TWCIASA #54: New Life

Start from the beginning
                                    

Heart beats fast..

Colors and promises..

How to be brave..

How can I love when I'm afraid to fall..

Naramdaman ko ang paglalapit ng mga katawan namin ni Kad. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay ang mga kamay niya sa baywang ko. Medyo naiilang ako sa paglapit naming dalawa. He's handsome no doubt. A half brazilian man. A very charming man I've met.

"I-It's been 3 years Zam, 3 years.. it's still you.." Nakapikit na sabi niya. Kahit lasing ako ay naiintindihan ko ang mga pinagsasabi niya.

Napaawang ako. I thought...

Mayroong iba! Bakit?

"Sinasabi ko lang na 'someone else' para hindi tayo magkasiraan... I'm r-reserve... for you." Napipiyok na sabi niya. "P-please... Zam.. give me a chance.. please.." Nakatitig na siya sa mga mata ko kita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Omyghod!

"K-Kad..."

Nilapit niya ang mukha niya sakin pero hinawakan ko ang dibdib niyang wag ng makalapit pa.

"Y-You're just drunk..." Naiilang na sabi ko.

"N-No, Zam. I'm drunk pero alam ko ang s-snasabi ko..."

"Pero napag-usapan--" Nagulat ako ng biglang dumampi ang mga labi niya sa akin. Nagulat ako kaya hindi ko agad natulak. Nakamulat ang mga mata ko.

Isang mata ang napansin ko sa kalayuan. Madilim at nag-iigting ang panga niya. Hindi ko nararamdaman ang labi ng humalik sa akin kung hindi ang galit niyang mga mata.

Nang bumalik ang diwa ko ay saka ko tinulak si Kad.

"Zam, I know you love me, too.." Napakagat labi ako. That's just a mistake!

"K-Kad.. no.. mali to."

"Anong mali, Zam?! Hindi ka pumalag. You let me kiss you!" Naramdaman ko ang iritado sa boses niya. Napabuntong hininga ako.

"Hindi to pwede, Kad. Pagkakamali yon. Please don't do that again." Agad ko siyang tinalikuran.

"Bakit hindi?!" Tumaas na ang boses niya.

Napatingin ulit ako kung saan siya nakaupo. A God's face. Well defined, with a sharp jaw and angular cheekbones. He's eyes were so dark. He looked down for a moment, pouring himself a drink and bringing the alcohol to his lips. Dahan dahan pa niya iyong ginagawa.

Pano niya nagagawa iyon ng dahan dahan?

Hindi yan tubig! Parang sanay na sanay na siyang uminom nito.

Nakita ko ang paglapit ng isang babae sa kanya. Blonde. Sexy. Wearing a Leather shealth glitter black dress. She's a fucking model! It's Kendall Jenner! What the fuck?! Kakaiba ang ngiti sa kanya ng Kendall na yon! Sikat iyong bilang modelo sa buong mundo! Nakita ko pang hinawakan ni Kendall ang binti nito para maituon ang tingin sa kanya na nakakatitig pa rin sakin hanggang ngayon.

"ZAM!" Nagulat ako sa pagsigaw sa mukha ko ni Kad. Nalilito siya kung sino ang tinitignan ko.

"I-I-I'm going home." Aligaga kong nilagpasan si Kad atsaka lumabas ng bar. Napabuntong hininga ako. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa London!

'Anong ginagawa mo dito, Livingston?'

Napasinghap ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi na alam kung paano ito patitigilin!

"Zam, please talk to me!" Nagmamakaawang sigaw ni Kad.

"Please.. not now, Kad." Napasinghap ako. Ibinaling sa loob ang tingin at ibinalik sa kanya. "Can you take me home?" Walang gana kong sabi.

"O-Okay." Nagmamadali siyang kunin ang sasakyan niya. Inihatid niya na ako sa bahay.

"I-I'll court you whether you like it or not." Narinig kong sabi niya. Naging tahimik lang ang byahe dahil hindi ko siya kinausap. Tanging isip ko lang ang lumilipad.

Pano siya nakarating ng London? 3 years.. 3 fucking years. Tapos na ang lahat. Ayokong isipin na sinusundan niya ko parang imposible naman ata yon. Baka may ibang pakay siya kung bakit nandito. Mayaman siya at COINCIDENCE LANG ANG LAHAT! Ang mahalaga ay WAG NA SANA KAMING MAGKITA ULIT.

Nang nakarating na kami sa bahay kinalas ko na ang seatbelt ko at ng pababa na ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan.

"I'm sorry. Alam kong matagal na noong pinatigil mo ko pero hindi ko na mapigilan. I hope you'll understand." Tinignan ko ang mga mata niyang nagsusumamo. Ilang taon kaming naging magkaibigan pero hanggang doon na lang iyon. Tinaanguhan ko lang siya.

"Thank you." Atsaka lumabas ng sasakyan niya. Hindi na ako lumingon pa na karaniwang nakasanayan ko na ginagawa sa kanya dahil hindi ako makapag-isip ng tama ngayon.

~To be continued...

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE AND COMMENT! THANKS A LOTTTTT!!

- J e y v i d i v i

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now