Chapter 4 - Those were the days

2.8K 67 7
                                    

Habang nakatingin ako sa kanila, di ko maiwasang isipin kami ni Tyler. Naalala ko nanaman. Parang kami lang kasi sila eh. Sweet. Nagtatawanan. Naglalambingan.

Nakilala ko si Tyler through my college friend. Bff kasi sya nung classmate ko.

While hanging out during one of our breaks, nagpasama sa akin si Jacq para imeet daw ung boyfriend nya na si Clyde. Babae si Jacq. Jacqueline for short.

“Lexi, I’m going out to meet with Clyde? You wanna come?” Pauwi na sana ako nun kasi inaantok na ako at ayoko ng umatend ng next na class. Pero hindi ko naman sya mahindian dahil nahihiya ako at isa sya sa pinaka close kong babae sa lahat ng batchmates namin.

Hindi ko din naman kasi alam kung bakit puro lalaki ang close ko. Sa bagay, iilan lang din naman kasi kaming babae sa klase. Halos puro sila lalaki. At shempre, malapit naman talaga ko sa mga guys, not because I’m a flirt, but maybe because we share the same thoughts about stuff. And open minded din ako, I’m not saying that I am not maarte, cause, honestly I am. But at the same time, cowboy din ako. So kahit ano pang pagusapan sa harap ko, wala akong pake at makikisakay ako. Dahil na din siguro lumaki ako na iba't ibang culture yung kinalakihan ko.

“Lexi, tara. Nandun na daw sa mall si Clyde.” Sabi ni Jacq.

“Okay, let’s go!” sabi ko.

Sumakay kami ng taxi papuntang Greenbelt. Dun daw kasi gusto manood ng sine ni Clyde. At first, di ko talaga alam na manonood ng sine. Ang sabi lang ni Jacq, makikipag kita lang sya. Gawin daw ba akong third wheel?

“Hi babe.” Bati ni Jacq nang makita ang boyfriend nya. Kiniss naman sya sa cheeks ni Clyde.

“Hi Lexi. Tamang tama, nandito ka, kasama ko din kasi si Tyler eh, ung best friend ni Jacq. Kilala mo na un diba?” tanong ni Clyde sa akin.

“Ay, hindi ko pa sila napapakilala personally, babe. Nakukwento ko lang si Lexi kay Tyler, and vice versa. Pero I’m sure nakita na ni Tyler un picture ni Lexi.” Sabi ni Jacq. “Crush ka kaya nun Lexi.” Dagdag ni Clyde.

Aba mukhang ibebenta pa ako ng dalawang ‘to ah. Kaya siguro ako sinama.

“Pare, apat na tickets diba?” lumapit si Tyler kay Clyde. “Uy, Jacq andito ka na pala. Asan na si Lexi? Ipapakilala mo sya sa akin diba?”

Umubo ako. Hindi yata nya ako napansin na nandun. Nakita ko naman si Jacq na ngumuso, tinuturo ako kay Tyler. Si Clyde, napapangiti na. Halatang natatawa.

“Hi, miss, I’m Tyler.” Inabot nya ang kamay nya sa akin, nakikipag shakehands.

“Lexi.” Sabi ko.

“Mas maganda ka pala sa personal.” “Thank you.” Hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko.

Nagkatitigan kami, at biglang pumasok sa eksena si Clyde. “Hoy, pare, tama na yan, baka malusaw.”

Binitawan ni Tyler ang kamay ko at nagtawanan kami.

"So, ano na? Kumain na ba kayo?" Tanong ni Clyde habang nakaharap kay Jacq.

Um-oo kami pareho ni Jacq. "Bili na lang tayo ng drinks at popcorn, malapit na din naman kasi magpapasok sa sinehan." Sabi ni Tyler.

Bumili kami ng snacks, si Tyler ang nagbayad. Sya din yata ang bumili ng ticket namin sa sine? Show off?

The Simpsons the movie yung pinanood namin. So ayun, pumasok na kami sa sinehan, magkatabi shempre ung dalawang lovebirds, tapos kami ni Tyler ang magkatabi.

After movie, nagkayayan ng umuwi yung dalawang lovebirds.

"Hatid na kita?" biglang alok ni Tyler habang nag papaalamanan kami ni Jacq.

"Hinde, okay lang, magpapasundo na lang ako sa driver." sagot ko.

"No, I insist. Hindi ko naman pwedeng palagpasin tong pagkakataong to, diba?" nginitian ko sya at um-oo nalang sa alok nya.

Well, Tyler's family is a bit above average also. But compared to me, he's pure filipino. Rich lang talaga ang family ng mom and dad nya kaya he was born rich na din. Pero simpleng tao lang sya. Pinagmamasdan ko sya habang magkasama kami, simple lang talaga. Walang arte sa katawan. Makikita mo naman kasi sa isang tao kung spoiled sya o maluho o simple lang. Tulad ko, oo, siguro masasabi nyong spoiled ako, pero may mga bagay na gusto ko paghihirapan ko muna bago ko makuha. Nakakahiya din naman kasi na lagi lang umaasa sa parents. Mukha syang bad boy. Yung dating nya, simple pero ang lakas ng dating. There's something about him that makes him look so hot and gorgeous.

Okay, I won't spare you of the details on how we actually became a couple. Basta he courted me for almost a year, I think, tapos naging kami na. We were so happy. Sabi ng iba naming friends, halos di na kami mapaghiwalay. Halos araw-araw kami magkasama, ayaw malayo sa isa't isa. We had that kind of love that you can actually call 'true love". Hindi ko sinasabing wala kaming pagtatalo or away, meron, madami, pero we always see to it na hindi matatapos ang isang araw na hindi kami nagiging ok.  I loved him, with all of me. I gave him everything, he was literally my world, my life. He was my first serious boyfriend. I had flings before, but Tyler was the only person that I loved. We were so happy, well, I thought we were.. Not until today..

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now