Chapter 81- Sweet Candies :)

5.2K 56 9
                                    

Imperfectly Perfect

SEICHELLE's POV

*//* KYAAAAHHH!!!!

"ANG GGWAPO TALAGA NILA!!" di ko maiwasang sumigaw dito sa sala.

"Psh. Anong gwapo dyan?" Bulong ni Daniel sa tabi ko.

Hahaha! Selos lang tong katabi ko sa BigBang.

Nanonood kasi kami este ako lang pala ng BigBang special sa MTV. Hehe.

Di ko na lang pinansin ang katabi at mariin kong pinukol ang atensyon ko sa pinapanood ko.

*-* Bakit ba ang gwapo ni TOP??

Ang ganda ganda ng mata.. nakakawala sa sarili. Tapos yung boses.... HUWAW lang!! Smooth and very seductive.

"Psh" tapos bigla na lang umalis si Daniel at nagtungo sa kwarto nya.

Tingnan mo yun! Iwan ba ako dito?

"Di mo ba sya susundan?" Tanong ni Prof. Delicio na nakatayo malapit sa pinto sa kusina.

"Hehe.. Naku prof, selos lang yun!" Sagot ko.

Naglakad sya palapit sakin.

Tapos umupo sya sa upuan sa harapan ko.

"Sei," tawag ni Prof. "Alam mo naman siguro ang pinagdadaanan ni Daniel ngayon diba?"

Tumango naman ako.

"At alam naman natin na tanging ikaw lang ang makakatulong sa kanya," sabi pa ni Prof.

"Kaya puntahan mo sya. Di mabuti sa kanya ang nagseselos, at baka mabaliw yun. Sige ka! Wala ka ng gwapong boyfriend!" Pabirong takot sakin ni Prof.

Napatawa naman ako. Itong si Prof. Delicio talaga, tsk.

Pinatay ko na ang tv. Babye TOP!! Mas importante sakin si Daniel!

Naglalakad na ako patungo sa kwarto ni Daniel.

Hayy.. bukas na pala kami aalis.

Babalik na kami nila Lolo Thomas at Prof. Delicio sa Pinas samantalang sa Amerika naman ang punta ni Daniel.

Magkakahiwalay nanaman kami.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng kwarto nya. Baka kasi natutulog na sya eh.

Sinuri ko ang kwarto nya gamit lamang ng isang mata na palihim na nakasilip mula sa pinto.

At nagulat ako nang makita ko yung maskara sa sahig.

Tinanggal nya?

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

At tumambad sakin...

Ang likod nya.

Nakaharap sya sa isang full length mirror.

Kaso di ko makita ang reflection nya dahil sa tangkad nya.

"Daniel..." bulong ko.

"Seichelle.. tell me, nakakatakot ba ako?" Tanong nya sabay harap sakin.

Inaamin ko, nagulat ako nang makita ko ulit ang malaking peklat sa mukha nya. Ilang buwan ko na ring di nakikita yun.

Pero di naman importante kung anong nangyari sa mukha nya. Sya pa rin si Daniel Nicholas Parson na nakilala ko. Na minahal ko.

I smiled at him. "Ikaw pa rin ang pinakagwapong nilalang nakilala ko."

"Next to TOP and the vampire guy?"

Sumimangot ako.

"No. You are far, far more gorgeous than them. I swear," I replied.

The Heiress (Imperfectly Perfect)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon