Chapter 78- An End in Fire

5.1K 55 4
                                    

Imperfectly Perfect

**THIRD PERSON'S POV

"FIIIIIIIIIRRRRRRRREEEEEEEE!!!!!" Narinig na sigaw ng isang estudyante habang takot na takot na tinuturo ang isang nagsisimulang lagablab ng apoy.

Nanlaki ang mga mata ng lahat.

'Wag mong sabihing... yung villa ang.... nasusunog' takot na isip ni Krish.

"Si... SEICHELLE!!!!!" Sigaw ni Xy na dali-daling tumakbo papunta sa nasusunog na bahay.

Tila nagising ang gulat na diwa ng lahat.

At dali-daling sinundan ni Daniel ang binatang naunang tumakbo.

Sumunod naman sina Gary, Dom, Krish, at Russel.

'Sht! I knew this could happen! Sht!' Sigaw sa isip ni Russel.

Pero hindi alam ng binata na mauuwi sa ganito ang lahat. Na kailangan pang mangyari ito.

Pinagsisisihan na ni Russel o Rookie ang mga kabaliwan nya noon. Kaya pilit syang nagbabago. Kaya pilit nyang tinutulungan si Seichelle.

Samantala, lagpas limang minuto ang kinailangan nila upang mabilis na matunton ang nasusunog na bahay.

"Bessssy!!!!" Iyak ni Krish na kasalukuyang bitbit ang alaga ni Seichelle na si Pom pom.

Patuloy ang paghagulgol ng dalaga habang pinagmamasdan ang unti-unting natutupok na bahay sa harapan nya.

"Xy!!" Awat ng magpinsang sina Dom at Gary sa binatang nagpupumilit pumasok sa loob.

"Tng!na naman Gary! Dom!! Nasa loob si Seichelle! Anong gusto nyong gawin ko? Panuorin lang ang nangyayari?!" Galit na sigaw ni Xy habang pilit na nagpupumiglas sa dalawa.

Lahat na sila napapaiyak.

"DANNNNIIIIIIEEEEEEL!!!!" Sigaw ng lahat.

Pumasok si Daniel sa nasusunog na bahay.

Nakasuot ng helmet ang binata at basa ang damit nito.

Makalipas ang ilang minuto...

Dumating na ang bumbero.

Pilit na inaapula ang apoy.

Pero ang halos isang oras na pakikipaglaban ng mga bumbero sa apoy ay mistulang buwan sa tagal.

*************♕♕♕♕♕★★★★★★★

(Before the raging of fire)

SEICHELLE's POV

Namulat ako at nabigla na nasa kwarto na pala ako.

Nakauwi pala ako kagabi. Akala ko di ako makakaabot. Medyo sumama na rin kasi ang pakiramdam ko eh.

Buti na nga lang at nakatsamba pa ako sa daan pauwi. Sinundan ko na lang ang bituin sa langit.

"Bessy, buti nagising ka na," sabi ni Krish na kakapasok lang sa kwarto na may bitbit na mangkok.

Nilapag nya sa gilid ang hawak at umupo sa kama.

"Mainit ka pa rin," sabi nya habang nakahawak sa noo ko.

Napangiti ako. "Bakit di ka na lang din mag doktor?"

Tumayo sya at iniabot sakin ang mangkok.

"Para namang kaya ko no? Hahaha! Alam.mo namang takot ako sa dugo," paliwanag nya. "Heto, kumain ka muna."

"Salamat."

Hinigop ko ang sabaw.

^__^ ang sarap!!!

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now