Chapter 17 - Last Days..

1.9K 45 2
                                    

LEXI

After 5 days na vacation namin ni Sky sa Paris, balik nanaman ako sa normal na buhay ko dito sa UAE. Bakit ako lang? Kasi habang nasa Paris kami, tumawag yung sa network ni Sky, kailangan na daw nya bumalik ng Pinas kasi may urgent meeting sya with the big bosses para sa bago nilang project ng kaloveteam nya.

I was like, talagang pinasaya lang kami saglit tapos eto, bilang na ung maliligayang araw namin magkasama. Humingi si Sky ng 5 days na extension tapos uuwi na sya ng Ph. Saklap diba? Pagkatapos ng super sayang vacation naming dalawa, biglang bye bye na kagad. Parang isang fairytale lang na bigla ka na lang magigising sa kalagitnaan ng pagkiss sayo ng prince. Bitin na bitin. Sigh.

Naging masaya naman overall yung trip namin ni Sky. After ng birthday nya, wala naman na kaming ibang ginawa pa sa Paris kundi mamasyal ng mamasyal ng mamasyal at kumain ng kumain ng kumain. Puro ganun lang, pero masaya kasi kasama ko yung taong mahal ko. Masaya kasi para kaming normal na tao lang. May mga nakakasalubong kaming mga pinoy at hindi maiwasan na makilala nila si Sky kaya may mga nagpapapicture sa kanya. Meron pa ngang nagpost at nagpakalat nung picture namin na nagkikiss sa may Eiffel tower eh kaya ayun mukhang talk of the town nanaman. Pero sabi ni Sky, wag daw ako magalala sa ganun kasi okay lang naman na malaman ng lahat kung gano namin kamahal ang isa't isa.

May mga ilan din na reporters na taga network nya na tumatawag sakin. Ano daw ba masasabi ko sa pagiging girlfriend ni Sky. Ano nga naman bang masasabi ko? Sabi ko na lang, wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ko ngayon. Kasi masaya ako na mahal ako ni Sky at mahal ko din sya. Tama naman diba?

"5 days left.." sabi ni Sky, pagkahatid nya sakin from airport.

Napasimangot ako. 5 days. Limang araw na paghahanda para sa pinakamalaking pagsubok na mangyayari sa relationship namin. Limang araw na kailangan pahalagahan dahil hindi namin alam kung kailan na ulit kami magsasama. Well, madali lang naman kung tutuusin, pwede naman akong umuwi ng Ph for vacations, pero shempre, iba padin yung dito kasi ako sa malayo naka base talaga. Uuwi ako, ilang araw lang tapos ganun nanaman. Isabay pa yung trabaho ni Sky na wala ding pahinga. Kayanin kaya namin?

"5 days.." mahinang sagot ko sa kanya.

Umuwi na sya sa bahay ng tita nya. Shempre naman kailangan din nya magpakita sa pamilya nya diba. Tapos ako, naiwan dito mag-isa sa bahay. Dito na magsisimula yung takot ko. Yung takot na baka hanggang dito lang pala kami. Takot na baka sa moment na sumakay sya ng eroplano, kasabay nun na mawala sa ere yung pinagsamahan namin dito. Wag naman sana. Nakakatakot isipin. Pero wala naman akong magagawa. Siguro kailangan kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagawa nuon sa relasyon namin ni Tyler, kaya kami naghiwalay. Wag naman sana kaming matulad sa ganun. Hindi ko na yata kakayanin pag naulit pa yun.

Pagdating ni Sky sa bahay ng tita nya, tumawag kaagad sya sakin. Wala lang daw. Gusto lang daw nya ako makausap. Hindi na daw kasi sya sanay na hindi ako katabi. OA diba? OA pero ganun din yung nararamdaman ko. Nakaklungkot. Ganito pa lang mahirap na.. pano pa kaya kung malayo na talaga. Sigh.

Kinausap din ako ng kapatid nya, nangamusta lang tapos kinwento yung kung paano plinano ng kuya nya ung Paris trip namin. Kaya pala nung una, nagtatanong na si Scarlett kung may plan na ko sa birthday ng kuya nya. Yun pala umpisa nun. Nung sinabi kong wala pa, tsaka sila nagplano. Tapos nagpaalam pa daw at kinausap si dad para lang matuloy. Kaya pala galing sa company yung order na may 'client meeting' daw ako. Grabe din eh noh. Pati din pala si Kit alam yun. Kaya pala biglang sulpot sya nung 'nagaway' kami ni Sky. Ayos. Napagkaisahan nanaman ako! Pero ayos lang, masaya naman. Sobrang saya.

Pagkatapos namin mag-usap ni Sky at Scarlett, nag text text naman kami ni Sky. Parang teenager lang ang peg. Ewan ko ba. Lakas kasi maka-pbb teens ng boyfriend ko.

"Kin." text nya.

"Yes Kin?" reply ko.

"I love you." reply naman nya.

"I love you more." reply ko naman.

Ganyan lang, paulit ulit na message namin sa isa't isa. Ewan ko ba, masaya na ko sa ganyan. Parang kahit paulit-ulit, damang dama mo pa din.

"Kin." text ulit nya.

"Po?" reply naman ako.

"Mahal kita." sabi nya.

"Mahal din kita, mahal na mahal." reply ko naman.

Ayan, ganyan lang. Maikli, walang arte. Pero punong puno ng damdamin.

Kinabukasan, sinundo ako ni Sky. Aalis daw kami kasama ang family nya. Shempre, go naman ako dun kasi hindi lang naman si Sky ang babalik ng Ph, pati family nya. Kaya time na din na makipagbonding ako kasama sila.

Nagcheck-in kami sa Atlantis hotel sa Palm Islands, kung saan nakatira yung family ko. Shempre dumaan muna kami dun at pinakilala ko un mom ni Sky sa parents ko. Kilala na nila si Sky, kasi naman diba. Idamay daw ba sila sa pang seset-up sakin. Himala nga daw na pumayag si dad sabi ni Kit nun nakausap ko sya about dun.

"Hay nako be. Himala si tito John pumayag dun sa balak ni Sky ah." kwento ni Kit.

"Did he really personally asked dad?" Tanong ko naman.

"Oo noh. Sya mismo lumapit sa dad mo para tulungan sya sa gusto nyang mangyari. Buti nalang go din si tito! Pati kaya si tita super excited!"

So ayun. Nagkakilala na sila. Okay naman ung family ko at ni Sky. So far, so good. Sana tuloy tuloy na.

Nagstay kami sa hotel for almost 4 days. Masaya sobra kasama yung sister at mom ni Sky. Super bonding talaga ang ginawa namin. Halos ma-op na nga si Sky kasi parang naging mas close pa ako sa kapatid at mom nya kesa sa kanya. Eh wala, ganun talaga. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan un mom at sis nya. Super down to earth kasi nila. Ang sarap kakwentuhan, ang sarap kasama. Ang dami nilang kwento about kay Sky at sa buhay showbiz nya. Ung iba halos hindi kapanipaniwala pero mom na nya nagkwento kaya totoo malamang. Si Scarlett naman, halos walang tigil din sa kakakwento ng kung ano ano. Magkasundo kami kasi halos pareho kami ng trip. Mahilig din sa sasakyan, sa fashion, sa travel. I found a sister in her. Something like that.

Si Sky naman, shempre masaya ako na si Sky ang kasama ko. Pero sakit isipin na after neto, wala na. See you sa laptop na lang. Hello, long distance relationship na lang. Ganun. Masakit. Nakakalungkot isipin na bakit kailangan magkalayo. O wala akong karapatang magreklamo kasi at the first place, alam ko naman na eventually mangyayari to? Pero tinuloy ko pa din. Sigh.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now