“S-sorry Sir---”

“It's alright, I understand,” putol nito sa akin. Seryoso ang boses niya. Hindi ko naman magawang tumitig nang diretsyo sa kaniya kaya't nanatili lang ang mga tingin ko sa may paanan niya “Sumakay ka na Juliet,” payak na dagdag nito saka nauna nang nagtungo sa back seat ng van. Bahagyang amoy alak din siya.

Napabuntong-hininga ako. Wala na akong nagawa kundi pumasok at maupo na rin sa front seat dahil mukhang ako na lang ang hinihintay ni Kuya Arnolfo para paandarin niya ang sasakyan. Nauna naman na ang kotsye nina Edson at Billy.

~ Oceans apart, day after day
And I slowly go insane~

Nagsimulang magpatugtog si Kuya Arnolfo bago tuluyang nagpa-andar ng van. Nanatili naman akong tahimik sa pagkakaupo at wala ni isa sa aming nagsasalita.

~ I hear your voice on the line
But it doesn't stops the pain~

Hindi maawat ang tibok ng puso ko na animo'y paulit-ulit sinusuntok nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina.

~ If I see you next to never
How can I say forever~

Gusto ko pa ring magpaulit-ulit nang sorry kay Estefanio pero hindi ko kayang lingunin siya. Nahihiya ako sa kaniya at pinahiya ko rin siya. Nakakapanghina ng loob. Hindi talaga yata ako nababagay sa kinalalagyan ko ngayon.

~ Wherever you go, whatever you do
I will be right here waiting for you~

Kasabay ng tugtug ay ang unti-unting pagbuhos ng ulan. Napadako na lang ang tingin ko rito sa labas ng binta at sa mga ilaw ng mga establisyementong nadaraanan namin. Sa gitna ng isang lugar kung saan ang mga tao ay nagmamadaling kumikilos at gumagalaw, pakiramdam ko ay nakatayo ako sa gitna at hindi alam kung saan ba talaga lulugar.

Nakakapanghina...

~Whatever it takes or how may it breaks
I will be right here waiting for you~

Kasabay nang pagbagsak ng mga ulan sa labas, sinasabayan din ito ang tahimik na pagbagsak ng aking mga luha...

----

Hindi ko namalayang nakatulog na ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa Casa Simeon. Nagising na lang ako nang marinig ang mahinang pagtawag ni Kuya Arnolfo sa ngalan ko. Bumaba na rin ako nang ma-realize na nasa parking area na kami ng hotel. Patuloy pa rin ang mahinang pag-ulan sa labas na animo'y sinasabayan ang kalungkutan ng damdamin ko. Hindi ko na rin nakita si Sir Estefanio. Mukhang nauna na itong pumasok sa hotel.

“Juliet, siya nga pala kailangan mo mag-report ngayon kay Madam Elizabeth, iyon ang bilin niya kanina sa amin,” biglang sambit ni Kuya Arnolfo sa'kin matapos isara ang pinto ng van. Naalala ko naman ang pagbanggit ni Estefanio noong nakaraan tungkol sa bilin ni Mrs. Del Carpio na magri-report dapat ako rito. Nais kasi talaga ni Mrs. Del Cario na alam ang bawat galaw ng anak niya at isa pa, siya rin naman ang tumatayong manager ni Estefanio.

Bahagya akong napabuntong-hininga. Bagamat gusto ko nang umalis at umuwi ay wala pa rin akong nagawa kundi sumama kay Kuya Arnolfo sa loob. Hindi ko naman kayang sumuway kay Mrs. Del Carpio. Grabe nang kahihiyan ang nangyari sa akin ngayong araw. Siguro kung ano man ang mangyari at sabihin sa akin ng ina ni Estefanio ngayon, lulunukin ko na lang. Aaminin ko, natatakot pa rin ako sa kaniya mula noong una kaming magkaharap.

“What happened to Estefanio during the whole day? Give me only the highlights,” agad na utos ni Mrs. Del Carpio nang dumating kami ni Kuya Arnolfo sa kwarto nito rito sa third floor ng Casa Simeon—ang parehong floor kung saan una kong nakausap si Estefanio. Ayon kay Kuya Arnolfo, kaninang madaling araw lang din nakabalik si Mrs. Del Carpio rito mula sa hospital kung nasaan siya kahapon. Mas komportable raw kasi itong nababantayan pa rin ang anak kahit papaano at isa pa, may ini-hire na rin itong sariling manggagamot sa kaniya.

Till I Rewrite The Stars (Under Revision)Where stories live. Discover now