Chapter 3 - First

3.1K 71 9
                                    

“Thank you so much, Maia, have a nice day, too!” paalam ko sa kanya.

Naglakad ako palabas ng botique habang nakayuko at kinakalkal ang bag ko para hanapin ang phone ko at isoli ang card sa wallet ko ng biglang may bumangga sa akin.

Nahulog ang paper bag na dala ko pati na ang phone at wallet na hawak ko.

“Sorry, miss. I didn’t mean to.” Sabi ng lalaking nakabangga sakin. ‘Pinoy yata ‘to.’ Sabi ko sa sarili ko. Hindi naman kasi english accent talaga eh.

“No, it’s okay, it’s okay.” Sabi ko habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit. Napansin ko na yumuko din sya at tinulungan akong pulutin ang mga nahulog kong gamit.

“Kuya, okay lang ako, wag ka na mag abala.” Sabi ko sa kanya habang inaabot nya sa akin ang mga napulot nya.

“Filipina ka? Hindi halata!”


What's wrong with these people? Lagi na lang gulat pag nalamang pinay ako. Hindi ba halata eh nagtatagalog na nga ako?

Itinaas ko ang ulo ko para tignan sya. Nakatitig sya sakin, at ganun din ako sa kanya.

‘Parang nakita ko na ‘to.’ Sabi ko sa sarili ko. Nakatitig pa din sya. Wala ni isa sa amin ang gumagalaw.

Ang gwapo nya, nakita ko na tong mukhang to somewhere eh, di ko lang alam kung saan at kailan. Pero grabe, ang gwapo nya. He don’t seem to look like an old guy. He looks like my age. Naka salamin sya, black raybans na eyeglasses. Malabo kaya ang mata nya? Simple lang ang damit nya, polo shirt, pants, and sneakers. Matangos ang ilong, mapungay ang mga mata, hindi super puti, hindi din maitim. Sakto lang. Moreno. Maganda ang buhok, itim na maikli, bagay sa itchura nya. Ang ganda ng lips nya, manipis at reddish perfect para sa isang lalaki. Gwapo sya. Oo, gwapo sya sa paningin ko.

“Uhm, sorry. Ako nga pala si Sky.” Sabi nya habang inaabot ang kamay nya sakin, para makipag shakehands.

Nginitian ko sya at inabot na din at kamay ko. “Uhm. Lexi. I’m Lexi.”

“Ang ganda ganda mo.” Mahinang sabi nya, pero narinig ko pa din.

“What?” sabi ko.

“Ah, wala. Sabi ko sorry kanina, di kasi talaga kita napansin. Pinay ka ba talaga? Iba kasi itchura mo eh. Taga dito ka ba? May kasama ka ba? Sorry masyado na ba akong madaming sinasabi, ganito kasi ako pag kinakabahan eh.”

Natawa ako at napangiti sa sinabi nya. “Bakit ka naman kinakabahan? Okay nga lang ung kanina, hindi naman ako nasaktan eh. Tsaka, oo, pinay ako, oo, taga dito ako, at may kasama ako kaso di ko na alam kung nasaan eh. Okay na ba?” sagot ko sa kanya.

Ngumiti sya. Ohmy, ang ganda ng ngiti nya. Teka, parang namumukhaan ko na sya! Oo, sya nga. “Wait, I know you! Ikaw ung artista diba? am I right?” nanlaki ang mata nya nung binanggit ko ang pangalan nya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang