Excerpt

4 2 0
                                    

03/30/19

[ Kiyoshiro's POV ]

Umalis ako sa bahay,natutulog pa yung kapatid kong si Andeng pati yung dalawa nyang kaibigan na sila Belle tsaka Febie.

Na-guilty ako kasi nakita ko talagang pagod na pagod mukha ni Andeng. Late na siguro nakatulog sa sobrang lakas ng mga kaklase ko kagabi hanggang madaling araw sa kakaparty.

Pota sana pala di na lang ako nagpaparty dito samin.

"Bwiset." nasabi ko na lang bigla habang ginulo ang buhok ko sa irita sabay pumasok sa kotse.

Aalis na sana ako biglang tumawag si Alys sakin.

"Love?"

"San ka na?" narinig kong sabi ni Alys sa kabilang linya. Kahit kailan di talaga ako magsasawa sa boses nya.

"Papunta na."

"Pakibilis please."

Bigla akong nag-alala sa sinabi nya. Nataranta ako kaya tinanong ko sya kung okay lang sya.

"Bakit? May nangyari ba sayo uy sagutin moko."

"Miss na kasi kita kaya pakibilis please." 

tangina

Kiyo - 0  Alys - 1

Narinig kong tumawa sya sabay nag bye sakin. Pagkababa ko ng cellphone ko, agad agad akong nagdrive papunta sa meet up place namin. Malilintikan sya sakin. Nang pagmamahal ko.

Di ko namalayan na natatawa na ako sa pinag-iisip kong mga corny na pick up lines. Babawi ako mamaya humanda ka talaga Alys.

Pagkatapos ng kalahating oras nakarating na ako sa meet up place namin. Hindi na ako nagtaka kung bakit nakaupo lang siya sa isang bench habang nag cecellphone.

May naisip tuloy akong plano para takutin sya kaya nagsmirk ako at nagtago sa gilid.

Dahan dahan akong lumapit sa likod nya at sabay ginulat sya,

"BOO!" nagtaka ako kung bakit di sya nagulat pero nasagot ko yung sarili kong tanong nung makita kong naka earphones pala sya.

Napa face palm na lang ako while rolling my eyes. Well di nagwork yung paggulat sa kanya. Napansin ko na di nya pa rin ako nakikita kaya ngumiti ako at naisip na gulatin nalang sya in a different way.

I quickly sat beside her and pagkatapos ko tanggalin yung earphone sa kanan nyang tenga, I quickly pecked her cheek.

Shock was an understatement. Muntikan nya na akong sampalin pero nung nakita nya na ako yung humalik sa kanya namula na lang sya habang tinitignan ako.

Ah shit pano ako biniyayaan magkaroon ng ganitong kagandang babae sa buhay ko?

"I love you." sinabi ko sa kanya. Feeling ko kasi nagtataka sya bakit bigla ko na lang ginawa yun kanina.

"I seriously can't describe my feelings when i'm with you. I just know that i'm happy and I love you. Very much."

Rolling her eyes she smiled at me.
Si Alys naman ngayon ang nagsalita.

"I love you too. It will always be you."

Call me weak af but i'm only like this when i'm with her.

Next to my sister, Alys is the person I wouldn't want to forget and would want to stay by my side forever.

Nagtawanan kaming dalawa sa mga sinabi namin though I know we appreciated it.

Sinabi ko sa kanya na hindi talaga pantay bangs nya which resulted her punching my shoulder.

"Kahit ganyan ka love ayus lang."

Kinuha ko kamay nya at naglakad lakad muna kami sa park bago kami umalis talaga at pumunta sa mall.

It's always a beautiful moment whenever i'm with her.

This is the love of my life.

-ˋˏ ༻✿༺ ˎˊ-

𝐔𝐧𝐬𝐚𝐢𝐝 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon