CSFLWBIAZA I

1 0 0
                                    

03/17/20

🔦 Can Someone Find Love while being in a Zombie Apocalypse?

Angeline's POV

Ilang sandali palang ang lumipas ng mahanap ako nila Ishika. Hindi ko alam kung kelan nagsimula o pano, pero ang alam ko lang ay humihinga na ako nang malalim habang nakaupo sa gilid, hawak hawak ang cellphone ko.

Kinakausap nila ako, siguro pinapakalma ako kaso wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Walang pumapasok sa utak ko ngayon kundi ang mga imaheng nakita ko kanina nung tumatakbo kami para tumakas sa convenience store na pinagmulan ko.

Puro sigawan. Kaguluhan. At punong puno ng takot at kaba ang nararamdaman ko nung mga panahon na 'yon. Bawat tingin ko sa paligid ay wala akong nakita kundi bakas ng dugo at titig ng mga matang walang buhay at wala ng saysay pa sa mundong ito kundi maglabas ng panic at dysphoria sa lahat ng nabubuhay pa.

Bakit nagkaganito bigla yung mundo?
Akala ko ba sa mga palabas lang nangyayari mga toh?

"Hindi ako makapaniwala na meron na talagang zombie apocalypse..."

Hindi ko sinasadyang marinig ang mga salitang binaggit ni Beng kela Kolwen.

Shet.
Zombie Apocalypse?
Meron talagang zombie apocalypse.

Sa pag-isip neto, tila napapaluha nalang ako ngunit pinipigilan kong bumagsak eto at makita ng mga kasama ko. Yumuko ako at kinausap ang sarili ko.

"Wala na talagang pag-asa. Hindi ko na maabot mga pangarap ko. Hindi na ako makakagraduate sa college. Putek hindi ko na nga yata matatapos yung highschool dahil sa apocalypse na toh. 'Di ko na mahahanap at makukuha yung dream job ko. Hindi ko na magagawang pasayahin pamilya ko sa mga nakamit ko. Kingina..."

To make matters worse, pumunta ang isipan ko sa isang topic na hinding hindi ako makakawala.

"Hinding hindi na ako magkakajowa. Bwakanangina naman netong mga zombie na toh. Hindi man lang ako pinaranas ng masayang love life bago sila nagsilabasan. San ako makakahanap ng poging lalaki dito? Sino magiging asawa ko? Sino na magiging tatay ng mga anak ko? Tatanda akong dalaga dito, ganon? Hayup naman tong buhay na toh bwiset so pakening sh-"

"Sigurado ba kayong isasama natin toh satin? Hindi nga infected, sira naman yata utak."

May isang lalaking biglang nagsalita kung kaya napahinto ako sa mga pinagsasasabi ko sa sarili ko. Narealize ko na masyado sigurong malakas yung boses ko at kanina pa ako naririnig ng mga kasama ko. Nahiya ako at namula. Kaso nung naalala ko yung mga salitang sinabi ng misteryosong lalaki sa harapan ko, nakaramdam ako ng inis at napakunot ang noo ko, hindi ko pa rin sya tinitignan at nakayuko pa rin ako.

Kinausap ni Ishika yung nagsalitang lalaki.

"Sya yung palagi naming kinukwento sayo na nakilala namin last month. Hayaan mo muna syang kumalma. Considering the situation, may rights naman sya para um-act ng ganyan."

"Tsk. Ewan ko lang ah. Baka mamaya sya pa maging rason para mapabagal yung pagtakas naten sa lugar na toh. Mas magandang tayo tayo nalang yung umalis, iwanan na naten yan."

"Alam mo ikaw yata yung kailangan kumalma, Luke. Kanina ka pa naghahagilap kay CJ.  Maupo ka muna."

Sinabi naman ni Beng duon kay 'Luke'. Hindi ko na narinig nagsalita pa yung lalaking kaibigan nila at napalitan ito ng paglakad sa kabilang banda ko.

I sighed, quite relieved na hindi na sakin nafocus yung usapan. Tinuloy lang ulet nila Ishika ang paguusap nila sa gilid ko.

Pipikit ko na sana yung mga namumula kong mata para umidlip ng nahagip ko na naman ang boses nung 'Luke'.

"Okay ka lang?"

Hindi ako sigurado kung sino ang kinakausap nya kaya tumahimik lang ako at itinuloy ang pagpikit. Nang biglang sumakit yung ulo ko dahil sa isang maliit na matigas na bagay ang binato sakin. Hindi ko rin toh pinansin. Kaso biglang umulit yung sakit sabay ng pagsabi ng 'Hoy' nung lalaking nasa harapan ko.

"Aray ha!?"

Mabilis kong sinabi sabay ng pagtaas ng ulo ko para tignan nang masama yung 'Luke' para lang matapon lahat ng sama ng loob sa sarili ko nung makita ko na sya.

Hindi nya ako tinitignan pero nahalata ko na ako ang kausap nya ng magsorry sya.

"Si CJ. Yung binanggit kanina ni Beng. Isa yun sa mga kaibigan namin. Kasama namin sya kanina bago magkagulo dito, ngayon kung nakikita mo naman di namin sya mahanap. Kanina pa ako naghahagilap kaya sorry kung nasabihan kita ng kung ano ano. Tama si Beng, kailangan ko siguro ng pahinga para kumalma."

Siguro kung may tubig akong iniinom ngayon, nabuga ko na 'yon kung kanino. Sino mag-aakalang may mala jowable material na lalaki pala dito? Is this destiny finally telling me to shut the hell up, na just because may zombie apocalypse akala ko 'di nya na tutuparin isa sa mga pangarap ko?

Ewan ko lang ha.

"O-okay lang..."

Asan na yung sorry para don sa mga gamit na binato mo sa ulo ko!?

"Sa susunod kasi huwag kang magsasalita ng basta basta habang nakayuko. Akala ko sinasapian ka na ng kung sinong multo."

Wow bipolar lang? Parang kanina lang nagsosorry ngayon iniinsulto na naman ako?

Pasalamat ka pogi ka.

"Haha sorry.."

Wala na akong naggawa kundi sabihin nalang yung salitang 'yon.

Nabalot kami sa isang komportableng katahimikan habang paminsan minsan ay binabaling ang tingin ko sa kanya, wala na sa isipan ko yung umidlip at magpahinga.

"Hoy, babae."

"Ha? Ako?"

"Sino pa bang nasa harapan ko ngayon?"

"Oh b-baket?"

"Anong pangalan mo?"

"Sasabihin mo ba sa mga zombies para kainin ako?"

"Tanga, san mo nakuha yung idea na yan? Mukha ba akong taong bobo para gawin eon?"

"Nagloloko lang, toh naman di mabiro."

"Ano nga pangalan mo?"

"Angeline."

Hindi ko namalayan na kaming dalawa nalang yung nakaupo sa gilid ng corridor na pinagpapahingaan namin. Hindi ko rin napansin kung kelan umalis yung iba naming kasama para maghanap sa mga kwarto kwarto na tinutuluyan namin kung may mga tao pang pwedeng sagipin. Pero ang alam ko lang, hindi ko na nararamdaman yung takot at kaba na nasa katawan ko kanina.

"Masyado naman yatang anghel yung pangalan mo."

First time kong tumawa nang malakas nung nangyari yung sitwasyon na toh. Sliding a stray hair behind my right ear, tinitigan ko si Luke para lang makita na nakatitig rin sya sakin. Na conscious ako bigla sa itsura ko at sa mga salitang bibitawan ko pero sinabi ko pa rin.

"Kulang nalang isang tao na magmamay-ari sa anghel na toh."

A ghost of a smile is seen on his lips.

[][][][]

All characters are based off of real life people

𝐔𝐧𝐬𝐚𝐢𝐝 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐬 Where stories live. Discover now