Chapter 69- Dom Virus + Extras... :-)

5K 49 10
                                    

IP-70

Imperfectly Perfect

SEICHELLE's POV

"Wag mo akong iwan... Mahal kita..."

Kitang kita sa mga mata nya ang kirot at sakit.

"Wag mo akong iwan... Mahal kita..."

Daniel.... mapapatawad mo pa ba ako?

"Wag mo akong iwan... Mahal kita..."

Tatanggapin mo pa ba ako sa pagbabalik ko?

O tuluyan ng maglalaho ang nararamdaman mo para sa akin?

"Sei...?" Tawag ni Xy.

Nilingon ko sya.

Bakas ang pag-aalala nya sa akin.

"O-okay ka lang ba?" Tanong nya.

I sighed.

Binaling ko ang tingin sa mala berdeng tubig ng dagat.

"Magiging ayos din ako.." sagot ko.

Napansin kong itinaas ni Xy ang kaliwang kamay nya, pero nag-isip saglit at binaba ito.

Ang bait ni Xy. Isa syang mabuting kaibigan. Nakakalungkot lang na kailangan nya pang masaktan dahil lang sa tulad ko.

"Pwede bang malaman kung nasaan na tayo?"

"That's a secret Xy. Sorry..."

"Hehehe.. ganun ba? Hayy.. ^__^ sayang!"

Naglakad ako tungo sa nakakaakit na dagat.

Hinubad ko ang sandals ko... at nagpatuloy sa paglalakad...

Ang sarap sa pakiramdam nang maligamgam na buhangin sa paa ko. Dapit hapon na kasi.

At ang hangin... ang sarap.. parang pinupunan nito ang pagkamiss ko kay Daniel...

Ano kayang ginagawa nya ngayon?

Umiiyak kaya sya? Wag naman...

Wag nya akong iyakan. Babalik ako, pangako yan.

Hindi ako huminto sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ang tubig.

Bahagya kong itinaas ang gown na suot ko pa noong New Year's eve...

Teka, anong araw na ba ngayon?

Mga ilang minuto pa lang kasi ang nakakaraan nang makarating kami rito.

"S-SEICHELLE!!!!!!!!!!!!!" Narinig ko ang sigaw ni Xy mula sa likod ko.

Anong problema ng isang yun? =__=+

Bigla ko na lang naramdaman ang pagahon ng paa ko sa tubig.

"Ano bang nasa isip mo Sei? Paano kapag tinangay ka ng malakas na alon, tapos di ka makalangoy? Paano kapag nalunod ka? Paano na kami ni Da....."

"Xy."

Mukhang huminahon sya at tumigil sa pagsasalita.. bago pa nya mabanggit ang pangalan ni Daniel...

"Pwede mo na akong ibaba," sabi ko.

(~~.) Tinapunan ako ng nakapanguusig na tingin ng lalaking to.

"Hindi." -__-!

O_o?? "Bakit?"

"Baka pumunta ka ulit sa dagat. Mabuti nang nakakasiguro. At least sa bisig ko, ligtas ka."

-__-"

Bisig talaga ah?

"Xy.." =__=

^__^V "sabi ko nga ibaba na kita eh."

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now