Chapter 26 - Signs

1.5K 34 0
                                    

//A WEEK LATER

LEXI

“Ano nanaman bang problema mo Lexi?” sigaw ni Sky habang magkausap kami sa Skype.

Mga ilang araw na kaming ganito. Away-bati. Dahil sa mga walang kwentang bagay. Nagsimula to after nung grand ball nila eh. Tinatanong ko sya kung anong meron nung gabing yun at bigla na lang syang naging grumpy days after nun.

“Umamin ka nga Shane! Ano ba kasing meron sa inyo ng Zoey na yan?” biglang banat ko.

“Ha? Anong pinagsasabi mo? Adik ka ba?”

“Bakit ang daming nagkukwento sakin na madalas kayong magkasama? Kaya ba madalang mo na akong kinakausap? Kasi kasama mo sya lage??”

“Magkatrabaho kami, Lexi! Malamang lagi talaga kaming magkasama! Ano ka ba naman!” naiinis na sagot nya.

“Kahit wala kayo sa trabaho nyo, may mga nakakakita sa inyo na magkasama pa din kayong dalawa.” Malamig na sagot ko. Napapagod na din ako makipag talo sa kanya. Ilang araw na kaming ganito. Walang matinong pag-uusap. Puro away. Kung hindi dahil dun sa Zoey nay un, dahil naman sa oras.

"Alam mo Sky, nagsimula kang ganyan nung pagkatapos ng lintek na ball na yan eh. Ano ba kasing meron? Aminin mo nga, kayo na ba ni Zoey??" Dagdag ko.

"Pwede ba, Lexi! Kung paghihinalaan mo lang ako, wag mo na akong kausapin! Wala akong ginagawang masama!" Bwisit na sagot naman nya.

Bangayan nanaman ito. Minsan alam nyo, nakakasawa din yung ganito. Yung feeling na asar na asar ka na tapos hindi mo alam pano mo ilalabas yung asar mo na gusto mo na lang sumabog o sumuko na lang.

Mga ilang minuto pa ay hindi na namin natagalan ang pagaaway at inend na namin un call.

Hindi ko kasi ma-gets. Bakit tuwing tungkol dun sa Zoey na un ang usapan, laging mainit kaagad ang ulo nya. Naiintindihan ko naman na ka-loveteam nya ung tao. Pero kailangan ba pati off-cam loveteam pa din ang trato nila sa isa’t isa?

Ang dami na kayang nagtatanong sakin kung kami pa daw ba ni Sky. Pag tinanong ko kung bakit nila natanong yun, ang sagot lang nila, ‘kasi akala namin sila na nung Zoey eh.” Ganun? Bastusan lang? Mukha na bang hindi na kami??

Mahirap din talaga yung ganito ah. Yung feeling na hindi mo alam ano yung paniniwalaan mo. Though, shempre, kailangan kong paniwalaan si Sky kasi sya ang boyfriend ko. Pero may part sakin na hindi mapigilang mag doubt. Nakakalungkot, alam nyo ba, yung minsan may makikita kang couples na naglalandian tapos ikaw, ayun, nganga. Maiisip mo na lang, 'sana andito sya.' Yung maiinggit ka sa mga taong nakakasama nya. Tulad nyan, di ko maiwasan shempre mainggit kay Zoey. Halos everyday sila magkasama ni Sky. May mga ginagawa sila na kahit on-cam lang eh talaga namang nakakainggit.

Mas lalong nakakalungkot ung ganitong sitwasyon, yung magkalayo na nga kayo, tapos nagaaway pa kayo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yung kailangan mo ng yakap nya o ng comfort nya para mawala ung sama ng loob mo sa kanya, pero wala eh. Malayo sya.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now