Chapter 40 - Closure

1.4K 33 0
                                    

SKY

“Then we almost, almost knew what love was..

Almost is never enough..”

Napatingin ako sa mga mata ni Lexi at nakitang nagsisimula ng mangilid ang mga luha nito. Lalapitan ko na sana sya para yakapin man lang. Dahil nararamdaman ko na nasasaktan pa din sya.

‘I’m so sorry Lexi. Hindi ko gustong mangyari to.’ Sabi ng utak ko.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Bigla na lang syang tumakbo palayo sa kinatatayuan naming bago pa man ako makalapit sa kanya. Nakita ko ang mukha ng mga tao, nagtataka din sila kung ano nga ba ang nangyari. Napatingin ako kay Zoey, napasimangot sya. Malamang ay hindi din nya nagustuhan ang mga nakita nya.

Mga pauso kasi ng kapatid ko eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang gawin to. Kung bakit sa dami ng pwedeng kumanta, kami pa ni Lexi. At sa dami pa ng kantang pwedeng kantahin, yun pa. Feeling ko ang sama sama ko kasi harap harapan kong nasasaktan si Lexi. Tss.

Napailing na lamang ako at lumakad palapit kay Zoey.

“Nasaktan ko nanaman sya..” sabi ko na nakayuko at hawak ang kamay ng babaeng mahal ko.

“Hayaan mo na lang muna sya. Alam naman natin pareho na masakit talaga yung nagawa mo sakanya diba. Hindi madaling mag move-on, Sky. It takes time, babe.”

Gumaan ang loob ko nang narinig ko iyo galing sa girlfriend ko.

Isa sa mga dahilan kung bakit minahal ko si Zoey ay dahil napaka understanding nya. Never nya ako nijudge sa mga naging desisyon ko o sa mga nangyayari sa buhay ko. Lahat iniintindi nya. Lahat tiniis nya. Ilang taon nyang tiniis na mahalin ako ng patago at never syang sumuko. Lahat iniintindi nya. Lalo na yung sitwasyon naming ni Lexi ngayon.

Nagseselos sya, oo. Pero hindi yun nagiging rason para mag-away kami o maghiwalay. Dahil alam nya, at pinaparamdam ko sa kanya na wala syang dapat ikaselos at mahal na mahal ko sya. At hindi ko hahayaang mawala ang isang katulad nya sa buhay ko.

“Ma, I’ll go ahead..” napalingon kami pareho ni Zoey nang marinig ang pagpapaalam ni Lexi kay mommy.

Wala kaming idea kung saan sya nagpunta nung tumakbo sya kanina. Pero ngayon, kasama nya si Scarlett. At gusto na nyang umalis.

“Ha? Bakit ang aga naman anak? May sasakyan ka ba? Teka—“ tumigil saglit si mommy sa pagsasalita. “Sky, anak.”

Tumingin ako sa kanya nang tawagin nya ako. Mukhang alam ko na to ah.

“Sky, uuwi na daw tong si Lexi. Ihatid mo—“

“Wag na po ma, kaya ko na po.” Sabi ni Lexi. “Sky, wag na. Don’t bother. Kaya ko na sarili ko.”

“Hindi, hindi ka pwedeng mag commute, anong oras na din oh, delikado. Alam mo namang iba dito sa Pilipinas, Lexi. Sky, sige na ihatid mo na sya. Kami nang bahala kay Zoey.” Utos ni mommy.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now