Chapter 62 - The Last Time

1.7K 37 19
                                    



LEXI

"Happy Birthday!" bati sa akin ng pamilya ko pagkagising ko. Isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi. Bawat halik ay may kasamang mahihigpit na pagyakap.

"Happy Birthday, baby." bati ng mom ko. Sa boses nya, halatang pinipigilan lang nyang maiyak. Niyakap nya ako ng mahigpit at sinabing "You'll always be my baby girl." Kasabay ng pagsabi niyang iyon ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Alam kong huling birthday ko na ito. Nararamdaman ko.

"Sigurado ka bang gusto mong pumunta?" tanong ni Kit. "Wag mo ng pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya." dagdag niya.

Napahinga na lang ako ng malalim at inalala ang mga nakaraang araw na lumipas. Ang mga nakaraang araw na puno ng pangamba, na maaaring iyon na ang araw huling araw ng buhay ko.

Ilang araw na din ang lumipas nang makalabas ako mula sa mahaba-habang pananatili sa ospital. Inatake daw ako ng seizure at internal bleeding. Sabi nila ay bigla na lang daw akong nawalan ng malay isang araw. Kahit ako mismo ay hindi ko matandaan ang mga nangyari noon. Nagising na lang ako isang araw na nasa isang kwarto ako, napapalibutan ng mga magagandang bulaklak, mga makina, at ng pamilya ko.

"Oh, thank God, you're awake!" bati ni mom nang makita nya ang pagmulat ng aking mga mata.

"M-mom" sabi ko. "W-what happened?"

"Shh. Everything will be okay, baby." niyakap nya ako at naramdaman ang pagluha nya.

"M-mom. S-s-sorry." naiiyak na sabi ko. "Sorry kung pinakaba ko kayo. Sorry kung ganito ang nangyayari sa akin. Sorry kung iiwan ko na kayo.." niyakap ko sya ng mahigpit at bumuhos ang mga luha ko. "I'm scared, mommy. I'm scared of dying. I don't want to die, mommy." Pagmamakaawa ko.

"Hush. Baby." sabi ni mom. "Don't say that. Hindi ka mawawala. Hindi namin hahayaan na mawala ka."

Halos ilang linggo din akong namalagi sa hospital dahil ayaw nila akong palabasin. Masyado na daw kumplikado ang lagay ko. Mahina na din ako, pero nagpumilit akong lumabas pagkatapos kong mabasa ang sunod-sunod na e-mails ni Sky.

"Last na. Last na talaga, promise." pakiusap ko sa pamilya ko, pati na sa doctor ko.

"Wag ka namang makulit, Lexi." sagot ng kuya ko. Napatungo na lang din ang magulang ko.

"Tama ang kapatid mo, iha. Masyado nang komplikado ang lagay mo. Hindi na tayo pwedeng mag-risk. You need to be observed 24/7." dagdag ni doc.

"Pero.. Please?" sabi ko. "Alam ko naman na last time ko nang makikita si Sky. Please, pagbigyan nyo na ako." mangiyak-ngiyak na pakiusap ko.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now