Chapter 32 - Explanations

1.7K 40 0
                                    

Day-6 Post-Sky

Papunta ako sa clinic for my first check-up ng may nagtext sakin.

'Can we talk?' si Sky.

Uy, nakaalala ah. Ano naman kayang paguusapan namin?

'On my way somewhere important. TTYL.' reply ko. Ayoko naman shempre magpahalata na sabik akong kausapin sya. Shempre masakit pa din yun nangyari samin, though technically, hindi naman talaga cheating yung ginawa nya kasi wala na kami nung naging sila ni Zoey. Pero ano naman bang alam ko? Hindi ko naman alam kung matagal ng sila or whatever. I never read any news naman about them after na sabihin sakin ni Scarlett yung news na yun.

Of all people, si Scarlett pa ang nakapagsabi sakin. Kapatid pa ni Sky mismo! Ano kayang reaction ng mom nila? Siguro naman kilala na nila si Zoey dati pa.. Pero tanggap kaya nila na girlfriend na sya ngayon ni Sky?

Haay. Eto nanaman ako. Parang kumikirot ang dibdib. Tss.

'Call me asap.' reply naman nya. Ano ba kasing meron at kailangan namin magusap?

Hindi ko na sya nireplyan. Dumating na din kasi ako sa pupuntahan ko.

***

After series of ultrasounds.. Confirmed na nga talaga. I'm pregnant. Masaya ako kasi shempre, sino ba naman ang hindi sasaya na magkakaron na ng anak diba? Pero malungkot din at the same time kasi wala na kami ni Sky. I was contemplating whether to tell him or not. Sa ngayon, hindi na muna siguro? Pero pano kung ito na yung chance o yung way para magkabalikan kami? Mamahalin kaya nya ulit ako pag nalaman nyang buntis ako? Iiwan ba nya si Zoey? Pano yung career nya? Yung pinakaiingatan nyang career. Ayokong masira yun ng dahil lang sakin. Kaya, wag na lang siguro.. Bahala na. Sigh.

Pagkauwi ko sa bahay, I decided na sabihin na sa parents ko yung kalagayan ko. Hindi ko alam kung matutuwa sila or what. But knowing my mom, siguro naman hindi sya magagalit? And with my dad? Hmm. Not sure. Shempre, dad pa din sya. At ang malaman na nabuntis ang unica hija nya, ng isang lalaking iniwan sya. Goodluck. Pati na sila kuya. Ugh. Pano ba to?

'Hey guys, brunch at my place tomorrow. No excuses please. See you. xo.'

I sent the message to everyone including Kit. Then I remembered, nagmessage nga pala si Sky na gusto ako makausap. Ano ba kasi yun? Tsaka ako ba dapat ang tumawag sa kanya? Pano kung kasama pala nya si Zoey? Isipin pa nun naghahabol ako (totoo naman, haha). Pero kidding aside, ano pa ba kasi ang dapat namin pagusapan? Masasaktan lang ako lalo nyan eh.

Mukha lang naman akong okay, mukhang wala lang sakin yung nangyari. Pero kung alam nyo lang. Everynight, I cry myself to sleep. Pinipilit na kalimutan yung mga unli na memories na nagrereplay sa utak ko. Alam nyo ung kapag nakahiga ka na, tapos wala ka ng ibang iniisip, biglang babalik lahat ng sakit. Tapos wala kang magawa kundi maiyak na lang. Wala kang magawa kasi naaalala mo yung masasayang nangyari sa inyo. Yung first time na nagkita kayo, yung mga hindi inaasahang pagkikita. Mga surprise na date. Yung moment na sinabi nyang mahal ka nya. Yung mga times na pinakita nya sa mundo kung gano sya kasaya na naging kayo. Yung pinakita nya sa lahat kung gano ka nya kamahal.. Hanggang sa oras na sinabi nyang ayaw na nya..

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now