Chapter 28- "Girlfriend"

7.3K 66 2
                                    

Imperfectly Perfect

(The Princess & The Butler's Story)

XY' POV

Time check: 8:30 am

I only have 2 hours and 30 minutes left.

"Ano na Xy? Gwapo na ba ako? Maiinlove na ba sakin si Seichelle, my loves?"

Ayan parang tanga lang ako. Kinakausap ang sarili ko sa salamin.

Tingin sa polo - √

Hininga ko - √ aba bagong bili ang mouthwash na ginamit ko ah.

Pabango - √ mahal ang Calvin Klein no!

Buhok - √ nakailang ayos ako ng buhok ko. Ginawa ko yung tousled look ni Edward Cullen, pati ang buhok ni San GoKu at ni Jose Rizal kaso ni isa walang bumagay sa gwapo kong mukha. Naks! Sakto naman at nanonood ang kapatid ko ng TvN - yung Korean Channel, kaya nagkaroon ako ng ideya kung ano ang gagawin ko. Haha! Ang gwapo ko!!

Yup! You read it right, may kapatid ako. Si Anya Soriano. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. At sa isang all women's university sya pumapasok. Ang kapatid kong adik sa K-Pop. Pati nga pagsasalita Korean na eh. Buti na nga lang napakiusapan ko na kapag kakausapin ako eh Tagalog. Naririndi ang eardrums ko sa pagaalien nya eh.

*tok tok

"Kuya Xy!! Nandyan na sila Kuya Dom!!" Sigaw nya.

Buti naman maaga pumunta ang mga loko rito.

"Sige paakyatin mo sila dito!!" Sagot ko.

One last look sa salamin...

Paalam na sa gwapo!! Ahehe.

Pumasok ang dalawang ugok este dalawa kong pinsan.

"Naks pinsan ang gwapo natin ngayon ah!" Bungad ni Dom.

"Loko! Matagal na akong gwapo!"

"Oh ano ayos na ba ang lahat? Nakausap mo na ba ang iba nating pinsan?" Usisa ko.

"Oo nakausap na namin ni Gary, kaya wala ka nang problema sa kanila mamaya. Praktisado na ang mga gagawin nila," sagot ni Dom.

Buti naman kung ganun, ayokong masayang ang plano ko este namin ni Dom.

"Good."

"Anong good ka dyan, may bayad yun!" Sabat nitong si Gary.

"Eto namang si insan, ibalato na natin kay Xy to. Alang-alang sa kanyang love-life!" Dom

Pss..

Sabagay tama itong si Dom. Dito nakasalalay ang love life ko. Ahehe..

"Na-check mo na ba ang sasakyan mo? Ang wallet mo? Ang hininga mo?" Pangungulit ni Dom.

"Oo insan ayos na lahat!! Pati ang bulsa ko ready na masira-pati allowance ko next month naka ready na!" Sagot ko.

"Eh ang mukha mo, ready na masuntok ni Daniel?" Gary.

Ano ba naman tong isang to, minsan na nga lang magsasalita tapos ganyan pa.

"Ano ka ba naman Gary, wala si Daniel ngayon nasa Taiwan kaya malabong malaman nya ang date nila Seichelle!" Dom mumbled.

"Excited na ako sa kahihinatnan ng XyElle Love team!!" Banat pa ni Dom.

Wew. Kinakabahan ako na naeexcite!!!

---end of Xy's Pov---

SEICHELLE's POV

Mukha naman siguro akong tao sa paningin ng mga pinsan ni Xy ano? Maayos naman tong damit ko na pinili ni bff Krish kahapon. Ayoko kasing mapahiya si Xy.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now