Well I'm not entirely sure! Maybe I'm just assuming kasi. But heck, hindi kasi tumitingin ang mga Vikings sa kahit sinong babae. Lalo na si Isaac at si Kapitan. Yung tatlo kasing iba na sina Seven, Brix at Axel ang mga talagang certified playboys. Sila yung hindi makuntento sa isa! According to the rumors, ang pinakababaero sa kanila ay si Brix. Bawat linggo, may iba-iba siyang babae na kinakasama. Walang paninindigan. Di makuntento sa isa. Puro na lang titi ang pinpairal!

I glared at Axel when I saw a lady blow him a kiss and he winked at her. After he did that, he looked at me and smirked annoyingly. Nananadya siya noh? Sarap ipalamon sa pating nang madala!

Binalik ko ang tingin kay Isaac na naglakad na pabalik sa court. Kinausap niya saglit ang Kapitan nila tsaka sinalo ang bola na ipinasa ni Brix.

Napa-O ang bibig ko nang makita siyang nagtapon ng pasimpleng tingin sa pintuan ng gym tsaka tinira ang ring. Tama ba yung nakita ko?! Totoo ba yon? Para kasing tumaas ang sulok ng labi niya like he remembered something!

It got in.

Nagsitilian naman ang mga fans niya nang pumasok sa ring ang bola. Pasok na pasok iyon at three points pa!

I'm speechless. Isaac doesn't like Catalya naman, diba? Baka guni guni ko lang yung mga titig niya sa kaibigan ko.

Baka nga..



Catalya

Gabi na nang makauwi ako sa amin. The distance from my school to our house is about two hours drive. Nginitihan ko si Manang Selda pagkakita ko sa kanya. Mula bata kasi siya na ang nakasama namin dito sa bahay. I grew up being fond of her here in our house. Pamilya na rin siya para sa akin. She's my second parent, parang ganun.

"Ang ganda mo talagang bata ka!"

I laughed. "Nambobola ka na naman po, Manang. Kikiligin ako niyan, sige ka!" Pahayag ko na tinawanan niya. Afterwards, I led myself to the kitchen and smiled widely when I saw my mom eating vegan salad.

Again.

"Sabi ko naman po sa inyo na kumian kayo ng kanin, Ma. Salad na lang lagi ang kinakain mo. Hindi na yan healthy" tumayo siya at bumeso ako sa kanya.

Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na kapag wala ako, kumain siya ng kanin. Kasi kapag nasa school ako at wala si Dad, linilimitahan niya ang kinakain. She just eats salad and that's it! Ako nga ayoko ng ganung pakain dahil di ako nabubusog!

Si Manang Selda ang nagsunbong sa akin noon tungkol sa pagda-diet ni Mommy kasi maski siya ay nag-aalala na rin. Palagi rin kasi na wala si Dad kasi inaasikaso niya ang farm namin sa Bacolod. Isa rin iyong si Dad, alam naman niyang mahina ang puso niya pero nagpupumilit magtrabaho. Hindi raw siya mapakali kapag wala siyang ginagawa o kapag hindi niya inaasikaso ang negosyo niya! Kaya naman pumayag na lang kami ni mommy. Subalit may kondisyon kaming binigay. Dapat laging kasama niya si Doc Fordes para kapag may nangyaring masama sa kalusugan niya, kapag naninikip ang dibdib o biglang hindi siya makakahinga, maaagapan siya agad ni Doc. Buti at pumayag rin siya sa kondisyon naming iyon. Inisip rin siguro niya ang kalagayan niya.

"M-meryenda ko lang nak!" Pagtatanggol niya sa sarili kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"isang pagsisinungaling pa Ma, sasabihin ko kila Manang na i-monitor ang kinakain mo. Payat ka na Mommy! Huwag kang nagda-diet kasi baka makaapekto lang sa kalusugan mo" pangangaral ko kay Mommy na ngumuso lang sa harap ko at itinabi ang salad na tila batang napagalitan.

"Yes na, Ma'am. Maghanda na lang po kayo kasi pupuntahan na natin sina Lola Liliana mo" imporma niya kaya tumango ako. Buti at madaling kausap itong si Mommy.

The Devil's Summon (R-18 Vikings Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora