Chapter 40- Threats

7.4K 78 0
                                    

Imperfectly Perfect

PROF. MARC WAYTON DELICIO's POV

(A/N: full name talaga no? ^^)

I woke up at 5:35 am. I guess I didn't get enough of sleep.

Hindi na rin naman ako makakatulog kaya nagayos na ako. Papasok na lang ako sa school.

Well, magisa lang naman ako rito sa condo ko. Ang mga magulang ko kasi ay nasa America, doon na sila tumira.

Marami paring mga bagay bagay na tumatakbo a isipan ko. Di ko na mga alam kung ano ang uunahin kong isipin eh.

Nakarating na ako sa school na marami paring iniisip. Mukhang maaga pa ah, at wala pa ang mga co-teachers ko. Ay mali, nandito na pala ang pinaka mataray na guro sa Donnovan High. Dinaig pa ang katarayan ni Ma'am Cocodyl. Si Bb. Frances-guro sa Filipino.

"Good morning Ma'am Frances!" Bati ko.

→_→

"Magandang umaga sa iyo Ginoo," matigas na bati ni Bb. Frances.

Ang taray talaga.

Makalabas na nga muna sa faculty room. Kailangan ko pang ayusin ang mga music instruments sa music room.

Nang naayos ko na lahat, tumungo na ako sa una kong klase.

Mukhang may pinagkakaguluhan nanaman ang mga estudyante.

Sabi ko na eh..

Si Seichelle.

Simula noong pinakilala sya sa publiko bilang isang Donnovan, naging laman na sya ng balita. Mapa radyo, telebisyon, o internet.

Natatakot ako para sakanya. Ngayong alam na ng buong mundo ang pagkatao ni Seichelle, tiyak marami ang magiging interesado sakanya.. At isa na dun si Rookie.

Si Rookie, ang leader ng the Third World Gang.

Walang hinangad maliban sa kayamanan at kasikatan.

Kaya kailangang maprotektahan si Seichelle sa lahat ng oras.

Pero kahit gaano ko pa gustuhin na protektahan sya, alam kong hindi pwede.

Ngunit, maya alam akong isang tao na kayang kayang gawin yon.

At sakanya ako umaasa.

Kaya nung uwian na, dali-dali kong hinanap ang taong yun.

"Daniel!" Sigaw ko. Naglalakad na sya papunta sa parking lot.

Buti naman at lumingon ang isang to.

"Pwede ka bang makausap?" I asked.

Wala syang imik kaya nagsalita na ako.

"Dan, kumusta na kayo ni Seichelle?"

Sumeryoso ang mukha ni Daniel at hindi sinagot ang tanong ko.

Parang alam ko na kung bakit.

"Nakausap mo ba sya?" I continued asking.

"Wala akong sasabihin sa kanya," he replied shortly.

"Dan, kung may kinalaman to kay Price, Dan wala syang alam!" I insisted.

"Ayoko munang pagusapan yan," he said. Akmang bubuksan na nya ng sasakyan nya.

"Dan, nasa panganib ang buhay ni Seichelle!"

Napatigil sya.

"Natural. Anak sya ng isang Donnovan kaya marami talaga ang magkakainteres na perahan sya. Pero marami namang guards ang nakapalibot sa kanya kaya sigurado akong okay sya," he spoke coldly.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now