Chapter 46 - Surprise!

1.4K 33 1
                                    

ZOEY

Lumipas ang ilang buwan na maayos ang lahat sa mga buhay namin. Masaya, normal, walang problema, inlove na inlove lang sa isa’t-isa. Masasabi ko na ngayon, perfect na perfect na kami ni Sky kasi alam namin na nagkaroon na sila ng closure ng ex nya at okay din naman kami ng ex nya.

May mga araw na nakakasama namin magkakaibigan na gumimik si Lexi pati ang bestfriend nyang si Kit. Minsan niyayaya ko sila, minsan naman, nakikita namin sila sa isang place tapos sinasama na namin sila sa grupo namin. Ayos lang, parang tropa tropa na lang talaga. Masaya sila kasama infairness naman tsaka walang ilangan na nagaganap, para sa akin ah, ewan ko lang kay Lexi kung naiilang sya o awkward pa din sa kanya. May mga iba kasi na nagbibigay ng maling interpretation sa mga kinikilos namin, kesyo galit kami sa isa’t isa or may something padin si Sky at Lexi. Well, sorry sila kasi I don’t care. Alam naman namin ang totoo kaya bahala sila kung ano ang gusto nila isipin. Plus, anjan naman si Tyler para kay Lexi. Though alam kong may grilfriend na ang pinsan ko at nilalandi lang nya si Lexi. Hindi ko naman kasi akalain talaga na sya pala yung ex ng pinsan ko. Grabe ang liit talaga ng mundo, ano?

Hindi ako selosang tao. At naiintindihan ko kung anong meron sa kanila. Kahit ako naman siguro sa kalagayan ni Lexi, masasaktan talaga ako at mahihirapan na mag move on. Shempre nga naman minahal nya talaga si Sky. Manhid na lang siguro ang hindi masasaktan sa ginawa ni Sky noh. Kung sa akin nya gagawin yun, malamang hindi ko sya mapapatawad.

Mabait naman si Sky. Alam nyo ba na nakokonsensya sya sa ginawa nya kay Lexi? Oo, kinukwento nya sakin yun, pinaguusapan namin. Pinapakinggan ko sya at binibigyan ng advice. Masyadong attached kasi yang si Sky sa mga nagiging parte ng buhay nya. Ayaw nyang nakakasakit sya. At ayaw nyang nawawalan sya ng kaibigan. Alam ko importante pa din sa kanya si Lexi. At okay lang sakin yun kasi alam ko naman na ako ang mahal nya.

Si Lexi naman, infairness to her, mabait talaga sya. Naintimidate lang ako sa kanya nung una ko syang nameet kasi shempre, insekyora ang lola nyo nun kasi di ako ang jowa ni Sky nun. Pero ngayon, keribels na. Mabait sya, totoo. Promise. Bet ko sya. At nagegets ko na din kung bakit ganun na lang ang pagpapahalaga sa kanya ni Sky. Kasi naman, worth it naman talaga sya maging kaibigan.

Sobrang at ease na din ako sa kanya, may mga times na nagkukwentuhan kami. Tungkol sa mga buhay ng isa’t isa. Tungkol sa mga bagay na tanging mga babae lang ang makakaintindi. Ang saya nga kasi sobrang magka wavelength kaming dalawa. Pareho kami ng trip. Mapa-fashion man yan o pagkain. O kahit sa mga bagay na ayaw namin, halos pereho lagi. HAHA. No wonder pareho kaming nainlove kay Sky. Pero ayos talaga eh. Sa sandaling pagkakasama namin, unti unti ko syang nakikilala. At masasabi ko na yung mga tulad ni Lexi, sya yung pwede mong bansagan na ‘must-have friend’.

***

Sabado nung umalis si Sky papuntang Canada para sa isang show. Kaya eto ako ngayon, nagtatyagang kasama ang mga kaibigan ko para tumambay at magkape. Bakit kasi hindi na lang ako sinama sa show ni Sky. Diba labtim kami. Tss. Pero di bale, babalik naman na sya. Alam ko kasi ngayon yung balik nya eh, pero di nya sinabi kung anong oras.  Excited na pa naman ako na magkita kami ulit, kasi may surprise ako sa kanya.

Habang nakikinig ako sa mga kwentuhan ng mga kaibigan ko, minabuti kong maglaro na lang ng wordbrain sa phone ko.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu