*1 E-mail Recieved*
From: Shane Keann Yap
Subject: Sorry..
Hi. Ang kulit ko, noh?
Wala kasi akong makausap, eh. I mean, meron naman, literal. Pero, shempre hindi ko naman pwedeng I-share sa kanila yung mga nararamdaman ko ngayon.
Ano kasi, namimiss talaga kita. Buwan na din siguro yung lumipas nung last na kita natin. Yun yung nung naghiwalay pa kami ni Zoey. After nun hindi na kita nakita. Nawala ka na lang bigla pagbalik nyo ni Zoey.
Bakit kasi ganun? Bakit bigla na lang ako naguguluhan?
Sorry, ha? Alam ko naman mali 'to. Alam ko din na hindi ko dapat sinasabi sayo yung ganito. Pero, bakit kasi?
Ang sama ko ba? Kasi ganito yung nararamdaman ko? Kasi ilang araw na lang, ikakasal na ako, pero iniisip pa din kita? Namimiss pa din kita? Hinahanap-hanap pa din kita? At umaasa pa din ako na magreply ka naman sana kahit isang beses lang sa mga e-mail ko?
Hindi ko na kasi alam, eh. Sorry.
Mahal ko si Zoey. Totoo yun. Pero bakit ikaw pa din ang nasa isip ko?
Magreply ka naman.
Dalawang araw na lang.. Sana makita kita.
Sky
YOU ARE READING
'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]
RomanceStarted: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at magandang babae na lumaki sa iba't ibang bansa. On the day of her 23rd birthday, nagsimulang magbago ang...