

"Sei/Dan"

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now