Chapter 25 - King and Queen of Hearts

1.9K 46 6
                                    

SKY

"Shane Keann Yap!!" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Si Zoey pala.

"Makasigaw lang ng pangalan? Oh, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Para ka kasing tanga jan ngumingiti magisa. HAHA." wala nanaman sigurong magawa to.

"Abnoy." pang-aasar ko sa kanya

"Iniisip mo si Lexi noh?" sabi nya. "Alam mo, maganda sya.. Swerte sya sayo."

Napatingin lang ako sa kanya tapos nginitian ko sya.

"Uhm. Malapit na nga pala yung ball. Nakapag pagawa ka na ba ng damit?" tanong nya.

Ball? Oo nga pala! Yung grand ball na yearly ginagawa ng mother network namin! Muntik ng mawala sa isip ko.

"Ha? Eh, wala pa. HIndi ko na nga naalala yun. Kelan ba yun?"

"Uhm, next two weeks? I think?" sagot naman nya.

Sigurado naman nagawan yun ni Tito Martz ng paraan. Kaya na nya yun. Hehe. Pero, teka. Malamang aasahan ng lahat na may date ako nun. Eh, pano? Wala na si Lexi? Kung kelan naman gusto ko syang iparada sa lahat ng tao bilang girlfriend ko, wala naman sya. Hay.

Tinignan ko si Zoey, na busy sa pagtetext.

Mas bata sakin si Zoey, mga 2 years siguro? Pero parang hinde. Halos pareho naman kami kasi ng trip at masaya naman kami sa pagkakaibigan namin. Maganda naman si Zoey. Simple lang yung ganda nya. Morena, medyo singkit, maganda ang features nya. Kaya hindi na ko nagtataka kung bakit laging madaming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya.

Simula nung naging kapartner ko on-screen si Zoey, lagi na kaming napagkakamalan na magsyota. Sakin wala lang yun, kasi alam ko naman yung totoo. Lagi kasing nagkukwento tong si Zoey na meron na nga daw syang nagugustuhan, pero hindi nya sinasabi kung sino. Wala naman sakin yun, kasi parang bespren naman ang turingan naming dalawa.

Mabalik nga tayo sa grand ball, kailangan ko nga pala ng date.

Date..

"Huy!" sigaw nanaman ni Zoey.

Date.

"Uy, may date ka na ba sa ball?" biglang tanong ko sa kanya. Nung mga nakaraan kasi na ball, kami ang partner. At alam nyo ba na lagi kaming nananalo as 'King and Queen of the Night'?

"Ha? Eh. Wala nga eh." sagot nya. Nag pout sya.

"Wala? Eh anong tawag mo sakin?" napatingin sya sakin.

"Ano daw?"

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now