Chapter 73- She's Back!!

5.4K 47 5
                                    

Imperfectly Perfect

**XY's POV

Nakahinga na ako ng maluwag.

Hayy

Buti na lang at nakatulog na sya.

Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha nya.

"Napakaganda mo talaga," bulong ko.

Ayoko nang makitang umiyak si Seichelle gaya ng kanina. Nakakawala sa sarili.

"Wag ka nang iiyak ng ganun ha? Nakakawindang eh."

-__- okay, kausapin daw ba ang tulog?

"Wag mo nang isipin yung litrato ha? Magiging maayos din ang lahat... magiging maligaya ka na ng tuluyan... kasama sya."

Malumanay kong hinawi ang ilang piraso ng buhok na nakaharang sa mala-anghel nyang mukha.

"Kaya ni Daniel ang sarili nya. Wag kang matakot. Malakas pa yata kay Edward Black yung eh."

Edward Black ba pangalan ng bampira sa Twilight?

=__= hay ewan. Paki ko ba dun?

Sila Seichelle at Krish lang naman ang mahilig dun.

Hinawakan ko ang malalambot at mapupula nyang labi. Nag-aalangan pa ako sa una, pero wala na-attract ako eh.

HAHAWAKAN KO LANG NAMAN!!

Napangiti ako.

Naalala ko noong unang beses na magkita tayo sa Jollibee. Mas mabilis pa sa alas-kwatro, nahulog agad ako sayo.

Ang ganda kasi ng ngiti mo.

Naaalala ko kung gaano ka kasaya kapag binibigyan kita ng isang bote ng iced tea, o kaya pinagtitimpla kita. Ang saya saya ng mukha mo. Priceless. Kaya nga lagi akong nagdadala ng iced tea para sayo-para mangitian mo naman ako.

Tumayo na ako. At lumabas ng kwarto nya.

May kailangan pa akong kausapin.

Naglakad lakad ako sa buong bahay.

Hanggang sa makita ko si nerd na umiinom mag-isa.

Tsk. Naglalasing pala ito?

"Ei!" Tawag ko.

Hindi nya ako nilingon, sa halip tinanong ako.

"Anong kailangan mo?"

Wow. Tinagalog din ako sa WAKAS!!

"Gusto kitang makausap," sagot ko.

Ininom nya ang alak na nakalagay sa baso nya.

"Tungkol saan?"

Tungkol sa mga bida sa Power Rangers. Kung saan ba napupunta yung mga damit nila kapag nagiging superheroes sila.

Grabe.

May tama na yata to. Malamang naman na yung tungkol sa kanina yung gusto kong pag-usapan.

"Kay Seichelle," sagot ko.

"What about her?" Tanong nya.

Huminga muna ako ng maluwag bago sagutin ang tanong nya.

"Bakit ayaw mong payagan syang umuwi?"

Bigla na lang nag-iba ang expression ng mukha nya.

"Nasa panganib ang buhay nya." Simpleng sagot ni nerd tumador.

"Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na may mangayaring masama sa kanya," sabi ko.

"Paano ka nakakasiguro? Kilala mo ba ang may pakana nito?" Nerd.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon