Chapter 2

14.9K 186 1
                                    

Imperfectly Perfect

(the Princess and the Butler's Story)

"Tadaima!" (I'm home!) Hehe di ako Japanese ah, mahilig lang talaga ako sa mga Animè.

"Maligayang pagbabalik Ms. Seichelle," bungad sa akin ni Manang Tipas.

Si Manang ang tumatayo kong nanay simula pa noong ako ay bata pa. Kaya malapit ang loob ko sa kanya.

"Naku po Manang, Sei nalang po."

"Kumusta naman ang eskuwela?" tanong ni Manang.

Napabung hininga ako.. "Sakto lang po."

Tinapik nya ang balikat ko. "Kung tutuusin di ka dapat nahihirapan ng ganyan. Dapat nga ay nakilihalubilo ka sa kanila o sila sayo."

Sinubukan ko na lang ngumiti kahit pilit.

"Tumawag nga pala si Ma'am Tanya. Kinukumusta ang kalagayan mo,"Manang.

Napangiti tuloy ako ng tuluyan. Mahal na mahal talaga ako ni mama kaya't nahihirapan rin sya sa desisyon kong lumayo.

"Sige po at tatawagan ko po sya."

Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number nya.

*ring!!*

"Hello?" boses ni mama Tanya.

"Ma!" sigaw ko. Hehe baka mabingi yun.

"Seichelle, is that you?"

"Yes, mom. I miss you."

"Oh my princess. I miss you too. When do you plan to visit your mom?"

"Soon mom. I promise. How's dad?"

Nosebleed na ko oh (o__o)

"He's okay. Don't worry about us but for yourself. Please my princess visit your mom." mom pleaded.

Miss ko na sila mama at papa. They are the best parents.

So why not visit them and ease the longingness we feel.. Kaso baka makita ako ni Lolo.

"Okay mom. I'll try this weekend.. Uhmm. Ah..-"

Mom chuckled. "You worry about Granpa Thomas, right?"

Bakit ang galing ni mamang manghula?

"Uh.. You know he despise me now."

I heard my mom sigh.

"You know your granpa is old and obstinate. But I know he loves to see you."

Matigas talaga ang ulo ni Lolo. Haha.

Marami rin kaming pinagusapan ni mama. Tinanong nya kung kumusta ang eskuwela. Kung kumakain daw ba ako ng tama. At napagdesisyunan ko na ring bisitahin sila sa Sabado tutal walang klase at saka tutulak din sina mama at papa papuntang Prauge para sa business trip.

Pero natatakot talaga ako kay Lolo Thom. (_=_)

Halos itakwil na ako nun nung nalaman nya na aalis ako at susubukan ko ang normal na buhay.

Eh anong magagawa ko kung 17 years old na ako at wala man lang akong kaibigan o kaklase.

Lagi kasi akong may private tutor dito sa bahay kaya ni minsan di pa ako nakakaranas pumasok sa school.

Tanging sa mga tv shows, movies, at books lang ako nagkakaroon ng idea sa mga salitang "classmate", "bestfriend", "field trip", at "boyfriend"..

Hehe..

***

property of LadyOnTheStaircase

The Heiress (Imperfectly Perfect)Where stories live. Discover now