Chapter 39- New Life

7.6K 75 1
                                    

Imperfectly Perfect

XY's POV

"Hoy insan, sigurado ka bang kaya mong magdrive?" Tanong ng magaling na si Dom.

Habang inaayos ang seatbelt nya.

"Pss. Wala naman akong pakialam kung mabangga man tayo ngayon."

O_o "loko ka Xy! Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo? Maraming iiyak kapag namatay tayo!" Dom.

Pss. As if namang ibabangga ko talaga ang kotse no?

"Teka maiba tayo, nakausap mo na ba si Seichelle?" Dom.

"Hindi pa. Pero mamaya kapag nasa school na tayo tatawagan ko ulit," sagot ko.

Tumango naman ang loko.

Ilang araw ko na rin tinatawagan ang phone ni Seichelle pero laging out of reach. Tapos pinuntahan namin nila Gary at Dom sa bahay nila kaso wala namang tao. Siguro sa mansion na sya nakatira ngayon.

Napaisip tuloy ako...

Kaya ba kamakailan lagi syang lumiliban sa klase? Yun ba ang pinoproblema ni Seichelle?

Pinark ko na ang kotse.

"Sige insan mauna ka na sa klase mo may pupuntahan pa ako. Balitaan mo na lang ako kapag nakausap mo na si Seichelle," sabi ni Dom.

-_-#

Makikipag kita nanaman yan sa mga chicks nya. Hay naman Dom, kelan ka kaya titino?

Pero kung tutuusin nagaalala rin sya kay Seichelle ah.

Q_Q

::>_

Teka wag naman sanang may gusto rin si Dom sa kanya!!!!

Kalaban ko na nga si Daniel sa puso ni Seichelle idadagdag mo pa ang pinsan kong yun!

Wag naman!!

Matawagan ko na nga si Seichelle my loves.

>dialing Iced tea ♥

Ring ring...

Hay sa wakas!!!! Nagring din!!!

"Wohooo!!!"

#^_^

Loko napalakas yata ang sigaw ko. Nagsitinginan ang mga estudyante sa kin eh.

Pasensya naman ah!

(Hello Xy?)

Hay nakakamiss talaga ang iced tea ko. Boses pa lang yan ah!

"Iced tea! Napanood kita noong Friday ah!"

(Sighed. Huh? Ah.. eh.. napanood mo pala)

"Oo eh. Pati nga yung dalawa kong pinsan nagulat eh!"

(Pasensya na kayo Xy huh kung naglihim ako.) May bahid ng pagkalungkot ang bosed ni Seichelle.

"Naku iced tea, ayos lang yun. Naiintindihan naman kita eh. Saka saan ka na pala nakatira ngayon? Pinuntahan ka namin sa bahay nyo kahapon kaso wala nang tao."

(Salamat sa pagiintindi mo Xy. Yung tungkol sa bahay, wala na kami ni Manang dun. Lumipat na kami sa bahay ni Lolo.)

"Seichelle, kumusta ka na? Tinatawagan kita kahapon kaso out of reach!" Nabigla kong naitanong. PSs. Paano kung di na sumagot yan. Naman Xy!!

(Ako? Ah.. eh.. ayos naman. Di ko kasi nacharge yung phone ko. Pasensya na. Saka ang hirap pa lang maging celebrity ano? Haha) may halong pagkasarkastiko ang tawa nya.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now