Chapter 9 - Why?

2.1K 56 7
                                    

Days passed by. Wala akong narinig again from Sky after our small 'dinner' last time. I don't know what happened to him or whatever after that night. Maybe he just needed to check if he really likes me or what kaya nya ko niyaya lumabas nun. Then maybe he realized that I'm not his type of girl. Aray naman. Okay, ang oa ko na para umasa na may something kami. Pero diba, hindi ko alam kung ano yung iisipin shempre. Maybe he's just feeling friendly? Maybe natripan lang nya? Ganun ba yun?

"Pag naging tayo, kahit dito ka nakatira at sa Pilipinas naman ako, hinding hindi kita pakakawalan."

Sabi nya nung last time na magkasama kami. Oo, alam ko tinanong ko sya kung anong ibig sabihin nun at hindi din naman nya ko sinagot dun. Pero bakit naman nya sasabihin un kung alam nyang maririnig ko tapos wala naman pala syang balak or whatever? O baka naman nagaassume lang ako?

Alam ko mababaw tong rants ko. Alam ko mukha ding desperada. Pero what can I do? Nagustuhan ko yung tao e. Isang araw lang kami nagsama, no, kalahating araw lang pala un, pero I liked him na. Pano na lang kung lage ko na syang kasama? Eh di hindi ko na sya mapakawalan?

Minsan lang ako magkagusto. Sa dami, not to brag, pero sa dami ng nangliligaw sakin, sya pa nagustuhan ko. Sa taong isang beses ko lang nakasama pa. Sa taong mukhang wala naman talagang gusto sakin pa. Ang labo din eh noh.

Teka, bakit ba ang tagal naman ni Kit? Sabi nya dito daw kami magkita at may importante daw kaming pupuntahan. Bwisit talaga yung taong un. Kung kelan tamad na tamad ako lumabas, tsaka pa nagyaya. Ni hindi man lang sabihin kung saan kami pupunta. Pinagbihis pa ko ng maganda. Hay..

"Mukhang malalim nanaman iniisip mo ah." Nagulat ako ng may nagsalita sa may likuran ko. Kung ano ano nanaman pala naiisip ko.

Tinignan ko kung sino yun nagsalita. Pagtingin ko, si Sky. Nakangiti. Kaya nginitian ko din sya. Haay. Nakita ko nanaman sya. Sa dami ng rants ko. Kung kelan nagiinarte ako, tsaka sya magpapakita at ngingiti ng ganyan.

"Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita eh." Sabi nya ulit. Hinahanap nya ba ako? Alam naman nya kung saan ako nakatira ah. Hinatid nya ko nun e. Pati binigay ko sa kanya un calling card ko ah. Pwede naman syang tumawag.

"Ha? Wala lang. May inaantay kasi ako." I said to him coldly.

"Ay may date ka?" sumimangot sya sabay upo sa may upuan sa harap ko.

"Wala, si Kit lang." sagot ko. Natawa sya.  Anong nakakatawa? Wirdo.

"Sorry hindi kita nacontact after last time ha. I accidentally lost your card kasi. Tapos I haven't saved pa your number on my phone. Buti nga nakita kita dito eh. Kundi mababaliw na siguro ako sa kakahanap ng way para lang makita ka ulit." Sabi nya. Somewhere deep inside, kinilig ako.

"Ah ganun ba. Okay lang un." Okay nga lang ba? Diba nagtatampo ako? Ano ba kasi! Bakit kasi ganyan ka magsalita. Pa-fall.

"Can I borrow your phone?" Sabi ko sa kanya. Nagulat sya pero inabot pa din nya ung phone nya.

I pressed it, umilaw sya. Nakita ko yung wallpaper nya. I was shocked to see na wallpaper nya yung first picture namin together. Bakit?? Biglang bumilis tibok ng puso ko. Ano ba yan. Bakit naman ganyan. Alam ba nyang hihiramin ko un phone nya kaya ganyan wallpaper nya? Imposible naman..

"Nakalock.. Ikaw na maglagay ng passcode." Inabot ko ulit sa kanya yung phone.

"1229." Sabi nya bago pa man maabot sa kanya yung phone.

1229? Teka. Birthday ko yun ah.

"Bakit ganun yung passcode mo?"

"Yun yung unang araw na nakilala kita." Sinabi nya habang nakangiti.

So hindi dahil birthday ko yun? Assuming ako. Pero dahil yun ung araw na nakilala nya ko? Bakiiiit???

Inunlock ko na yung phone nya at dinial ang number ko para masave sa contacts nya.

"Para hindi mo na mawala." Sabi ko sa kanya habag binabalik ko yung phone nya. Ngumiti sya at kinuha yung phone nya.

Hindi ko alam kung anong trip ng taong to. I can't figure him out. Bigla na lang sumusulpot. Bigla na lang nagpaparamdam. Tapos, biglang nawawala. Labo diba? So, para gumanti, nagdecide akong umalis na.

"Una na ko." sabi ko sa kanya. Just poker face. Pa-inarte lang.

"Ha? Aalis ka na kaagad? Kadarating ko pa lang nga eh." sabi nya, napatayo sya nung tumayo ako.

"Wala lang, gusto ko na kasi umuwi." sabi ko lang, sabay talikod.

Bigla kong naramdaman hinawakan nya ko sa braso para pigilan. "Wait." hinila nya ko palapit sa kanya. "Sama ka sakin." sabi nya.

Hinila nya ko papuntang sasakyan nya. "Where are we going?" tanong ko, di na ko nagpumiglas.

"Sakay." sabi nya. Sumakay naman ako sa sasakyan nya.

Pinaandar na nya yung dala nyang sasakyan, naalala ko, buti na lang wala akong dalang sasakyan. Nakita ko, palayo na kami sa city. "Saan ba tayo pupunta?" sabi ko ulit sa kanya.

Napangiti sya. "Basta, kalma ka lang. Di kita kikidnappin. Just wait and see." tumawa sya. Napatitig lang ako sa kanya.

Ang lakas ng dating nya talaga. Lalo na habang nagdadrive sya. Sobrang angas tignan.

"Baka naman matunaw na ko nyan?" bigla nyang sinabi. Hindi ko namalayan, nakatitig pala ako sa kanya.

"Kapal ah." sabi ko sabay tingin sa bintana.

"Nasan na ba tayo? Where are we going?" sabi ko ulit.

"Dun oh." sabay turo nya sa may right side. Napatingin ako.

"Ferrari World?" pabigla kong tanong. He's bringing me to a themepark? Bakit? Wala ba syang kasama mamasyal at ako ang idadamay nya? Bakit di sila ng family nya ang pumunta dito?

Nakita ko syang nag smirk. "Naisip ko kasi na mahilig ka din sa cars, tulad ko. Kaya perfect na date para satin to."

"Date?" napasigaw ako. OA lang. Sorry naman, nakakabigla naman kasi talaga.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now