Chapter 62 - The Last Time

Start from the beginning
                                    

Kaunting pilit pa ay pumayag na din sila.

"Imposibleng hindi nya mapapansin na nagbago na ang itchura mo." sabi ni Kit.

"Ako ng bahala dun. Ang mahalaga, makita ko sya. Sa huling pagkakataon."

Pinilit kong magpakalakas nang makalabas ako ng hospital. Pinilit kumain, para kahit paano ay magkaroon ng laman ang katawan ko. Pinilit maglakad at huwag umasa sa wheelchair.

Lahat ng iyon, ginawa ko para lang mapaghandaan ang huling pagkikita namin ni Sky.

"Baby girl?" bumalik ang pagiisip ko sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Kit.

"Oo, pupunta tayo." sagot ko sa kanya.

Buong umaga kaming naghanda para sa pagpunta sa kasal ni Sky. Iniisip ko pa lang na ikakasal na sya sa ibang babae, at hindi sa akin, para na akong namamatay sa sakit na nararamdaman ng puso ko.

Mag aalas-tres na ng hapon ng makarating ako, si Kit at ang pamilya ko sa Tagaytay Highlands, kung saan gaganapin ang kasal. We are all in shock to see the beautiful setting. Sa dami ng mga tao sa lugar, isang tao lang ang nakita ng mga mata ko. Si Sky.

Lalong nadurog ang puso ko nang makita sya, naka puting tuxedo, masaya at maaliwalas ang mukha. Maya-maya pa ay napatingin sya sa kinatatayuan ko at tumakbo papalapit, nakangiti.

"Lexi!" niyakap nya ako babg makalapit sya sa akin. Yakap na talaga namang miss na miss ko.

"Hi." sabi ko.

"Shit, Lexi. I missed you!" bati nito. "Saan ka ba nagpunta? Tsaka, paano--?"

"Si Kit. May nagsabi sa kanya tungkol sa kasal mo. I hope okay lang umattend kami?" sagot ko. "Congrats nga pala. Ang gwapo mo sa suot mo, ah." I slightly smiled, then frowned.

"Oo naman. Ngayon, kumpleto na ang araw ko kasi andito ka na." Sagot nya. "Ang dami kong e-mails sayo, natanggap mo ba? Pinadalhan pa kita ng invitation, hindi mo ba natanggap?" tanong nya.

"Ha? Ah.. Hindi eh." pagsisinungaling ko. Ayoko ng pagusapan kung ano man ang laman ng mga e-mail nya. Wala na din naman, eh. Ikakasal na sya. "I can't retrieve my e-mail." palusot ko.

Tinitigan ko sya at hindi mapigilang maluha. He was the man of my dreams. And now he's getting married with the girl of his dreams. How tragic.

"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Bakit ang payat mo? You look so.. weak." sabi nya habang tinitignan ako.

"Ha? Wala. Nagkasakit lang ako." sagot ko.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now