Chapter 38 - Family

1.5K 34 0
                                    

Nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko ng biglang nagring ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero number lang. Sino naman kya to? Hindi ako sumasagot ng number lang kaya nireject ko ito.

‘Tatawag ulit yun, kung importante.’ Sabi ko sa sarili ko. Totoo naman diba? Kung hindi man ito tumawag ulit, malamang mgtetext kung importante o kilala ko man sya.

Bumalik ako sa pagbabasa ng libro nang magring nanaman ang telepono ko. Nang tignan ko ito, yung number nanaman.

‘Malamang kakilala ko to.’ Sabi ko ulit sa sarili ko.

Nagantay pa ako ng konti bago ko sinagot ito.

“Hello?” ako.

“Lexi.”

Halos mahulog ang panga ko sa pagkakanganga nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Boses na kalianman ay hindi ko nalimutan. Boses na nakatatak na sa utak ko. Boses ng lalaking pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko, kahit na anong mangyari.

Si Sky. Ang lalaking iniwan ako para sa iba.

Mga dalawang linggo na din mula ng huli kaming nagkita. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng malaman nyang nabuntis nya ako, pero nawala din. Simula nun ay wala na akong narinig mula sa kanya. Tanging yung girlfriend lang nya ang dumalaw sa akin sa hospital nung nakaconfine ako.

Ano naman kaya ang kailangan nya at napatawag sya?

“Uhm. Sky?” hindi na ako nagpanggap na hindi ko nakilala ang boses nya kasi hindi ako magaling sa ganun.

“Kamusta ka na?” ganun pa din ang dating ng mga simpleng salita nya sa akin. Kahit na ganyan lang ang sabihin nya, nalalalaglag pa din ang puso ko sa kilig.

“O-okay lang ako. Uhm, thank you nga pala dun sa last time. Nakwento kasi sa akin ni Kit..”

“Wala yon. Hindi ka naman stranger sakin eh.” Napangiti ako ng konti sa sinabi nyang iyon. “Lexi..”

“Mmm?”

“Sorry nga pala sa nangyari.” Seryoso ang boses nya. “Sorry. Basta sorry.”

“Wag na nating pag-usapan. Sorry na lang din kung hindi ko sinabi sayo ng maaga.” Nawala ang mga ngiti ko nang maalala ang nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan.

“Okay ka na ba ngayon? Gusto mo ba ng makakausap?” tanong nya. Ano naman kayang meron sa taong ito ngayon, bakit parang ang bait nya.

“Hinde, okay lang ako. Salamat.”

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now