Chapter 22- Sport's Fest Two

7.9K 75 2
                                    

Imperfectly Perfect

(the Princess & the Butler's Story)

XY SORIANO's POV

Minsan sa buhay ng isang tao, di natin namamalayan na nagmumukha na pala tayong tanga.

Patuloy parin tayong umaasa na balang araw mapapasayo ang gusto mo.

Na balang araw mapapansin nya rin ako. Ang bago kong damit. Ang pabango ko. Ang hairstyle ko.

Pero bakit parang kasing hirap ng aralin sa Geometry ang mapatingin kahit isang beses lang ang taong gusto mo?

Bakit ba parang kasing layo ng galaxy ang babaeng to na nasa harapan ko ngayon.

Hayy.. mahirap pala talaga..

Ang magmahal sa isang kaibigan.

Nakikita mo nga sya, nakakausap pero bakit parang kulang pa? Bakit di ko magawang makuntento?

At mas masakit pa,

Daig pa ang nakakapasong asido...

Ang babaeng mahal mo may ibang tinitibok.

Halos ipagdasal ko gabi-gabi na sana magustuhan din ako ni Seichelle. Na sana isang araw magising sya at hanapin ang isang tulad ko.

Tss. Bakit naman ba kasi sa dinami rami ng babae ngayon sa mundo sa kanya pa tumibok ang puso ko.

Parang tuloy ako pinaparusahan araw araw kapag nakikita ko silang magkasama.

Lalo na nung hinalikan ni Daniel si Seichelle sa noo.

Nagustuhan ko na si Seichelle simula pa noong una kaming magkita. Kaya nga ganun ko na lang kamahal si Jollibee dahil doon ko sya nakita.

Na love at first sight ako.

At sa unang araw din yun, gusto ko nang isilid sa drum itong si Daniel at itapon sa dagat at ipakain sa pating pra mapasakin si Seichelle.

Naisip ko na nga rin maging kontrabida sa love story nila.

Kaso may isang dahilan kung bakit di ko magawa.

-ang mga ngiti ni Seichelle na animo'y isang anghel. Maaatim ko bang paiyakin ang isang maamong mukha para lang sa sarili kong kagustuhan?

Kaya eto ako nagpapakamanhid.

Matututunan ko ring makuntento sa pasulyap sulyap. Kung pwede lang sana turuan ang puso matagal na akong nagenroll.

Pero nung sinabi sakin ni Seichelle na boyfriend palang maman at di pa asawa halos nabuhayan ako ng dugo. Kahit wala syang muwang na sya pala ang tinutukoy ko.

Siguro nga isang napaka laking laban ang papasukin ko, pero ano ba naman yon kung isang napakagandang si Seichelle ang magiging premyo.

I'm gonna be the Knight, ready to fight for his Princess.

*boogsh!

"Aray!!" Sigaw ko. Ayos makabatok itong si Dom ah. "Bakit mo ginawa yun?!"

"Eh kanina ka pa namin kinakausap, halos mawalan na kami ng boses tapos ikaw tinalo mo pa ang Pacific ocean sa lalim ng iniisip!" Dom.

Eh?? Ganun???

"Pati nga si Seichelle nainis na. Para ka kasing tuod eh," aba at nagsalita si Gary.

Hala si Seichelle my loves?? Tss. Ang pogi points ko paano na??

"Nagsalita ang madaldal," asar ko kay Gary.

#^_^ --- ←_← ako at si gary.

"Ano ba kasing iniisip mo insan?" Dom.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now