Chapter 35- The Truth Behind His Death

7.4K 74 1
                                    

Imperfectly Perfect

SEICHELLE's POV

Here I go again...

Umiiyak

Nagpapakahina..

The truth hurts... to the point that it sucks.

After kong kausapin si Prof. Delicio tungkol sa pagkamatay ni Price parang wala na akong karapatan sa mundo.

I thought I was making the right decisions. But I guess I was all wrong.

>>flashback

I gathered all my strength para kausapin si Prof. Pinuntahan ko sya sa music room.

"Tell me Prof. Paano namatay si Price? I want to know even the tiny bit of information," I said directly.

Mukhang nagaalangan pa sya kung sasabihin ang lahat.

"Price and I were members of 'The Third World Gang'. Gang that was known to be powerful because it was composed of the richest sons of the world. Di ko nga alam kung bakit ako napasama dun. Until one day nalaman ko na kaya nila ako tinanggap sa grupo ay dahil anak ako ng personal music teacher mo. So they use me. They gave me a task to know you. To take a photo of you. Dahil they were all fascinated sa katauhan mo. And so wala akong magawa kung hindi sundin ang utos nila. Nalaman din ni Price ang plano. Kaya palihim syang sumama sakin...

".. remember the very first day na magkita kayo ni Price? Pinagplanuhan talaga namin yun. Tagumpay ang plano. Nakita ka namin sa unang pagkakataon. Nagawa na namin nang maayos kaya lang di ako nakakuha ng litrato mo. Then Price saw you and let's say na nahulog agad sya sayo. Kaya ayan nagpumilit syang pumunta sa inyo kahit imposible..

".. nagsinungaling kami sa grupo na di kita nakita. Dinahilan ko na sobrang higpit ng securities. Akala ko naniniwala sila hanggang sa malaman ko na kinukutuban sila kay Price. Kaya pinasundan sya, dun din nila nalaman na nagkikita kayo na pumupunta si Price sa bahay nyo ng palihim. Kaya nagalit ang grupo at they demanded na ipakilala ka sa kanila. They even commanded Price to kidnap you..

".. but Price refused to do so. Doon ko nalaman na mahal ka na pala nya. Na love at first sight sya sayo. So instead na ipahamak ka nagdesisyon syang tumiwalag sa grupo. Syempre sumama na rin ako. But everything became a mess sa pagitan ni Price at ng leader ng grupo na si Rookie-ang batang leader. Would you believe that he was only 16 by then?

"... so they had a deal. Nag deal sila na kapag nanalo si Price laban sa karera ay pababayaan na sya ng grupo. Pumayag naman si Price. Syempre confident sya dahil isa syang sikat na formula car racer. Pero... the accident happened. His car crashed.."

He trailed off.

"Si Daniel.. alam ba nya lahat?" I tried to ask.

"He knew about the third world gang. He figured it out by his own. Alam nya rin na nagkikita ang kuya nya at ang heiress ng Donnovan empire. Alam nya rin kung bakit nakipag karera si Price. But he didn't know kung sino ba talaga ikaw Seichelle," he replied.

Suddenly, a memory flashed in my head. Noong time na nanonood kami sa bahay ng Most Desirable Teens Today.

Yung time na nasaktan ako sa mga sinabi ni Daniel sakin technically.

"Kaya ba ang laki ng galit ni Daniel kay Seichelle Donnovan?" I asked.

He sighed. "Ganun na nga."

>>end of flashback.

Alam nyo yung feeling na wala kang kaalam alam sa mundo tapos malalaman mo na lang na sinisisi ako sa mga nangyayari?

Dahil namatay si Price... at alam kong dahil yun sakin.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon